Elaine's POV
Nang makarating kami ni Ahl sa convenience store ay agad na akong nanguha ng napkin at didiretso na sana sa cashier nang maalala ko na hindi ko pa pala napapapalit ang pera ko sa euros. Kaya agad akong napatingin kay Ahl na kasalukuyan ngayong kumukuha ng beer sa fridge.
"Wala ka ng bibilhin?" he asked nang makalapit sa akin. Tumango ako bilang sagot.
"Uhm...Pwede bang ikaw muna ang magbayad? Hindi ko pa kasi napapapalit ang pera ko sa euros. Hehe. Babayaran na lang kita bukas kapag napapalit ko na." sabi ko agad niya namang kinuha sa kamay ko ang napkin.
"No need. It's just napkins." he chuckled saka agad dumiretso sa cashier at nagbayad. After non ay lumabas na din kami agad ng convenience store at naglakad na ulit pabalik sa apartment.
Tahimik lang kaming dalawa na naglalakad nang bigla siyang magsalita.
"Tomorrow is your first appearance. Ready ka na ba?" tanong niya. Na mukhang tinutukoy ang unang araw ko bukas sa agency nila. Inaamin kong kinakabahan ako pero sa ngayon, wala dapat lugar ang kaba sa pakikipagsapalaran ko dito sa France. Kaya kahit na I feel a little nervous ay pinipilit kong itago ito.
"Oo naman." I answered kaya napatango-tango siya.
"I already talked to boss. Inapprove niya ang position mo as my assistant."
"Magiging assistant mo ako?" tanong ko.
"Yes. Why not? Ayaw mo ba? Kaysa naman maging P.A. ka ng mga maaarte'ng models doon." sabi niya.
"Sinabi din ni Cyleen sa akin iyan. Na iwasan ko daw ang mga models."
"Well, alam ko namang sasabihan ka talaga niya. Kasi halos lahat ng models doon sa agency eh maattitude. Mga spoiled brat. Ganon! Kaya si Cyleen nga lang talaga ang naka close ko na model noon eh."
"Bakit? Inaattitude'an ka din ba? Eh di ba may posisyon ka sa agency?" tanong ko.
"Well, you know. Motto ng boss namin yung 'Models are agency's angels'. Kasi alam mo na? Without models, wala ang agency. Pero malakas din naman ako kay boss. Kaya quits lang kami ng mga models na yon. Tss. Saka di naman sila makakapalag sa akin. Baka karate'hin ko sila." sabi niya kaya natawa ako nang iakto niya pa ang sinasabi niyang karate.
Nang makarating kami sa apartment ay agad na kaming sumakay ng elevator at naglakad na patungo sa tapat ng pinto ko.
"Salamat sa pagsama sa akin. Sorry kung naistorbo pa kita." sabi ko.
"Wala iyon Elaine. Sabi ko naman sa iyo, you can call me anytime you need something. We're friends baka nakakalimutan mo." he chuckled kaya ngumiti ako.
"Oo naman. Sige goodnight. Bukas na lang at salamat ulit." sabi ko at saka tinap na ang key card ko sa door knob saka pumasok na sa loob ng room ko. Bago ko pa maisara ang pinto ay kumaway na lang sa akin si Ahl kaya nginitian ko na lang siya saka na pumunta sa higaan ko pagkasara ng pinto.
Inilagay ko lang ang napkin sa may sidetable ko saka na nagpatihulog sa kama ko para matulog. Sinet ko na din ang alarm clock ko para sa paghahanda ko bukas sa trabaho tapos saka na ako humiga ng ayos para magpaantok.
_
Kinabukasan ay agad na akong nag-ayos. At gaya nga ng inaasahan ko ay dinatnan na nga ako. Pero buti na lang talaga at nakabili pala kami ni Ahl kagabi ng napkin at may nagamit ako.
Kayayari ko lang magpatuyo ng buhok nang marinig ko na ang pagkatok ni Ahl sa pintuan ko. Kaya nga agad ko ng hinablot ang slingbag ko at tumungo doon para pagbuksan siya.
"Goodmorning! Ready to go?" bungad niya pagkabukas ko ng pinto.
"Oo. Tara na." sagot ko saka lumabas na din at sinara ang pinto. Tapos ay sabay na kaming lumabas ng apartment at sumakay ng sasakyan niya. It took half an hour bago kami huminto sa tapat ng isang building. Nang makababa akong sasakyan ay nakanganga kong pinagmasdan ang ganda nito. I didn't know na ganito pala kalaki ang agency na pinapasukan ni Ahl at ngayon ay papasukan ko na din. Kaya imbes na makaramdam akong kaba ay tila naexcite pa ako.
