PROLOGUE
"Hi! Are you my prince?"
Nakangiti kong tanong habang nakatitig sa magandang batang lalaki sa harapan ko.
Nakasimangot lang siya, walang emosyon habang pinagmamasdan ang mga bisita sa paligid. Halatang ayaw niyang makihalubilo.
"Get out of my way."
Masungit niyang sabi bago ako itinulak.
Nadapa ako kasama ang hawak kong Princess Ariel doll.
Sabi ni Mommy, kamukha ko raw si Ariel dahil mahaba ang buhok ko, mahahaba ang pilikmata ko, at maganda raw ang mukha ko.
Pero bakit niya ako itinulak?
Bakit parang ayaw niya akong hawakan?
Umiyak ako.
Hindi dahil sa sakit ng pagkakadapa.
Kundi dahil naramdaman kong ang isang prinsipe na kagaya niya ay hinding-hindi magkakagusto sa akin.
"Anong ginawa mo sa kapatid ko, ha?!"
Napalingon ako nang makita kong galit na itinulak ni Kuya Archie ang batang lalaki.
Kita ko kung paano siya agad lumaban at ipinagtanggol ang sarili.
Masama niya kaming tiningnan.
Lalong-lalo na ang kuya ko.
"Sino ka ba? Hindi kita kilala. Suntukin kita diyan, eh."
Matapang na sabi ni Kuya.
Isang taon lang ang tanda niya sa akin. Anim na taong gulang ako noon at pito naman siya.
Pareho kaming nasa iisang klase dahil gusto niyang lagi niya akong nakikita at napoprotektahan.
Pero sa pagkakaalam ko, bully siya sa school kaya madalas napapagalitan.
"Such an idiot."
Iyon lang ang sinabi ng batang lalaki bago niya kami tinalikuran.
"Ang yabang naman nun! Hoy, ikaw, Zarniah! Huwag kang lalapit sa lalaking 'yon. Kapag ginawa mo, yari ka sa akin."
Pero hindi ako nakinig kay Kuya.
Sa halip na matakot, sinundan ko pa ang batang lalaki at tahimik siyang pinagmamasdan.
Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Kuya, pero dinala na siya nina Mommy kaya hindi niya na ako napigilan.
Lumapit ang batang lalaki sa isang mag-asawa.
Kilala ko sila.
Sina Tita Melanie at Tito Erik.
Agad akong tumakbo palapit sa kanila at narinig ko ang usapan nila.
"Huwag kang gagawa ng kahit anong ikakahiya ng pamilya natin, Zeke. Lalong-lalo na sa harap ng mga Ferrero."
Mahigpit na sabi ni Tita Melanie.
Napansin ko rin si Joseph na nakatingin sa akin.
"Zey..."
Nakangiti niyang bati.
Agad akong nandiri at dumistansya.
Payat siya, maitim, at hindi ko gusto ang aura niya.
Sa murang isip ko noon, mukha siyang kontrabida sa fairy tale.
At higit sa lahat, ayaw ko sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
"Hello po, Tita Melanie. Hello po, Tito Erik."
Masigla kong bati habang todo ngiti.
Hindi ko man lang pinansin si Joseph.
"Oh, hi, Zarniah. How are you, iha?"
Masayang tanong ni Tita Melanie.
"Eto po. Pretty pa rin."
Tumawa ako.
Hindi na rin halos naalis ang tingin ko sa batang lalaki.
Kahit panay ang simangot niya sa akin, prinsipe pa rin ang tingin ko sa kanya.
"I want to play with him, Tita."
Mahina kong bulong habang karga ako ni Tita Melanie.
"Oh? You mean Joseph? He's been very excited to come here just to see—"
Natigil siya nang ituro ko ang batang lalaki.
"No, Tita. Him."
Ngumiti ako.
"I want him. He's my prince."
Napatingin sina Tita Melanie at Tito Erik sa isa't isa.
"A prince, huh? How about Joseph? Do you want to include him?"
Napatingin ako kay Joseph na halos mabaliw na sa kakangiti sa akin.
Umiling ako
.
"I only want him."
Muli kong itinuro ang batang lalaki.
"I want to show him my toys upstairs."
Napailing na lang si Tita Melanie bago ako ibinaba.
Agad akong kumapit sa braso ng batang lalaki.
"What's the name of my prince?"
Tiningnan niya ako na parang isa akong malaking istorbo.
"Will you please get your hands off me? It's dirty. Nakakadiri."
Napaawang ang bibig ko.
"I washed my hands. I am not dirty. I am clean"
Ipinakita ko pa ang dalawang palad ko sa kanya.
"See? It's clean."
"Still. Bitiwan mo ako."
"Ezekiel."
Mariing tawag ni Tita Melanie.
Agad siyang tumahimik.
"Ohhh. Ezekiel." , Ngumiti ako.
"Let's go to my room, Ezekiel! I want to show you my toys. I have lots of dolls. And a prince too."
Masaya kong hinila siya.
Mahigpit ko rin siyang niyakap para hindi siya makatakas.
"Pwede ba? Kaya kong maglakad nang hindi mo ako hinihila."
Masungit niyang sagot.
Namangha ako.
Kung ibang batang lalaki iyon, paniguradong nagpapapansin na sa akin.
Pero iba siya.
Iba ang prinsipe ko.
"I want to touch you. Kaya hayaan mo na ako."
Masaya kong sabi bago hinawakan ang kamay niya.
Malambot.
Makinis.
At masarap hawakan.
Napalingon pa ako kay Kuya Archie na nakasimangot habang nakatayo sa tabi ni Daddy.
Mukhang bored na bored siya.
"Ezekiel, ito ang room ko."
Binuksan ko ang pinto.
Pink ang mga dingding.
Pink ang kama.
Pink ang kurtina.
Kahit ang mga bookshelf ko ay pink.
Halos lahat ng nasa loob ay kulay pink.
"It's Zeke."
Nagulat ako nang marinig ko siyang magsalita nang mas mahinahon.
Tumingin siya sa paligid na para bang nahihilo sa sobrang pink.
Napatawa ako.
"Come on! Let's go to my tent. Nandoon lahat ng toys ko."
Masaya akong naunang pumasok.
"It's Zey. That's my nickname."
Ngumiti ako.
"Halika na."
Hinila ko ulit siya.
"It is not nice na tayo lang dito."
Napabuntong-hininga siya.
"I am a boy, Zey. Hindi—"
Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil hinila ko na siya papasok.
"Bata pa tayo."
Tumango ako.
"Pwede pa tayong magkasama kahit tayo lang dalawa. Kapag dalaga na ako, bawal na."
Iyon kasi ang laging sinasabi ni Mommy.
Kapag tunay na lady na raw ako, bawal nang magpapasok ng lalaki sa kwarto.
Kaya susundin ko iyon.
Kung gusto kong magkaroon ng totoong Prince Charming.
"Tss. As if I'd still be here."
Nakasimangot niyang sabi.
"Saan ka ba pupunta?"
Agad akong nag-alala.
"Hindi ka ba nakatira kina Tita Melanie?"
May plano pa naman akong puntahan siya araw-araw.
Malapit lang naman ang bahay nila.
"I do."
Saglit siyang tumahimik.
"Pero hindi ako pwedeng manatili roon."
Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin.
Kaya kinuha ko na lang ang mga laruan ko.
Ibinigay ko sa kanya ang Prince doll habang si Ariel naman ang hawak ko.
"Ayayain mo akong sumayaw, my prince."
Bulong ko.
Agad siyang napakunot-noo.
Pagkatapos ay basta na lang itinapon ang laruan.
"I am not into this. I will go."
Nanlaki ang mga mata ko.
At agad akong napahikbi.
Pagkakita niya sa pag-iyak ko, napabuntong-hininga siya.
Bumalik siya.
Kinuha ang Prince doll.
At walang imik na pinasayaw ito kasama si Ariel.
Namangha akong nakatingin sa kanya.
"You're good at this."
Mahina kong sabi.
"I am not."
Umirap siya.
"You're such a crybaby."
Tumango lang ako.
"Don't you dare follow me again."
Agad akong ngumuso.
"I can't do that, Zeke."
Mahigpit kong yakap si Ariel.
"I want you to be my prince. I want you to be my husband when I grow up. "
Diretso akong tumingin sa kanya.
"Nothing else."
Hindi siya sumagot.
"Until paglaki ko."
At muli akong ngumiti.
Sa murang edad ko, sigurado ako sa isang bagay.
Siya ang ideal prince ko.
Hindi lang dahil gwapo siya.
Hindi lang dahil iba siya.
May kung anong bagay sa kanya na agad humatak sa puso ko.
At kahit bata pa ako noon...
alam kong gusto ko siya.
Akala ko habang-buhay ko nang dadalhin ang nararamdamang iyon.
Hindi pala.
That night, pakiramdam ko isa akong tunay na prinsesa na sa wakas ay natagpuan ang sarili niyang prinsipe.
Ngunit kinabukasan...nagbago ang lahat.
Umalis si Ezekiel.
Nagpunta siya sa States.
At ayon kay Tita Melanie, hindi na siya babalik.
Gumuho ang munting fairytale ko.
Gumuho ang pangarap ko.
Dahil kung iniwan niya ako...
ibig sabihin hindi siya ang prinsipeng itinadhana para sa akin.
Gusto ko pa nga sanang sumunod sa kanya.
Pero hindi ako pinayagan nina Mommy at Daddy.
Masyado pa raw akong bata.
Iyak ako nang iyak noon.
At sa unang pagkakataon sa buhay ko...
naranasan kong madurog ang puso.
Sa edad na anim.
Dahil sa isang batang lalaki.
—
Napamulat ako.
May bakas ng luha sa gilid ng aking mga mata.
Again.
I dreamed about him.
My prince.
My first love.
The boy I never forgot.
—
Agad akong bumangon.
Nagbihis.
Nag-ayos.
At halos binuhusan ko ng pabango ang sarili ko.
Today was a big day.
First year high school.
At sa wakas, makakapasok na ako sa boarding homeschool na pagmamay-ari nina Mommy at Daddy.
"Kuya, excited ka ba?"
Masigla kong tanong.
"I am not."
Umikot ang mga mata niya.
"I don't want to go to school. Pinipilit lang ako nila Mom."
Hindi ko na iyon pinansin
Magkaibang-magkaiba kami.
Ako, gustong-gusto kong mag-aral.
Gusto kong magkaroon ng maraming kaibigan.
Gusto kong makilala ang iba't ibang tao.
At gusto kong maranasan ang buhay nang mag-isa.
"You'll look after me, right?"
Maarte kong tanong.
"Hindi naman pwedeng ako lang ang titira doon."
Hindi siya sumagot.
Pero alam ko namang hindi niya ako pababayaan.
Never niya iyong ginawa.
Ngumiti ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
Sigurado akong marami akong magiging kaibigan.
Marami akong makikilalang bagong tao.
At baka...
makahanap ako ng bagong Prince Charming.
Iyong papalit sa batang minsang ninakaw ang puso ko.
Sasali ako sa iba't ibang activities.
Magiging sikat.
Magiging katulad ng isang tunay na prinsesa.
A princess looking for her prince.
Sigurado akong iyon ang mangyayari.
Hindi ko lang alam...
na ang prinsipe na matagal ko nang sinusubukang kalimutan...ay malapit ko nang makaharap muli.
— PROLOGUE END —