Zhaiken Rhald X. Mirchovich's Pov
Matapos sabihin ni Zhairy sa buong barkada ang desisyon ng parents namin ay agad kong hiningi kay Crescent ang lahat ng impormasyon dapat naming malaman sa eskwelahan kung saan kami magta-transfer. At idinamay ko na din doon ang dahilan kung bakit nga ba pinatay ng Royal Guards si Rachelle.
At hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko.
Royal University.
Isa sa tatlong naglalakihang university sa Trost City. Hindi ito nalalayo sa Hanley Academy kung education system lang din ang pag-uusapan. Advance ang curiculum dito kaya kahit mga taga-ibang bansa ay dito pinipiling mag-aral. Ang kaibahan nga lang nito, maliban sa mga courses na ino-offer ay may mga extra activities pa sila which enhance the particular skills of anyone who enroll here. And this school is exclusive for those who we called royal bloods.
Ang royal blood ang tawag sa mga estudyanteng mag-eenroll dito na galing sa mayayaman at kinikilalang pamilya sa buong mundo. Mga anak ng may mataas na katungkulan sa gobyerno ng bawat bansa, mga anak ng naglalakihang mafia clan o kahit pa mga mismong drug lord, basta hindi bababa ng 500 billion dollars ang kabuuang income ng kumpanya nito sa loob ng isang taon.
At bakit nga ba nagawang makapasok ni Rachelle sa ekswelahang iyon gayong ordinaryong mamamayan lang naman siya?
Sa mundo ng business, walang kasiguraduhang mananatiling malakas ang kita ng isang kumpanya lalo na kung malakas ang kompitensyon sa ibang kumpanya kaya may mga kumpanya ang bigla nalang bumabagsak.
Pero kung ang isang miyembro ng pamilyang nagmamay-ari sa paluging kumpanya ay graduate ng Royal University, magagawa nitong makahatak ng investors na tutulong para muling ibangon ang kumpanya.
Ganoon kalakas ang hatak ng isang RU graduate kaya marami ang nag-aaral dito. At karamihan sa mga nag-aaral dito ay tulad ni Rachelle na pineke ang lahat ng kanyang personal documents at nagpanggap na royal blood para makapasok dito. Sila naman ang mga itinuturing na black bloods.
Hindi nagko-conduct ng background checking ang RU kaya malayang nakakapasok ang mga tulad ni Rachelle at nakakapag-aral ng libre dito pero lingid sa kaalaman ng lahat, ang Royal University ay hindi nalalayo sa Hellion Academy na pinahihintulutan ang pagpatay.
Oo, normal para sa mga estudyante dito ang humawak ng iba't-ibang deadly weapons, kahit ang dalhin ang kani-kanilang weapon sa loob ng klase o saang parte man ng paaralan ay pinahihintulutan. At mas normal din para sa kanila ang pagpatay sa kahit na anong parte ng paaralan. Iyon nga lang, ang killing priviledge na iyon ay ibinibigay lamang para sa mga royal bloods at ang maaari lamang nilang patayin ang estudyanteng mapatutunayang kabilang sa mga black bloods.
At itinuturing nila itong laro sa bawat school year at binibigyan ng malaking pabuya ang black bloods na magagawang maka-graduate nang hindi nalalaman ang tunay na pagkatao.
"Oy." Napalingon ako sa balcony ng kwarto ko nang bumukas ang pintuan noon at pumasok si Crescent. "Ilang beses mo nang binasa iyan huh." tukoy niya sa report na ibinigay niya sa akin tungkol sa mga nagaganap sa loob ng RU. Naupo siya sa gilid ng kama ko tsaka hinubat ang jacket. "Hindi na ako magtataka kung makabisado mo iyan."
"Hindi ko pa din kasi maintindihan kung bakit ganito ang pamamalakad sa loob ng eskwelahang ito." sambit ko at humarap sa kanya. "Buhay ang kapalit para lang makapag-aral sa isang magandang eskwelahan ang isang mahirap. Bakit ba naisip ng may-ari ng RU ang ganoong klaseng pamamalakad kung pwede namang maging tulad nalang ng sa Hanley Academy?"
"Natanong mo ba si Tita Zaire kung bakit nila itinayo ang Hellion Academy noon?" balik tanong nya na ikinakunot ng noo ko. "Nasabi niya sayo?"
"Of course. Bawat tao sa mundong ito ay may nakatagong demonyo sa loob ng kanilang katawan na pilit nilang nilalabanan dahil sa mapanghusgang lipunan kaya naman naisipan niyang buuin ang Hellion Academy kung saan malayang maipapakita ng sinumang papasok dito ang tunay niyang pagkatao kahit gaano pa ito kasama." sabi ko. "Oo, isang kasalanan ang pagpatay at lahat ng tao ay naiisip gawin ang bagay na iyan pero may iilan na hindi kinakayang labanan ang demonyo sa katawan nila."
"Mismo." aniya. "And just like HA, ang RU ay binuo para sa mga taong nasa mataas na antak ng lipunan na hindi magawang ipakita ang buong pagkatao nila sa takot na baka madumihan nila ang imahe ng pamilyang kinabibilangan nila."
"Seriously?"
"At lilinawin ko lang sayo na hindi lahat ng estudyante sa RU ay pumapatay ng black bloods." may diin nyang sabi. "Mayroon ding mga grupo na nagbibigay proteksyon sa mga ito lalo na kapag nabunyag na ang tunay nilang pagkatao."
"Pero may kapalit?"
"Well, hindi ko itatanggi iyan. Some of that groups, yeah, humihingi sila ng kapalit. I don't know exactly what pero may grupo din naman na kusang loob na pumoprotekta sa kanila nang walang hinihinging kapalit." paliwanag pa nya.
"Pero bakit sa loob ng limang taon, mula nang muling buksan ang RU, tatlong black bloods palang ang nagawang maka-gradute ng buhay habang umabot naman ng 700 ang mga namatay?"
Tumangu-tango sya tsaka nag-inat. "Good question."
"First reason that I really hate, money." Napalingon naman kami sa pintuan at nakita doon si Zhairy na siyang sumagot sa tanong ko. "Second, loyalty and the third one is contentment." Pumasok siya at naupo sa tabi ni Crescent.
"He's right." pagsang-ayon ni Crescent. "Binabayaran ng ibang royal bloods ang ibang grupong pumoprotekta sa black bloods para ibigay ito sa kanila. Ilan sa mga cases na isa mismong black blood ang naglalaglag sa katauhan ng kapwa nila at ang iba ay hindi makontento sa proteksyong ibinibigay. Ang ibang protector kasi ay kayang magbigay ng marangyang buhay para sa pinoprotektahan nito habang ang iba ay hindi kaya ayon, lumilipat sila at doon nagkakaroon ng conflict."
"How about Rachelle?"
Hindi sila agad nakasagot. Nagtinginan pa bago muling tumingin sa akin ngunit mabilis ding nag-iwas.
"Guys?"
"Ahm." Zhairy clear his throat. "May protector siya."
"And?" Gusto kong malaman ang naging buhay ni Rachelle sa loob ng eskwelahang iyon. Oo, sinasabi niyang impyerno iyon para sa kanila pero tumakas lang naman siya doon para balaan ang kapatid niya at hindi para sa sarili niya. "Tell me more details. Sino ang protector niya?"
"Huwag mo nalang kayang alamin." ani Crescent. "Hindi kasi magandang ideya iyon eh."
Kumunot ang noo ko at nakaramdam ako ng kaba sa kilos ng dalawang ito. "Tell me everything you know."
Muli silang nagtinginan tsaka bumuntong hininga at muling bumaling sa akin.
"May protector sya and that's her boyfriend."