"Let's go." nakangiting sabi ni Ahl kaya napatango lang ako saka sumunod na sa kaniya papasok sa loob ng building.
Nang makapasok kami sa loob ng building ay halos pumulupot na ang leeg ko kakalingon sa paligid. Napanganga na lang ako sa ganda ng interior design. Marami din ako nakitang mga babae'ng makikinis ang balat at magaganda ang buhok. Na sa tingin ko ay mga model ng agency. Iba't-ibang lahi eh. Pero karaniwan mga French girls.
Sinundan ko lang si Ahl papasok ng elevator. Pinindot niya ang button papuntang 7th floor. At halos mamangha lang ako nang makitang hanggang 20th floor ang button ng elevator na nakahiwalay pa mismo ang roof deck. No wonder na kaya halos mangawit leeg ko kanina sa pagtingala sa kabuuan ng building. Hahaha!
Nang tumunog ang elevator ay agad na kaming lumabas doon. Sumalubong muna sa amin ang isang lobby kung saan sa dulo ay may reception desk. Nang lumapit kami dito ay sumalubong sa amin ang isang babae na hanggang balikat ang buhok. Pulang-pula ang labi niya at nang mapansin niya ang presensya namin ni Ahl ay nag-angat siya ng tingin sa amin sabay binigyan kami ng isang tipid na ngiti.
"Bonjour, que puis-je vous aider?" bati nito sa amin. Hindi ko naintindihan ngunit alam kong binati niya kami. Hehe. Kahit papaano alam ko naman ang basics like 'bonjour' which means hello.
"Bonjour, Rida. Nous avons rendez-vous avec le patron." sagot ni Ahl kaya napatango ang babae at tila may tinignan sa isang booklet sabay kinuha ang telepono.
"Bonjour Madame. M. Terada est déjà ici pour la réunion--D'accord madame. Tout de suite." then sabay binaba niya na ang telepono at agad bumaling ulit sa amin.
"Par ici s'il-vous-plait." nakangiting sabi nito kaya bumaling sa akin si Ahl at sinenyasan ako. Kaya nga sumunod na kami sa babae. Naglakad kami sa kanan which is isang hallway then sa kaliwa non ay isang malaking double doors ang sumalubong sa amin. Agad binuksan ng babae ang pinto kaya pumasok na kami ni Ahl.
Nang makapasok kami sa loob ay napanganga na naman ako sa ganda ng interior nito. Meroong mga mannequin na nakadisplay sa gilid kung saan meroong unfinished design ng damit. Ngunit kahit hindi pa ito tapos ay nag-uumapaw na agad ang pagkaclassy ng style nito. Meroon ding mga nakapin na sketch designs ng mga damit sa isang malaking corkboard na hindi ko maiwasang hindi tignan dahil agaw pansin talaga ang mga designs nito.
"Bonjour." bati sa amin ng isang boses kaya napatingin ako sa table. Nang humarap sa amin ang babae na nakaupo sa swivel chair ay agad nito kaming binigyan ng isang ngiti. Ewan ko ba pero parang bigla akong napatitig sa mukha niya. Para kasing nakita ko na siya somewhere. Hindi ko alam kung saan.
"Bonjour, Madame. This is Elaine. The one I'm telling you." nakangiting sagot ni Ahl. Napatango naman ang babae sabay tumayo sa kinauupuan niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa amin. Hindi ko maiwasang hindi maintimidate sa presensya niya. Ang takong niya ay naglilikha ng tunog sa bawat yapak niya palapit sa amin. Doon ko lang din napagmasdan ang suot niya na bumagay sa korte ng katawan niya. Ang balat niya ay singkinis ng mga modelo na nakita ko kanina sa baba. At ang buhok niya ay pixie cut lang pero bumagay naman sa hugis ng mukha niya.
Nang huminto siya sa harap ko at tumitig sa akin ay doon ko lang mas lalong napagmasdan ang mukha niya na para bang hindi ito ang unang beses na nakita ko siya. Na para bang pamilyar siya.
"Hello, Elaine. Don't worry. I can speak tagalog for you." nakangiti niya pa ring sabi na may tono'ng French pa din. Ngumiti naman ako at saka nagbigay galang.
"H-Hello po. Uhm, nice to meet you po Madame. It was a pleasure to be here po. At napakaganda po ng agency niyo. Even you po." sabi ko. Nagulat na lang ako nang humalakhak ito na akala mo ay nagjoke ako. Kaya napatingin ako kay Ahl. Pero nagkibit balikat lang siya.
