4: Cramps

2900 Words
Elaine's POV Second day of work. And of course, second day of my period. Kaya ito nagsuot ako ng long pad para iwas tagos. Tsk. Halos kulang na lang ay maging kuba na ako dahil sa sobrang sakit ng puson ko. I can't even stand straight kaya naupo muna ako pagsamantala sa gilid ng kama ko. Kaso sakto namang pagkaupo ko ay narinig ko ang tunog ng doorbell ko. Napabuntong hininga na lang ako at saka pinilit maglakad papalapit sa pinto. When I opened the door, ang mukha ni Ahl ang bumungad sa akin. Tinitigan niya lang ako mula ulo hanggang paa. "Goodmorning. I guess you're ready to leave, assistant?" "Uhh. Oo. Wait kunin ko lang ang slingbag ko." sabi ko at agad tinalikuran siya para kunin ang slingbag ko na nakapatong sa lamesa. Pero napahawak na lang ulit ako sa puson ko nang maramdaman ang pagsakit nito. Shocks! Mukhang kailangan kong uminom ng gamot para maibsan ang sakit ah? But when I looked at my watch ay napagtanto kong malelate lang kami ni Ahl kung dadaan pa kami sa isang drugstore. Napabuntong hininga na lang ako at pinilit na lang balewalain ang pagsakit ng puson ko. Siguro, kaya ko naman itong tiisin hanggang mamaya. Tsk. Nang makarating kami ni Ahl sa office ay agad na akong nagfocus sa trabaho ko habang si Ahl naman ay busy sa kausap niya sa cellphone na sa tingin ko ay related sa trabaho dahil halos isang oras na siyang nakababad dito. Napahawak na lang ulit ako sa puson ko nang makaramdam ng pananakit. Narealize kong hindi ko pala makakaya ang sakit na ito kung wala akong gagawin. Kaya nga naisipan kong kumuha ng mainit na kape sa hallway kung nasaan ang vending machine. Napatingin ako kay Ahl at nakita kong busy pa din siya kaya minabuti ko na lang na hindi siya istorbohin at lumabas na agad para kumuha ng kape. Tutal, hindi naman akong ganon magtatagal. Paalis na sana ako nang biglang may isang babae ang humarang sa harap ko. Nakapamewang siya at nakataas ang isang kilay sa akin. "You are an assistant right?" she asked na may matigas na tono'ng French. "Uhh, y-yes. I'm the assistant of--" bago ko pa natuloy ang sasabihin ko ay kinuha niya ang kape na hawak ko saka binato sa akin ang paperbags na bitbit niya. "Thanks for the coffee. Bring that to my dressing room, I will wear that for later." sabi niya. Aapila pa sana ako kaso nakaalis na agad siya at hindi man lang ako nakapagsalita. Napabuntong hininga na lang ako at napatitig sa mga paperbags na hawak ko. "Wala naman na akong choice." kibit balikat ko at nagsimula ng maglakad paalis. _ Napapikit na lang ako ng mariin nang mapagtanto'ng hindi ko alam kung saan ang dressing room na sinasabi nung babae. Pero sa tingin ko model siya kaya nagtungo ako sa 3rd floor. Which is sa pagkakatanda ko nung binigyan ako ng tour ni Ahl, ay quarters ng mga models. Kaya sa tingin ko ay isa dito sa mga kwarto'ng ito ang dressing room nung babae. Kaso, saan dito. Sa sobrang dami ng pinto na may nakalagay na pangalan ay hindi ko naman alam kung saan dito dahil hindi ko naman kilala ang babaeng iyon. Habang isa-isa kong tinitignan ang mga nakasulat na pangalan sa pinto ay napatigil ako nang marinig ang isang pamilyar na boses. Nang lingunin ko kung sino ay nakita ko ang boyfriend ni Ahl. Kalalabas niya lang sa isang pinto'ng dalawang hakbang ang layo mula sa akin. Agad akong tumalikod para hindi niya ako mapansin pero huli na dahil mukhang nakita niya na ako. "Elaine, right?" he asked. Malalim ang boses niya pero tonong French pa din. Marahan naman akong tumango bilang sagot. "What are you doing here in this floor?" he asked na nakatitig sa akin. Tsk. Marunong naman pala mag-inggles ito eh pinahirapan pa ako sa unang pagkikita namin. Pero teka? Di ba dapat ako ang nagtatanong sa kaniya niyan? Bakit siya nandito sa quarters ng mga models? Model ba siya? Well, mukha nga. "Well, actually I'm looking for something." simula ko. "I need to bring this to a dressing room. But I forgot to ask the lady's name and I don't know where to go." sagot ko. Napatango-tango naman siya at napatitig sa bitbit kong paperbag. "Hmm. Chanel