Zachary's POV
"Sir, gwapo si Yunard, hindi ko alam kong anong meron sa mata niyo at nasabi mong pangit si Yunard, pero alam kong gwapo si Yunard. Eh ano naman kong iskinita kami mag date? Tsk judgemental!" Hindi ko maiwasang mapapikit nang sabihin niya 'yon.
Gwapo? Gwapo yun para sa kanya? Maganda sana, subrang babaw naman ng taste! Magsasalita sana ako nang bigla niyang isinara ang pinto.
Nailagay ko sa gilid ng pisngi ko ang dila ko dahil sa inis sa sinabi niya. Date? So, boyfriend nga niya 'yun? Akala ko ba ako ang crush niya! Bakit 'di niya panindigan! If she likes me, she shouldn’t be dating! I am more than handsome! She couldn't stop coming into my mind, and then she had a boyfriend? Pinaglalaruan ba ako ng babaeng yun?!
Muli akong napapikit. Anong pinaglalaban ko?
"Damn that girl!"
Wala pang 10 segundo ay bumukas na ulit ang pinto. Akala ko siya ulit, pero nakangiting si Zeyo ang lumitaw. Nakapamulsa ito na para bang may magandang nakita. Hindi ko maiwasang ikunot ang noo ko. What's with him?
"She's hot," sambit agad ni Zeyo pagkaupo niya sa sofa. Irita kong tinanggal ang headphone ko na walang sound.
"She's not," sambit ko. Tumitig sa akin si Zeyo sabay iling at hindi kalaunan ay tumawa.
"I don't know what's your definition of hot babes, but for me, dude, she's f*****g hot." kinakagat pa niya ang labi na para bang nag iimagine.
Inis kong ibinato sa kanya ang headphone na hawak ko.
"What was that for!?" iritang sambit niya.
"You are here to pretend to be my boyfriend, don't you dare planning to flirt with her. Babawiin ko yung kotse! Baka ikaw pa ang dahilan ng pagka buko ko! Umayos ka."
"Nakakadiri talaga, lalo na pag sinasabi mo," nagkunwari pa itong nasusuka. Feeling ba niya siya lang? Nandidiri din ako, but I need to do this. Kong sakaling pinadala siya ni Mommy, at least safe ako.
But if what she said is true about her having a crush on me, I think, I don't know what I will do next.
Bigla siyang umayos ng upo at matama akong tinignan.
"I have..... idea," sambit niya habang nakangiti.
"Ano yun?" sambit ko at nagsimula nang tignan ang mga papeles sa lamesa ko. Wala akong balak na pakinggan siya sa sasabihin. Alam ko naman na kalokohan lang din naman ang sasabihin niya.
"Let's do the other way. Let's stop your planning about me pretending to be your boyfriend, what if I'm just going to make your secretary fall in love with me."
"Isipin mo, mas maayos 'to kaysa sa plano mong pagpanggapin akong boyfriend mo. Kong hindi lang dahil sa kotse, hihindi talaga ako, pero sadyang alam mo kong saan ako hindi makakahindi. Ano? Payag ka? Kasi pag pumayag ka, ngayon din lalapit na ako sa kanya," sambit nito habang naka dekwarto.
"Come on, Dude. Think about it."
Natigilan ako at napaisip sa sinabi niya. Hindi agad ako nakapagsalita ay napatitig sa papel na hawak ko, ngunit ang isip ay lumilipad. Okay? Think, Zachary.
Ilang minuto namayani ang katahimikan. Wala akong makapang tamang sabihin. Naramdaman kong tumayo si Zeyo kaya nalipat ang tingin ko sa kanya.
"Silence means yes, wala ng bawian. Don't worry, I'll make sure that she will fall in love with me deeper. maiinlove siya sa akin. Pag na inlove siya sa akin, tapos ang problema mo, papaaminin ko siya kong pinadala siya ng mommy mo o hindi. At dahil patay na patay na siya sa akin, sasabihin niya ang totoo," sabi niya at sumaludo pa. Hindi ako makapagsalita hanggang sa makalabas siya.
Why, Zachary? Sa dalawang planong iyon, ang sinabi niya ang mas madali dahil hindi mo na kailangang magpanggap. Mas madali dahil siya na lang ang mag tatrabaho, pero bakit parang ayaw kong gawin niya 'yun. What's with me?
Wake up, Zachary! That is the best think to do. Hindi ko alam kong anong pumipigil sa akin para magsalita at sumang ayon sa kanya.
"Fine, do it, Zeyo. Make her fall inlove with you," sambit ko sa sarili ko.
Tumayo ako at binuksan ang venetians blind para makita kong nakaalis na si Zeyo at tignan kong nakabalik na ang secretary ko, but as I open the blind, nakita ko ang magandang ngiti ng secretary ko kay Zeyo. Nakangiti itong tinanggap ang kamay ni Zeyo.
Imigting ang panga ko at tumalikod. Pinilit kong tinanggal ang nakita sa isip ko. Bumalik na lang ako sa upuan ko para simulan ang trabaho.
Gillian's POV
Pagbalik ko ay siya din ulit ang paglabas ng lalake kanina. Tatabi na sana ako para makadaan siya nang tumigil siya at hinarap ako. Sa pagngiti niya ay kitang kita ko ang dimple sa pisngi niya.
"Hi, so you are the new secretary of Zachary?" tanong nito. Sa kalahating floor na 'to ay sadyang para sa CEO lang at shempre dito din ang lamesa ko, sa mismong labas lang ng pintuan ng office ng boss ko. Mula sa mesa ko ay may glass wall, nakapagitan sa ibang empleyado.