"I like her already." sagot ng babae nang mayari itong tumawa. "So, you're here to gain experience?" bigla niyang tanong.
"Uhh, opo. Gusto ko po kasi habang nag-aaral ako ay magkaroon na ako ng experience about sa field na papasukin ko po." sagot ko. Napatango naman ito.
"Oh, okay. But please don't say 'po' to me. I'm not even that old." she chuckled kaya tumango lang ako bilang sagot.
"Come on, have a seat. We have a lot to discuss before we proceed to an agreement." sabi nito at naupo ulit sa swivel chair niya. Kaya kami ni Ahl ay naupo sa silyang nasa harap ng lamesa nito.
Sumimsim muna siya ng tsaa mula sa porcelein tea cup niya bago bumaling ulit sa amin ni Ahl.
"So, you have plans on studying BDes here in France? And you want to work here for a while?"
"Uhm, yes Madame. Like what I've said a while ago. Gusto ko pong malinang ang kakayahan ko sa Fashion Design." sabi ko kaya sumimsim ulit siya ng tsaa.
"I'll be straight to the point, Elaine dear if you don't mind. But, my agency is not a charity or some work immersion place for gaining experience. Coz you know? My company's name is famous and I don't want to risk it. But since, Ahl, Cyleen and even Jilniana are asking me to. I decided to give you a chance. They said you have talent. That somehow after you graduate, I can hire you here. Na--you'll be a big help to my agency." napangiti ako nang marinig na dito ako magttrabaho after kong makatapos. Dahil nang tumapak pa lang ako sa building na ito ay alam ko na agad ang gusto ko. Na dito ako magttrabaho someday.
"Well, let's have a deal. To be fair with others, I want you to show me your skills. I want to know how capable you are and kung talagang deserving mo ba talaga. Coz you know? Maraming tao ang naghahangad ngayon ng opportunity na meron ka. Yes you are indeed lucky to have Ahl, Cyleen and Jilniana to back you up. But I still want to see it myself how talented you are gaya ng sinasabi nila. Hope you understand, dear. Don't worry there's a possibility that I will accept you here after the 3-month agreement if maging satisfied ako sa makikita ko from you. I don't want to be biased towards my employees that's why I'm making this decision dear. Coz every single person you see here? They work for it. So, I want you to also work for it." sabi nito.
"No, uhm. I understand po Madame. Okay lang po sa akin. Ayoko din naman pong magmukhang unfair sa iba." sagot ko. Napangiti naman siya.
"Good to know. Well, this is the contract that you need to sign. It's for the 3-month agreement. Don't worry. It was written in english." sabi nito sabay inabot sa akin ang isang papel kaya agad ko itong binasa.
Nakasaad dito na magttrabaho ako dito sa agency nila as Ahl's assistant for 3 months. Ang 3 months na iyon ay parang trial ko sa kanila. Kung saan parang mag-oon the job training ako to gain experience. Ngayon, ang pinili kong kurso ay four years. Kaya kung gusto kong makasurvive dito sa France ay kailangan kong mapaimpress itong si Madame para matanggap ako ng tuluyan dito hanggang sa makatapos ako. Para naman may source of income ako na pantustos sa sarili ko. Ayoko naman na kasing umasa ng umasa kila Ahl at sa pera ko sa banko na inipon ng mga magulang ko sa akin. Dahil hindi enough iyon sa ilang taong balak kong mag-stay dito.
Nang matapos ko itong pirmahan ay bumaling ako kay Madame na nakangiti ngayon sa akin.
"It's good to have you here, Elaine. Don't worry I'm sure you're in good hands. Considering that Ahl is your boss. If you have any questions you are welcome here in my office." sabi nito kaya napangiti ako at napatango.
"At kapag naimpress mo ko. I can cover your living expenses here in France until you graduate." dagdag pa nito na nakapagpabigla sa akin.
"Talaga po?" I asked na kulang na lang ay magningning ang mga mata ko.
"Yes, of course. Outstanding employees here in my agency deserves an outstanding treatment." she smiled at me.
"Thank you po. Promise Madame. I'll do my best. I will impress you." masaya kong sabi.
"I know you will. That's the spirit. Welcome to my agency." sabi niya. Agad naman ng tumayo si Ahl kaya tumayo na din ako.
"Thank you, Madame for your time. I'll give Elaine a small tour to our agency." sabi ni Ahl. Tumango lang si Madame kaya umalis na kami ni Ahl doon at sumakay na ulit sa elevator. Halos magtatalon na ako sa tuwa dahil sa narinig kong offer sa akin. Feeling ko ay lalong naboost ang confidence ko. Dahil once na maimpress ko si Madame ay wala na akong pproblemahin pa.
At gaya nga ng sabi ni Ahl ay inilibot niya ako sa buong agency. Pinakita niya sa akin ang bawat departments at pinakilala din sa ilang employee. Tapos non ay pumunta na kami sa 4th floor kung nasaan daw ang office niya.
Nang makarating kami sa 4th floor ay nagtungo kami sa isang kwarto, at nang buksan niya ito ay bumungad sa amin ang isang pinto na may nakalagay na Marketing Department. Mukhang ito na nga ang office ni Ahl. Ang sabi kasi niya sa akin ay isa siyang Fashion Merchandiser dito na sa pagkakaalam ko ay parang Marketing?
Nang pumasok kami sa loob ay bumungad sa amin ang malinis niyang office. Na meroong mga nagkalat na papel sa lamesa at isang white board marker sa gilid. Sa malapit sa pintuan ay meroong bakanteng lamesa.
"This is your space." nakangiting sabi ni Ahl sabay tap sa bakanteng lamesa. Napangiti naman ako at agad naupo doon sa upuan at saka chineck ang mga drawers na kumpleto sa mga office supplies. Meroon na ding nakaset na computer at telepono sa gilid.
"Happy?" he asked. Tumango ako bilang sagot. Napangiti na lang siya at saka naglakad palapit sa lamesa niya at naupo doon sa swivel chair niya.
"You'll work here as my assistant for 3 months. Parang on the job training lang habang nag-aaral ka. Pero after you graduate at maimpress mo si Madame ay pwede kang maging kabilang sa Design Department like you wanted. Kaya dapat na pagbutihin mo. As for your schedule. Ako na bahala doon na imerge sa sched ng classes mo. Para less hassle na din sa iyo." sabi niya.
"Thank you. At oo, promise. Gagawin ko ang best ko." pursigido kong sabi.
"Good. Now, as my assistant. Ang gagawin mo obviously ay i-assist ako sa mga trabaho ko. Parang secretary lang ganon. You're the one who will handle my appointments and telephone calls. Ikaw din ang magxexerox ng kailangan kong copies. There will be chances that I will ask for your help especially sa paper works kung hindi ko kaya. If that's okay to you?"
"Yep. Okay sa akin." determinado kong sagot.
"Siguro nagtataka ka dahil dito kita nirequest sa Marketing Department although wala itong kaugnayan sa kurso mo."
"Bakit nga ba? Hehe." tanong ko. Dahil nagtataka din ako kung bakit hindi ako sa Design Department pinag training.
"Well, Madame can't take risks. Ayaw niyang nagpapasok ng baguhan sa Design Department. Lahat kasi ng nasa department na iyon ay naging ilang taon na ang experience sa Fashion Design. 5 years yata ang pinakamababa sa pagkakaalam ko. Since, bago ka lang dito. Nagsuggest ako na sa department muna kita para makapag-adjust ka ng mabilis." paliwanag niya. Napatango-tango naman ako.
"You should be thankful. Kasi kung hindi dahil sa akin ay baka nasa Modelling Department ka na at namimili ng kape para sa mga models." he chuckled.
"What do you mean?" I asked.
"Well, lahat kasi ng baguhan dito sa agency ay automatic na sa Modelling Department ang bagsak. Nagiging assistant sila doon ng mga models. A personal assistant to be exact." sagot niya.
"Ganon ba? Salamat pala." sagot ko kaya napahalakhak siya.
"Like I said, you're always welcome Elaine." nakangiti niyang sabi.
"Now, if you don't mind. Can we start our work now? Coz you know? Time is gold." halakhak niya. Ngumiti lang ako saka tumango saka binuksan na lang ang computer na nasa table ko. Nang makita ko ang isang stack ng sticky notes ay agad ko itong kinuha at nagsulat ng maikling memo sabay idinikit ito sa gilid ng computer monitor. Napangiti na lang ako nang pagmasdan ito saka nagproceed na sa dapat kong gawin.
TASKS/GOALS TO REMEMBER:
• Manage Ahl's appointments
• Answer telephone calls
• Help Ahl on his paperworks
• Xerox copies
• Work hard as Ahl's assistant
• Impress Madame
"Kaya ko ito. Alam kong kaya ko!" pagchicheer ko sa sarili ko habang nakatitig sa sticky note.