huh? I know exactly this lady you're looking for. Come on this way." sabi niya at nagsimula ng maglakad kaya nga sumunod na ako sa kaniya. Hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang pinto. "Chanel Laurent?" pagbasa ko sa pangalan na nakalagay sa pinto. "Yes. That's her. Funny isn't it?" he chuckled. "T-Thanks for the help." sabi ko. Tumango lang siya saka umalis na. Kaya nga pumasok na ako sa loob at inilapag ang paperbag sa may vanity table. Napatitig na lang ako sa bawat sulok ng kwarto. Napaka girly ng design niya. Pink and white ang theme. Tapos may faux carpet pa at love seat. Kita din ang sangkatutak na make ups sa ibabaw ng vanity table niya. Then nang mapatingin ako sa dingding ay nakita ko ang mga nakapost na pictures from photoshoot. "Okay. I need to leave." sabi ko sa sarili ko nang mapagtantong masyado na pala akong nag-aaksaya ng oras. Naglalakad na ako pabalik ng office ni Ahl nang bigla ko na namang naramdaman ang pananakit ng puson ko. Pero binalewala ko na lang ulit ito at pinilit agad bumalik sa office ni Ahl dahil baka hinahanap niya na ako. "Where have you been?" tanong niya nang makabalik ako sa office. "Uhh, sa restroom." dahilan ko na lang. Napatango na lang siya saka nagfocus na laptop niya. Kaya pinilit ko na lang din magfocus sa trabaho ko. Pero dahil sa sobrang sakit ng puson ko ay nadidistract ako. "You're not supergirl to endure that pain you know?" biglang sabi ni Ahl na nasa harap ko na pala. Napatitig ako sa kaniya nang may ilapag siyang gamot sa harap ko. "H-How did you--" "Well, I know second day of period is hell. Every month, I need to handle Cyleen's wrath you know?" he chuckled. Napangisi na lang ako at kinuha ang gamot. "Thanks." I uttered. Tumango lang siya saka bumalik na sa lamesa niya. Ako naman ay ininom na ang gamot na binigay niya. Napangiti na lang ako dahil sa kabaitan ni Ahl. Natutuwa na ako na nakilala ko siya. Sila nila Cyleen. Na nagkaroon ako ng mga kaibigan na alam kong maaasahan ko. I guess hindi na ako masyadong mag-iisip about being alone. _ After kong makainom ng pain reliever ay hindi ko na naramdaman pa ang pananakit ng puson ko kaya nakapag trabaho na ako ng mas maayos. At dahil wala din naman masyadong pinapaasikaso pa si Ahl sa akin ay nagsisimula na din akong magtry ng few sketches para malibang. Lagi kong dala ang sketchbook ko kasi everytime na wala akong magawa ay nagssketch lang ako. - "Ready to go home?" biglang bungad ni Ahl sa akin na nasa gilid ko na pala. Nang tignan ko ang orasan ay pasado ala syete na pala ng gabi. Mukhang nag overtime kami. Hindi ko namalayan ang oras. Hahaha! Ala sais kasi ang end ng shift dito. Depende na lang kung may magninight shift para sa tatapusing projects. Nagtaka ako dahil ibang daan ang tinahak namin ni Ahl. Pero hindi ako nagsalita dahil baka may dadaanan lang siya or bibilhin. Huminto kami sa tapat ng isang parang café. Hindi ko malaman kung café ba o restaurant kasi hindi ko maintindihan ang nakalagay sa karatula. Tsk. Dapat ko na din siguro pag-aralan ang French language nang maka cope up naman ako dito. "Okay lang ba sa iyo na hintayin mo muna ako saglit dito? May bibilhin lang ako saglit sa loob." sabi ni Ahl. "Yep. Okay lang. Take your time." sagot ko tapos ay bumaba na din siya ng sasakyan at dumiretso papasok doon sa loob ng shop. Ako naman ay tinuloy ang sketch na nasimulan ko kanina at nilibang muna ang sarili ko habang hinihintay si Ahl. Pero gaya ng sabi niya, hindi siya nagtagal at nakabalik na din agad kaya nagdrive na siya pauwi. Papasok na sana ako sa loob ng kwarto ko nang bigla niya akong tawagin. "Elaine." tawag niya kaya nilingon ko siya. Inabot niya sa akin ang isang paperbag na bitbit niya kanina nang lumabas siya galing sa shop na dinaanan namin kanina. "A-Ano iyan?" tanong ko. "It's a cinnamon tea. I heard nakapapag ease iyan ng menstrual cramps. So, I hope it helps." sabi niya. Napatitig naman ako sa kaniya. "P-Para sa akin talaga ito? Ang akala ko sa iyo." sabi ko. "No. Really. It's for you. Akala mo ba hindi ko napapansin ang