Hindi ko maiwasang ngumiti din. Nakakahawa ang ngiti nito.
"Yes, Sir. Ako po ang bagong secretary ni Sir Villanueva. Gillian po, Gillian Guzman," sambit ko.
"Zeyo, Zeyo Reymondo. I'm Zach's friend. Nice meeting you," sambit niya sabay lahad ng kamay niya.
Friend ni Sir? Bakla din ba siya kagaya ni Sir? Kong bakla din 'to, malaking sayang. Ang gu-gwapo ng lahi nila, bakit kailangan nilang maging bakla?
Tinanggap ko ang kamay niya at muling ngumiti.
"Nice meeting you, Sir." Sinubukam kong kunin na ang kamay ko, ngunit nagulat ako nang hindi niya iyon binitawan. Nakatitig din siya sa akin, nakita ko pagkakamangha ng mukha niya habang nakatingin sa akin.
Bakla din siya? Nagagandahan ba siya sa akin kasi bakla siya? May mga nakasalamuha na akong bakla at ang iba ay tumititig sa mukha kasi nagagandahan at naiinggit. Naalala ko yung isang bakla na bumili ng karne noong nagtatrabaho pa ako sa palengke.
Nailang ako dahil tumitig siya kaya tinanong ko kong may dumi ba ako sa mukha, pero ang sagot niya-
"Girl, ang ganda ng skin mo sa face. I like your beauty, pang pageant ang peg mo. Nakakainggit, sana ganyan din kutis ko,"
Halos mamula ang buong mukha ko dahil doon.
"Ah, Sir, yung kamay ko," alanganin kong sambit nang hindi pa rin niya ito tinatanggal.
"Oh, I'm sorry. You're just beautiful," sambit niya at binitiwan ang kamay ko. Napakamot pa siya sa ulo niya na parang napahiya. Napanguso ako. Dahil sa sinabi niya ay parang na confirm ko bigla na tama ang hinala ko.
Ngumiti na lang ako at itinuro ang lamesa ko para ipaalam na mag tatrabaho na ako. Tumango lang siya at nag paalam na.
Napanguso ako, bakit ang gu-gwapo ng mga baklang 'to? Hindi ba sila nasasayangan sa mga lahi nila? Haist, Gillian, huwag mga yan ang isipin mo. You need to think of what will you do to seduce and turned your boss to be a real man
Muling pumasok sa isip ko ang usapan namin ni madam Anastasia. Okay, lahat gagawin ko to make him a real man. Wala na akong pakealam. Tama siya, isang milyon ang usapan dito, hindi iyon napupulot sa kong saan. Malaking bagay na 'yon. Ang perang 'yun ang nagligtas sa kapatid ko. Kailangan kong pagbutihin ang trabaho ko.
"Sir, you have a meeting with Mr. Salazar. 10 minutes from now. May 10 minutes pa po kayo para makapaghanda," sambit ko.
Tumango lang siya kaya napanguso ako. Ano ba kasi gagawin ko? Nakakainis naman!
"Sir," tinigil niya ang ginagawa at inangat ang tingin sa akin.
"What? May sasabihin ka pa?" maarteng sambit niya.
"Wala po," napakagat ako sa labi ko nang imbes ang tanong ko ang sinabi ay iba ang lumabas sa bibig ko.
Tumalikod ako at handa na sanang maglakad papalabas nang tumigil ako. Huminga ako ng malalim at muling humarap sa kanya.
"Diba, Sir, sabi ko sayo na gusto kita, na I have crush on you?" Pumikit pukit siya tumango. "Gusto kita kaya nanghihinayang ako na bakla ka," patuloy ko.
"What is it, Secretary Gill--" Mabilis akong lumapit at itinuko ang dalawang kamay sa lamesa niya Medyo napalayo pa siya dahil sa gulat. "What the hell are you doing, Secreta--"
"I want to turn you to be a real man," nanlalaki ang mata niya at biglang tumayo. "Subra ang panghihinayang ko dahil bakla ka."
"Are you out of your mind, Secretary Gillian? Do you want me to fire you now!"
"Hindi po, I want to keep this job, but I just want to inform you that I want you to be a real man. Ano... kasi...." Nangapa ako ng sasabihin. Pinagpapawisan na ako dahil sa hindi makapaniwalang titig niya. "Kaya... Wag kang... ano.... magulat pag bigla na lang kitang halikan," mabilis na sambit ko at tumalikod na.
Imbes na sa mesa ako maupo ay mas ginusto kong dumeretso sa comfort room. Mabilis kong pinaypayan ang mukha. Nang makalapit sa sink ay mabilis akong naghilamos.
May sariling comfort room sa loob ng opisina ng boss ko, meron din sa labas kong nasaan ang mesa ko. Kong baga, ako lang ang gumagamit nitong comfort room na 'to dahil ang ibang empleyado ay nasa labas.
Kailan ba ako masasanay na ganito ang mga dapat kong gawin? Hindi na ako yung taong lumalayo sa mga lalake, sa ngayon ang dapat kong gawin ay ang kabaliktaran.
Kailangan kong maghabol ng lalake. Kailangan kong mapalapit sa kanya para magawa ang plano, ang trabaho ko. Kailangan kong gawin ang hindi ko ginagawa para magtagumpay sa trabaho ko kay Madam Anastasia.
Halikan? Kaya mo kayang gawin yun, Gillian? Sana nga kaya mo, para may progress naman ang pang-aakit mo.