Gillian's POV
Halos mapatalon ako nang makita ko si Yunard na nakasandal sa motor niya. Nakangiti itong kumaway sa akin.
"Oh? Bakit? May nakalimutan ka kagabi? Ano yun? Ako na kukuha," tanong ko sa kanya nang makalapit. Imbes na magsalita ay bigla niyang isinuot ang hawak niyang helmet. Hindi ko maiwasang mapapikit sa gulat.
"Ihahatid kita," sambit niya at isinuot din sa sarili ang isang helmet. Pinanood ko siyang sumakay sa motor niya, nang mapansing pinapanood ko lang siya ay tumingin siya sa akin. "Sakay na," sambit niya sabay nguso sa likod nito.
"Hindi mo naman kailangang ihatid ako, pero hindi ako tatanggi. Salamat," nakangiti ko nang sambit. Hindi siya nagsalita at kinuha ang isang kamay ko para iyakap sa bewang niya, hinayaan ko siyang gawin 'yon.
Dahil maikli nanaman ang suot ko, nakatagilid ang upo ko. Ang isang kamay ko ay nakahawak sa bag ko na ngayon ay nasa kandungan ko.
Habang nagmamaneho siya hindi ko maiwasang mapangiti. Sa totoo lang, I have crush with my bestfriend, pero crush lang. Oo, at hindi ako bata para sa crush crush na yan, pero hanggang sa kaya ko, kailangan kong limitahan ang sarili ko, hindi pwedeng unahin ko ang mga walang kwentang bagay, isa na doon ang tuluyang mahulog sa lalake. Para sa akin ay walang kwenta ang magmahal ng isang lalake, ayos lang pag kaibigan, pero pag subra, no thanks.
Gusto kong itutok ang atensyon ko sa pamilya ko, wala sa oras ko ang magmahal at magpakatanga sa isang lalake. Aksaya lang sila sa oras ko, yung oras na igugugol ko sa pakikipag nobyo, itatrabaho ko na lang para mabili ko ang gusto ng mga kapatid ko.
"Gil, nandito na tayo," hindi ko namalayang napasandal na pala ako sa kanya. Hindi ko din namalayan na nakarating na pala kami.
Dali dali akong bumaba, dahil sa pagmamadali ko ay nakalimutan kong suot ko pala ang heel na pinahiram ng boss ko, gusto ko man sanang ibalik na ang heel, hindi ko magawa, wala akong gagamitin pag ibinalik ko ito. Kakapalan ko na lang ang mukha ko. Gagamitin ko na lang pambili yung dapat pamasahe ko kanina papunta dito sa companya. Sa ngayon ay gagamitin ko muna.
Dahil sa pagmamadali ay halos ma tapilok ako, salamat na lang ay mabilis ang kamay ni Yunard para alalayan ako, nagulat ako nang may isa pang kamay ang biglang lumitaw sa gilid ko. Hindi ko maiwasang ikunot ang noo ko habang nakatitig sa kamay na 'yon, nanlaki ang mata ko nang makita ko ulit ang kuko na may pintura.
Mas lalong nanlaki ang mata ko nang makita ko si Sir Zachary. Mabilis niyang inalis ang kamay sa gilid ko at tinignan ako ng masama.
"Be careful! You are using my heel! Mas mahal pa yan sa sweldo mo! My ghad!" bulyaw nito at tumalikod na.
Wala sa sarili kong pinanood siya papasok sa companya. Namula ang mukha ko nang bigla siyang kumembot kembot sa paglalakad. Lahat ng empleyado ay napasunod ang tingin sa kanya habang papasok siya sa loob.
Bakit kailangan ganoon ang lakad!? Paano ko gagawing lalake ang halos daigin ang mga babaeng model at beauty queen sa pagrarampa? Mamamatay ako sa kakaisip nito! Dapat ba halikan ko na siya agad? Haisst! Hindi ko na alam ang gagawin ko!
"Isa sa dahilan kong bakit nandito ako ay para kompermahin kong talaga bang bakla ang boss mo, hindi ako mapaniwala sa nakita ko, 101% bakla nga," halos hampasin ko si Yunard sa sinabi niya. Natawa siya sa reaksyon ko ay inayos ulit ang helmet na tinanggal ata niya kanina.
"Mauna na ako," sambit niya sabay paandar ng motor niya. Ngumiti ako at kumaway.
Maglalakad na sana ako nang tumunog ang phone ko, tumigil muna ako at sinagot 'yon. Hindi naka register ang number. Ayoko mang sagutin, sinagot ko pa rin kasi baka importante. Nagulat ako nang isang sigaw ng maarteng boss ko narinig ko.
"It is nice to see na mas nauuna pang dumating ang Boss kaysa Secretary? Umakyat ka ngayon din, Secretary Guzman!" napatingin ako sa relo ko.
"Sir, subrang aga pa, may 30 minutes pa ---"
"Now, Secretary Guzman!" Napapikit ako. Hindi pa ako nakakapag almusal, inagahan ko para makabili man lang ng instant coffee at bread, pero mukhang malabo na akong makakakain ng agahan.
"Yes, sir, aakyat na."
Bumuntong hininga ako at umakyat na. Simpleng pagtitiis lang ng gutom, Gillian. Kaya mo yan.
"Sir, may utos ka?" Tanong ko pagkapasok ko pa lang sa opisina niya. Halos umusok ang ilong ko nang makita kong pa relax relax lang siya habang nakasuot ng headphone. Ginagalaw galaw pa niya ang ulo na para bang nag eenjoy ng subra sa pakikinig ng musika. Bumuntong hininga ako bago magsalita ulit.
"Sir, do you need anything?" Tanong ko ulit ngunit kagaya kanina ay wala ata talaga siyang naririnig. Lumapit ako sa mismong tabi niya at ibinaba ang mukha malapit sa mukha niya.
"Sir, do you need--" Mabilis niyang tinanggal ang headphone niya at ibinagsag. Masama siyang tumingin sa akin.
"I'm not saying anything, so wala akong kailangan. Huwag ka ngang lumapit! Huwag mo ngang ilapit ang mukha mo sa maganda kong mukha!" Bulyaw niya. Napakamot ako at napakagat sa labi.
"Sir, ang aga pa kasi, may gagawin pa ako sa labas--" Tumayo siya at humarap sa akin.
"Why? You have date with that guy? Oh my ghad! Do you have taste? Bakit di ka humanap ng mas gwapo, ang pangit noong lalakeng kasama mo kanina. Ano mag dadate kayo? Saan? Sa iskinita?" Nagulat ako ng tuloy tuloy niya iyong sinabi sa harapan ko.
Napapikit pikit ako dahil sa gulat. Tumitig ako sa mata niyang nakatitig sa akin, bigla siyang umiwas ng tingin nang hindi ko pinutol ang tingin sa kanya.
"Sir, u-umuwi na po siya. Mag cocoffee lang sana ako sa labas," na utal pa ako habang sinasabi 'yon. Nagulat pa rin ako sa sinabi niya kanina.
Mas lalong lumikot ang mata niya at hindi na niya ako matignan.
"Go!" Yun na lang ang sinabi niya at bumalik sa pag kakaupo. Muli niyang kinuha ang headphone at isinuot. Ilang segundo pa bago ako naglakad papunta sa pinto. Bubuksan ko na sana ang pinto para lumabas nang may naalala.
Total naka headphone naman, pwede kong sabihin ang gusto kong sabihin. Nakayuko siya at nakatingin sa phone niya.
"Sir, gwapo si Yunard, hindi ko alam kong anong meron sa mata niyo at nasabi mong pangit si Yunard, pero alam kong gwapo si Yunard. Eh ano naman kong iskinita kami mag date? Tsk judgemental!" sambit ko at binuksan ko na ang pinto para lumabas.
Nagulat ako nang pagkalabas ko ay saka naman sana ang pagpasok ng kong sino. Nagulat din siya sa biglang pagbukas ko ng pinto. Dahan dahan niyang itinaas ang kamay para kumaway.
"Hi?" alanganin niyang sambit. "Si Zachary? Nandiyan ba?" tanong niya. Hindi ko maiwasang mapanguso, lumalaban din sa kagwapohan ang lalakeng 'to.
"Sir, nasa loob po," sambit ko. Tumango siya at pumasok na. Naiwan ako sa labas na nakatitig na ngayon sa pinto.
"Sino 'yun?" wala sa sarili kong tanong. Nagkibit balikat na lang ako at umalis na para kumain. Gutom na talaga ako. Meron pa akong 15 mins para mag coffee.
Meron namang libreng coffee, pero ayoko, gusto kong bumili sa labas, kahiya naman sa boss kong bakla kong kukuha ako ng coffee na para lang sa kanya.
***
Babalik na sana ako, pero nagulat ako nang makita ko si Madam Anastasia. Nakasakay siya sa kotse, nakita kong siya 'yun nang bigla niyang binuksan ang bintana nang maglakad ako sa mismong gilid ng kotse.
"Pasok," sambit niya kaya dali dali akong pumasok. Tinitigan niya agad ang suot ko. "I don't like your outfit, magpapadala ako ng mga damit sayo, yun ang gamitin mo," sambit niya.
"Madam, hindi naman na kailangan. Maayos naman---"
"Maayos? It's not maayos. Paano mo maakit ang anak ko? Mas may alam pa ata siya sa fashion kaysa sayo. Magpapadala ako ng damit sa ayaw at sa gusto mo." Wala akong nagawa kundi tumango.
"Opo" sambit ko.
"What's the process?" Tanong niya bigla.
"Madam, wala pa po. Nahihirapan po kasi ako, sak---" Napapikit ako nang bigla ulit niyang pinutol ang sasabihin ko.
"That's not my problem. Do everything you can. Kong aabot sa puntong kailangan mong ibigay ang sarili mo sa kanya, gawin mo.... Malaki ang bayad ko sayo. Ipapaalala ko lang Isang milyon 'yon. Lumabas ka na."
Muli akong napabuntong hininga habang pinapanood ang pag alis niya. Nanghihina ang tuhod ko. Give my self? Shempre, Gillian. Ano ine expect mo? 1million ang pinag uusapan dito, at kong bibilangin ang pera pang binigay at ang mga damit na ibibigay niya, hindi lang basta 1 million yun!
Kahit wala kang pahinga sa pagtatrabaho, malabong mabayaran 'yun kong hindi magtatagumpay, Gillian. Wake up, do everything you can. Pag di mo 'to nagawa, sa bangketa ang Bagsak mo, ang bagsak ng mga kapatid at ama mo.
Habang papasok sa companya, patuloy kong sinesermunan at pinapaalalahan ang sarili.