pag-inda mo kanina ng puson mo? Hahaha! Kaya come on, accept that. Drink that before going to bed para maginhawa ang pagtulog mo." sabi niya saka ngumiti sa akin kaya lumitaw ang dimples niya. Hindi ko alam pero napatitig lang ako sa kaniya habang nanginginig na tinanggap ang inaabot niyang paperbag. "S-Salamat. Uhm. Sige, iinumin ko ito bago matulog. But you don't need to buy me this. Mas lalo akong nahihiya sa iyo dahil wala man lang akong maibigay." nahihiya kong sabi. "You're my assistant now, Elaine. That's why I'm responsible for you. I know it's hard to work efficiently with that pain. Saka wala naman akong hinihinging kapalit kaya no worries. Goodnight." nakangiti niyang sabi saka tinalikuran na ako at naglakad papunta sa room niya. Napatitig na lang ulit ako sa paperbag na hawak ko at pumasok na sa loob ng room ko. Nagpakulo muna ako ng mainit na tubig para sa tsaa na binigay ni Ahl bago ako naglinis ng katawan at nagpalit ng damit pantulog. Tapos nang kumulo na ang tubig ay nagsalin na ako sa tasa ko at sumimsim ng tsaa. Napapikit na lang ako dahil feeling ko narelax ako sa unang simsim pa lang ng tsaa. Mukhang tama nga si Ahl. Mukhang makakatulog ako ng mahimbing dahil dito. Hahaha! Habang sumisimsim ako ng tsaa ay sinasabay ko din ang paggawa ko ng sketches. Matatapos ko na kasi itong unang sketch ko. At maniwala man kayo o sa hindi ay halos buong araw ko itong pinag-isipan bago ako nag-come up sa ganito. Hays. Pero hindi ko pa din alam kung okay na nga ba talaga ito. Ewan parang hindi pa ako contented. Hahaha! Siguro mas maganda kung ipakita ko ito kay Ahl bukas upang hingin ang opinyon niya. Sa sobrang busy ko sa pagssketch ay hindi ko napansin ang oras. Alas nwebe na pala ng gabi at hindi pa ako kumakain. Kaya nga isinara ko muna ang sketchbook ko at nagtungo sa kusina para magluto ng ulam. Nang matapos ako magluto ay bigla kong naisip si Ahl. Kumain na kali siya? Dalhan ko kaya siya? Tutal madami naman itong nailuto ko. Para naman makakain siya ng lutong bahay. Hindi yung panay order siya ng take outs. Hays. Saka bilang pasasalamat na din kahit papaano sa binigay niyang tea sa akin. Kaya nga nagprepare ako ng tupperware at pinaglagay siya ng ulam. Tapos saka na ako lumabas ng kwarto ko at nagtungo sa tapat ng pinto niya. Pinindot ko ang doorbell at ilang saglit lang ay bumukas na ang pinto niya. Bumungad siya sa akin. Nakasuot lang siya ng isang plain shirt at pajama. Tapos meron siyang suot na salamin. "Hey." bungad niya. "Uhm. Nagluto kasi akong ulam. Naisipan sana kitang dalhan tutal naparami naman ang luto ko. Napapansin ko kasi na panay ka take out lang. Baka kako di ka pa kumakain." nahihiya kong sabi. "Ikaw ba kumain ka na?" he asked me back. "U-Uhm. Hindi pa. Kakain pa lang sana ako pagbalik ko doon sa room ko." sagot ko. "Come in. Tama lang ang timing mo. Hindi pa ako kumakain. Sabayan mo na ako." sabi niya. Tatanggi sana ako dahil nahihiya ako sa kaniya pero nagsalita agad siya para pigilan ako. "Don't you dare refuse. I'm your boss, remember? Kaya tara na. I insist. Sabayan mo na ako." he chuckled. Tumango na lang ako at saka pumasok na sa loob ng room niya dala ang luto kong adobo. Pagpasok ko ay pinagmasdan ko lang ang itsura ng buong room niya. Halos kasing laki lang din ito ng kwarto ko. "Just put it there." bilin ni Ahl sabay turo ng dining table niya. Kaya nga nagtungo ako doon at nilapag sa lamesa ang ulam. Tinitigan ko lang siya na kasalukuyang nagliligpit ngayon. "My apologies. Hindi mo naman kasi ako ininform na bibisita ka edi sana nakapagligpit ako." tawa niya. "Nope. Ayos lang." nakangiti kong sabi sabay iginala ulit ang mata ko sa bawat sulok ng kwarto niya. Hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang kwarto niya dahil sa ganda ng interior design nito. "Let's eat. Sa totoo lang gutom na kasi talaga ako. Kung hindi ka pa kumatok sa pinto ko hindi ko maaalala na hindi pa pala ako kumakain." sabi niya sabay naghain ng plato at kubyertos sa dining table. Naupo na siya kaya naupo na din ako. Napatingin na lang ako sa sala niya na puro folders at mga papel. Mukhang busy pala siya. Naguilty tuloy ako dahil baka naistorbo ko siya. Pero at the same time okay na din pala na naistorbo ko siya kasi hindi pa siya nakakakain sa sobrang busy niya. "Sorry nakaistorbo yata ako." sabi ko. "Ha? No. Buti na lang nga talaga dumating ka eh. Kasi baka mamaya na naman niyan eh sa sofa na ako aabutin ng umaga. Hahaha!" "Ang dami mong ginagawa. Baka gusto mong tulungan kita? Tutal, assistant mo naman ako." sabi ko. "Elaine, we're not in the office kaya I can't make you work." "Well, let me help you as a friend then. Not as your assistant." sabi ko. Tila napaisip naman siya saglit. "If you insist." nakangiti niyang sabi kaya napangiti na lang din ako at ipinagpatuloy na ang pagkain. _ Kasalukuyan kong hinahighlight'an ng yellow highlighter ang mga tinuro ni Ahl sa akin. Habang siya naman ay may tinatype na kung ano sa laptop niya. Nakasalamin siya as anti-radiation yata. Halos isang oras na kaming nag-gagawa dito ng tahimik nang magsalita ako. "Ikaw lang ba mag-isa nakatira dito?" tanong ko. "Well, if you mean Manon. No. Hindi siya dito nakatira. Pumupunta lang siya dito minsan every weekend. Or kapag may free schedule siya tuwing weekdays." sagot niya na hindi pa din inaalis ang tingin niya sa screen ng laptop niya. Napatango-tango lang ako. "Uhh, eh. Paano kayo nagkakilala? Gaano na kayo katagal?" tanong ko. Inalis niya naman ang tingin niya sa laptop niya. Hinubad niya ang salamin niya at tumitig sa akin with a smirk on his face. "Elaine, I didn't know that you're interested in my life. Is it me that interests you or maybe my boyfriend, Manon? May kailangan ba akong ikaworry, Elaine?" sabi niya with a tease smile on his face na hindi inaalis ang titig sa mga mata ko. Napalunok naman ako. "S-Sorry for asking. Gusto lang kitang kilalanin kasi sabi mo nga magkaibigan na tayo di ba? Friends should know about each other, right?" sagot ko saka umiwas ng tingin. "Well, you have a point." kibit balikat niya at sinuot ulit ang salamin niya at tumutok ulit sa screen ng laptop niya. "To answer your question. Nakilala ko si Manon sa university na pinasukan ko. We're both in the student council. And as a student council, tuwing hapon after class eh nagmemeeting kami. Usually kami ang magkasama kasi kami lagi ang nauutusan ng President sa mga tasks. We became close after that. And that's where our love story started." "If you don't mind me asking, h-hindi ka ba talaga gay? Hindi sa pang-aano ha. I'm just curious." I asked with hesitation. Napatitig na naman siya sa akin dahil doon. At iyan na naman ang smirk niya. "Elaine. I told you already. I'm not gay. Yes, I have a boyfriend. But I can also like girls you know? I can even like you if I want to--" sabi niya at hinawakan ang baba ko. Naestatwa ako dahil sa ginawa niya. Napalunok ako sa titig niya. Hindi ko din naman kasi maipagkakaila na may kagwapuhan ding taglay itong si Ahl. Yung tipong gwapong mapapatitig ka talaga. "--but that's impossible. Because we're friends. And I have a boyfriend that I love so much. Kaya don't get your hopes up my dear assistant." he chuckled at inalis ang pagkakahawak sa baba ko at tumutok na sa laptop niya. Tila namula yata ang pisngi ko sa sinabi niya. I feel embarassed! "B-Bakit naman ako magkakagusto sa iyo no? A-Ano ka ba. We're friends Ahl. And I respect those boundaries." sagot ko na totoo naman. Maybe I will develop a little crush on him because he's handsome. Hahaha! Pero hanggang doon lang ako. Lahat naman yata ng gwapo para sa akin eh crush ko. Wahaha! "Well, same for me. I like you Elaine as my friend. I cherish our friendship so much. Like how I cherish my friendship with Cyleen. And I won't overstep those boundaries." sagot niya. Napatango na lang ako at tumutok na sa mga papel na nasa harap ko. I don't know but this topic makes me uneasy. Bakit ko nga ba inopen ang ganitong topic kay Ahl? Ano ba itong naisipan ko. Hays. How can I face him tomorrow? Omygosh, Elaine. So stupid. Argh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD