Chapter 12.a

1161 Words
Crescent Moon S. Hanley's Pov   "Nakasalalay sa kamay ng mga r-blood ang buhay nila."   "Kung bakit ba naman kasi kailangan pa nilang magpanggap." ismid ni Marien. "Maraming schools na nagkalat sa buong bansa na may magandang learning systems na pwede nilang pasukan nang hindi nalalagay sa panganib ang buhay nila."   "Marien, narinig mo naman siguro ang paliwanag ni Moon, right?" sabat ni Paul Zither, ang unico hijo nila Tito Hunter at Tita Frey. "Kapag RU graduate ka, sigurado nang hindi ka maghihirap kahit pa hindi na kumikita ang kumpanya mo. At kung sakali mang gusto mong magtrabaho sa ibang kumpanya, sigurado nang pasok ka kahit sa kahit na anong posisyon pa ang gustuhin mo. Kaya huwag ka nang magtaka kung bakit maraming b-bloods ang nangangahas pumasok dito."   "Isa pa, walang nakakalam na ganito ang kapalaran ng isang b-bloods sa loob ng RU." singit ni Francess. "Hindi naka-public ang information na iyon kaya marami din talagang naloloko itong RU. Kapag kasi nakapag-enroll na ang isang b-bloods, hindi na sila pwedeng mag-back out pa."   "Kaya nga karamihan ng r-bloods dito ay laro kung maituturing ang ganitong kalakaran kung saan ang buhay ng isang b-bloods ang nakataya." ani Warren Andy, anak nila Tito Jerico at Tita Whendy.   Pumikit ako at iniling-iling ang ulo ko nang may mga alaala ang pilit bumabalik sa isp ko. Alaalang matagal ko nang gustong kalimutan. Alaala ng nakaraan na may kinalaman sa kung bakit nga ba naging ganito ang pamamalakad sa eskwelahang ito.   "Moon?"   Napadilat ako at nilingon si Zhaiken na nasa kanan ko.   "Okay ka lang?" Bakas ang pag-aalala sa mukha niya kaya agad kong ikinalma ang sarili ko tsaka ngumiti at tumango.   "Oo naman. Inaantok lang ako." dahilan ko.   "Maghapon ka na ngang tulog kagabi tapos inaantok ka pa din." Napailing nalang siya tsaka ginulo ang buhok ko. "Mukhang sandali nalang naman ang speech niya kaya tiisin mo muna."   Tumango nalang ako at nakahinga na ako ng maluwag nang ibalik niya ang tingin sa harap.   "Iyon nalang muna sa ngayon." Naibalik ko na din ang atensyon ko kay X. "Kung may mga tanong pa kayo, pwede kayong pumunta sa office ng royal guards. You can go to your respective class." Umalis na siya ng stage at doon na nagsimulang magtayuan at maglabasan ang mga estudyante.   Habang ako, nananatiling nakaupo at nakatitig sa stage.   "Tara na, Moon." aya ni Zhairell.   "Mauna na kayo." sabi ko tsaka tumayo at humarap sa kanila. "Nasabi ko na naman ang lahat ng kailangan nyong malaman. May kailangan lang akong puntahan."   "Akala ko ba inaantok ka?" takang tanong ni Zhaiken. "Sobrang importante ba nyan para mawala ang antok mo?" Minsan, hindi ko alam kung kilala ba talaga ako ng bestfriend kong ito o hindi. May mga times kasi na parang wala siyang pakialam sa mga biglang pagbabago ng mood ko.   "Not that important pero kailangan ko pa ding puntahan." sabi ko na tinanguan nya.   "Okay. Kita nalang tayo sa dorm." Nauna na silang lumabas sa akin habang ako naman ay naglakad palapit sa stage.   May papel kasing iniwan si X sa podium at iyon ang kinuha ko dahil alam kong para sa akin iyon. At hindi nga ako nagkamali kaya nang mabasa ko ito ay agad na akong nagpunta sa lugar na nakasulat doon.   'Rooftop Garden ni Jin'   May tatlong garden sa Royal University. Una ay ang rooftop garden ni Jin na nasa tuktok ng palasyo niya. Pangalawa, ang rooftop garden ko na nasa tuktok ng dorm building kung nasaan ang unit ko. Ang pangatlo ay nasa tagong parte ng school na ang grupong  dati kong kinabibilangan lang ang nakakaalam.   Inaasahan kong si Jin ang makikita ko pagdating sa rooftop ng palasyo pero nagkamali ako at hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng disappointment na hindi sya ang nakita ko o matuwa dahil aaminin ko na hanggang sa mga oras na ito, hindi ko pa din alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nagkaharap kami ng gagong iyon.   "Yo." masayang bati ni X tsaka ako dinamba ng yakap. "Na-miss kita."   "Hindi kita na-miss." I tapped her back tsaka siya kumalas ng yakap sa akin at naupo naman ako sa malambot na sofa na narito. "Nasaan ang tarantado?"   "Nagkaproblema sa shipment ng isa sa client niya kaya kinailangan niyang umalis at personal iyong asikasuhin." aniya. "At mas mabuti na ding wala siya dito ngayon dahil siguradong hindi magiging maganda ang mangyayari kung magkikita agad kayo."   "Yeah." pagsang-ayon ko. "Baka magpatayan kami sa harap ng mga estudyante niya."   "Ito na nga pala yung mga files na hinihingi mo sa akin." Iniabot niya ang isang flashdrive. "Nandyan ang listahan ng mga B-blood nasa loob ngayon ng RU."   "Baka naman ito yung fake files na ipinasa nila sa inyo." Kinuha ko iyon at agad na ibinulsa.   "Actually, hindi pa namin nache-check ang kalahati dyan at kaya ibinigay ko na sayo dahil alam kong mas mabilis kang magtrabaho kaysa sa mga tauhan ko." natatawa niyang sabi na inirapan ko nalang. "Sino ba kasing hinahanap nyo dito at biglaan ang pagta-transfer nyo? Iyon kapatid ba ni Rachelle?"   Tumango ako. "Isa lang iyon sa dahilan."   "Eh?" Kumunot ang noo nya. "May iba pa?"   Muli akong tumango, "Nalaman kong nag-enroll din dito ang kapatid ni Lucifer at iyong mga bestfriend niya."   "What?" Napatayo sya sa gulat. "Wait. Sigurado ka ba dyan?"   "Iyon ang sabi ng mga kaibigan nila nang pumunta ako last month kaya nga hindi na din ako tumutol pa nang sabihin ni Tito Ken na magta-transfer ang buong barkada dito."   "Oh s**t! Moon!" Nagsimula na syang magpanic na ikinailing ko nalang. "Siguradong mumultuhin tayo ni Lucifer kapag pinabayaan natin iyon. Well, I don't really care about his bestfriends dahil r-blood ang mga iyon pero iyong kapatid niya. Hindi pwedeng mapahamak iyon."   "I know. Kaya nga nandito ako, di ba?" Inirapan ko siya. "Ayokong matulad kay Lucifer ang kapalaran ng kapatid niya kaya gumagawa ako ng paraan." Bumuntong hininga ako tsaka ginulo ang buhok ko. "Ipagpasalamat ko nalang talaga na mga r-blood ang buong barkada kaya hindi ko kailangang mag-alala sa kanila."   "Bakit kaya hindi ka humingi ng tulong sa kanila tutal, nandito na din naman sila eh." suggestion niya na ikinatingin ko sa kanya. "Well, ang dami nyong magbabarkada at well-trained pa kaya kung sakaling mahanap nyo ang lahat ng b-bloods na pakay nyo ay magagawa nyo silang protektahan."   "Hindi papayag si Jhem." mabilis kong sagot. "Hindi siya papayag nang hindi nalalaman ang buong detalye at oras na sabihin ko iyon, kakailanganin ko ding sabihin ang lahat ng nangyari magmula noon."   Tumangu-tango sya. "Sa bagay. Pero bakit ba hindi mo nalang sabihin sa kanila? I'm sure, maiintindihan nila iyon."   Hindi ako sumagot at ibinaling nalang ang tingin sa kabuuan ng Royal University na tanaw mula sa kinalalagyan ko.   I trust all of them pero ang mga ginawa ko sa nakaraan ay masyadong kumplikado para magawa nilang intindihin kaya hangga't maaari, mas mabuti nang ilihim ko nalang ito.   "Ayoko nalang gawing kumplikado ang mga bagay na kumplikado na."   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD