Chapter 12

1176 Words
Crescent Moon S. Hanley's Pov   "Si Moon."   "Oo nga. Nakabalik na pala siya."   "Sino iyang mga kasama niya? Royal blood kaya ang mga iyan?"   "Baka black blood. Kay Moon nakadikit eh."   "Gaga! Hindi mo ba kilala iyong nasa tabi ni Moon? Sila iyong magkapatid na Xermin-Mirchovich."   "Oo nga noh. Ngayon ko lang sila nakita ng personal eh."   "Iyon nasa likuran naman niya ay ang magkapatid na Ayuri-Mirchovich."   "s**t! Puro royal blood iyan, dude. Mga anak ng Chess!"   Ilan lang iyan sa mga naririnig naming usapan sa paligid na hindi na namin pinapansin dahil wala namang kwenta.   Ngayon lang ba nila nakaharap ang mga kasama ko para hindi makilala agad. Eh sikat ang karamihan sa kanila dahil nga mga anak kami ng Chess na kilala sa buong Shiganshina City. At talagang pinagkamalan pa nilang black blood, huh.   Two days ago nang dumating kami dito sa Royal University pero ngayon palang kami nakita ng lahat dahil nagkulong muna kami sa loob ng dorm para makapagpahinga.   Aba, malayo-layo din ang naging byahe namin mula Hellion Residence na nasa dulong bahagi ng Shiganshina hanggang dito sa RU na nasa dulong bahagi naman ng Trost City.   At ngayon nga ang opening ceremony para sa school year na ito kaya nandito sa loob ng auditorium ang lahat ng estudyante.   "Moon." Nilingon ko si Zhairell na syang katabi ko. "Bakit kilala ka nila? At base sa mga sinasabi nila, parang nag-aral ka na dito dati."   "Hindi ba't humiwalay ako ng school sa inyo pagtungtong natin ng senior high? Dito ako nag-enroll noon at ang batch namin ang kauna-unahang estudyante dito nang muli itong buksan five years ago." paliwanag ko. "At mga ka-batch ko ang karamihan sa kanila kaya kilala nila ako. Maliban pa doon, kilala din ako bilang numero unong black blood protector."   Tumangu-tango siya. "Kaya pala iyong ibang royal bloods, nakasimangot habang nakatingin sa'yo." Ipinaalam ko na naman sa buong barkada ang pamamalakad sa buong RU para hindi na sila mabigla kung sakaling may mangyari mang hindi maganda sa araw na ito.   Malakas ang topak ng director dito kaya hindi nakakapagtaka kung magkakaroon ng kaguluhan mamaya pagdating nya.   Well, iyon ay kung narito nga siya at maglalakas loob iharap sa akin ang makapal niyang mukha.   "Anyway. Na-confirm mo na ba kung nandito iyong kapatid ni Rachelle?"   Tumango ako. "She's here though hindi ko pa alam kung saan ang dorm niya, maging ang class at course. At nakita mo naman siguro kung gaano kalaki ang RU kaya hindi magiging madali ang paghahanap sa kanya lalo na't hindi natin alam kung anong pagkatao ang ginagamit nya."   "Hindi mo ba iyon makikita sa records nila?"   "Kapag ginawa natin iyon, siguradong makakatunog ang iba at malalagay sa panganib ang buhay niya kaya hindi tayo dapat magpadalos-dalos, okay? Mahahanap natin siya kaya huwag kang masyadong mag-alala." I tapped her shoulder tsaka muling ibinalik sa harap ang tingin.   Sakto namang umakyat sa stage ang kanang kamay ng Director, si Xemalyn Mirc, ang commander ng Royal Guards o pwede ding sabihin na presidente ng student council.   May apat itong squad na pinamumunuan naman ng quadruplets na sina East, West, South at North Esteva. Kapag nandito sa loob ng school, trabaho nilang bantayan ang pader na nakapalibot sa buong school laban sa mga black bloods na magtatangkang tumakas palabas dito.   Habang may isa pang grupo nito ay pinamumunuan ni Claver Mark, captain ng Royal Guards at trabaho naman nila ang magbantay sa labas ng pader laban sa magtatangkang pumasok dito.   "Good morning, everyone." bati nito.   "Si T--" Agad kong binalingan sina Seiren, Alhena at Ghento at sinamaan ng tingin. Ipinaliwanag ko na nga ang lahat sa kanila tapos ganito pa mag-react. "Sorry naman." Nag-peace sign pa sila na inirapan ko nalang tsaka inambahan ng kamao bago ibinalik ang tingin kay Xemalyn o mas kilala bilang X.   "Marami-rami ang new students ngayon huh." aniya. "Anyway, hindi makakarating si Jin ngayon kaya ipapaliwanag ko nalang sa inyo ang ilan pa sa mga kailangan nyong malaman."   Napangisi ako sa narinig.   Akala ko, walang kasing kapal ang mukha ng lalaking iyon para kayaning harapin ako eh. Marunong din palang mahiya.   Saglit itong tumingin sa papel na hawak bago muling bumaling sa amin. "As for today, may 1920 students ang buong Royal University at hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may mga taong hindi galing sa mayamang pamilya ang naglalakas loob pumasok dito sa pamamagitan ng pagpapanggap na mayaman o katauhan ng iba at sila ang tinatawag na B-blood o black bloods. At sa mga oras na ito, may 517 B-bloods ang nasa loob ng school, so 1403 lang ang mga R-blood or royal bloods."   Napuno ng hiyawan ang buong auditorium at nanggagaling iyon sa mga estudyanteng natutuwa dahil marami-rami ang mga  B-blood sa taong ito kumpara nitong mga nakaraan.   "Okay, tahimik muna." pagpapatahmik ni X sa lahat na agad namang nasunod. "Nasabihan na namin ang mga b-bloods tungkol sa school rules para sa mga tulad nila. Ipo-provide namin ang lahat ng kailangan nila para makapagpatuloy sa pagpapanggap at pag-aaral. Wala silang gagastusin basta masiguro nilang hindi malalaman ng sinuman sa inyo na isa silang b-blood dahil kapag nangyari iyon, kayo, mga r-bloods ang may karapatan sa buhay nila. Pwede nyo silang protektahan o patayin. Oras na malaman nyo ang pagkatao nila, kayo ang mamimili sa kung ano ba ang magiging kapalaran nila sa loob ng eskwelahang ito." paliwanag nya. "But of course pagkakataon din naman ang mga black blood na umalis sa RU kung gugustuhin nila. Iyon nga lang, hindi sila maaaring lumabas sa nag-iisang gate ng school."   Naikuyom ko ang mga kamao ko nang maalala ang dalawang daan na maaaring gamitin ng mga b-bloods para makalabas ng ligtas at buhay sa school na ito.   "May dalawang daan ang pwede nilang gamitin. Ang una ay ang red wall na matatgpuan sa bawat corner ng school. Mataas ang pader na iyon kaya sigurado namang nakita nyo na iyon." Kung titingnan, ang red wall ang pinakamadaling daanan palabas. Hindi iyon binabantayan ng royal guards at may mga gamit ding nakahanda doon para sa sinumang magtatangkang lumabas pero ang nagpapahirap doon ay ang mga r-bloods na nag-aabang doon para makilala kung sino nga ba ang mga b-bloods. "Ang ikalawa ay kung may isang grupo ng r-bloods ang lalaban sa Royal Battle para sa kaligtasan ng isang mahuhuling b-blood."   Ang Royal Battle. Isa iyong labanan sa pagitan ng dalawang grupo ng r-blood. At dahil nga bawal ang p*****n sa pagitan ng mga r-blood, ang pinagbabasehan ng pagkapanalo dito ay kung kaninong grupo ang may pinakamadaming nakatayo at may malay. Sinumang grupo ang manalo dito ay syang magdedesisyon kung papayagan bang makalabas ng buhay ang isang b-bloods na nahuli o hindi.   Sa kaso ni Rachelle, wala sa dalawang iyan ang ginamit nyang paraan para makatakas. Sa tulong ng protector nya, which is her boyfriend that time, ipinuslit siya nito palabas kaya nadamay ito at namatay din.   "Kawawa pala talaga ang mga b-bloods dito." dinig kong sabi ni Zennia Jhae, anak na babae nila Tito Zeron at Tita Yzianna. "Nakasalalay sa kamay ng mga r-bloods ang buhay nila."   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD