Kabanata 9

1566 Words
Zachary's POV "Kaya... Wag kang... ano.... magulat pag bigla na lang kitang halikan." Naisandal ko ang ulo ko sa upuan ko. Napapikit ako at hinilot ang sintido. Mabilis siyang tumalikod at umalis pagkasabi niya 'yon. Hindi ko alam ganito pala kasakit sa ulo magkaroon ng babaeng secretary. Ano bang meron sa babaeng 'yon para sumakit ang ulo ko sa kakaisip ng ganito? Isa lang naman siyang hamak na secretary! Anomg meron sa kanya at ginugulo niya ang isip ko. Kailangan kong alalahanin ang tinatago kong secreto at bakit ko ito ginagawa. Eh, ano namam kong halikan niya ako, Edi itutulak ko na lang siya. Hell I care if she kiss me, hindi lang naman siya yung unang humalik sa akin, but hell! Pag iniisip ko ang salitang halikan ay parang gusto ko din yun mangyare, at para bang nakakaramdam ako ng excitement. Bakit pag iniisip ko yung mga labi niya parang gusto ko din yung sinabi niya? I have never been thirsty on the lips of any woman. I've kissed many girls before when I'm not pretending to be gay, but I never think about it. Saka I don't feel excitement when i am kissing them. Yes, I like their kiss, but it's not the kind that makes me think about the lips of that specific girl. Anong meron sa labi niya? Huminga ako ng malalim at tumayo. Lumabas ako sa office, paglabas ko ay saka din paglabas ng secretary ko galing sa comfort room, habang pinupunasan ng tela ang mukha na para bang kagagaling lang sa pagbibilamos. Nang makita ako ay nag iwas siya ng tingin at namula ang mukha. What? Nagsisi ka sa sinabi mo? Don't you dare! If I confirm na hindi ka pinadala ni mommy, yung labing yan, kawawa sa akin. Gusto kong suntukin ang sarili para magising at para matauhan sa mga iniisip. "Cancel all my meetings today," gulat siyang tumingin sa akin. "Po?" "Cancel all my meetings, samahan mo 'ko, may pupuntahan ako," sambit ko at bumalik na sa office. Pagkapasok ko ay pumasok din siya. "Pero, Sir, sabi ng dati niyong secretary na mahalaga ang meeting niyo ngayon," rinig kong sambit niya. I know. One of my meetings today is with Mr. Salazar, he's a chairman in a big company, kaya subrang halaga ng meeting ngayon. Hindi basta basta nakikipagmeeting si Mr. Salazar, kahit na malaking companya ang companyang pinapatakbo ko, nahihirapan pa rin ako mag set ng meeting sa kanya. Ngayon lang 'to mangyayare sa buong pamamahala ko sa companya.... ang i-cancel meeting kasama ang mahalagang tao, pero hindi ko din naman maaayos ng mabuti ang meeting pag ganitong lumilipad ang utak ko. "Cancel all, Secretary Gillian," sambit ko at inayos ang necktie bago kinuha ang phone ko sa mesa, kinapa ko ang bulsa ko para tignan kong nandoon ang susi ng kotse at ang wallet ko. "Let's go," mabilis ko na siyang linagpasan. Naramdaman ko ang pagmamadali niya habang hinahabol ako. Tumigil pa kasi siya para kunin ang gamit niya. Seryoso akong naglakad, hindi pinapansin ang ilang mga empleyado na bumabati. Mabilis kong pinatunog ang kotse ko nang makarating sa parking lot, nahuhuli ang secretary ko kaya sinulyapan ko siya, but hell! how can she beautiful in my eyes even she's in a hurry? Mabilis kong iniwas ang tingin. "Faster nga!" maarteng sambit ko. Gillian's POV "Sorry, Sir, ang bilis niyo naman kasing maglakad," sambit ko nang makarating sa harap ng kotse niya. Inilagay niya ang dalawang kamay sa bewang niya at tinignan ako ng masama. "Are you saying that It's my problem that I have a beautiful long legged?" Maarte niyang sambit. Napanguso ako. Sinabi ko bang problema niya 'yun! Anong problema ng baklang 'to! "Hindi, Sir-- Haist!!" Hindi niya pinakinggan ang sasabihin ko at mabilis na binuksan ang pinto ng kotse niya at pumasok. Napabuntong hininga ako para matanggal ang inis ko, ngunit napatalon ako nang bigla niya akong binusinaan. Tinted ang kotse niya kaya hindi ko siya kita sa loob. Mabilis akong lumapit sa pinto ng backseat para doon maupo, pero nang papasok na sana ako ay bigla nanaman niya akong tinignan ng masama. Ano nanaman ba? "I'm the boss, right? Tapos sasakay ka sa backseat? What do you think of me? A driver? Do you really want me to fire you, Secretary Gillian!" Mabilis kong sinara ang pinto nang halos sigawan na niya ako. Bakit ang highblood ng baklang 'to! Pwede naman niyang sabihin ng mahinahon. Kailangan talaga isigaw niya! Mabilis akong sumakay sa front seat at isinuot ang seatbelt. "Na cancel mo na?" tanong niya habang iniistart na ang kotse. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Na cancel ko na? Anong akala niya sa akin? Si wonder woman? Si Darna? Feeling niya ba ako yung mga super herong iyon? Na habang hinahabol ko siya dahil ang bilis niyang mag lakad ay may pagkakataon akong i cancel ang mga meeting niya? Pati nga pagkuha kanina ng gamit ko ay natataranta na, tas gusto niya gawin ko agad agad ang inutos niya? Na i-cancel agad ang mga meeting niya? Hindi nga niya ako binigyan ng pagkakataon na buksan man lang ang phone ko para tawagan ang mga secretary ng mga kameeting niya dapat ngayon! Napahawak ako sa ulo ko. Relax, Gillian, boss mo yan. "Sir, hindi ko pa na cacancel," sinubukan kong ngumiti para matanggal ang inis ko. "What? I cancel mo na! Bakit hindi mo po kinacancel, sinabi ko na sayo kanina! Baka nandoon na si Mr. Salazar! What the hell!" "Tatawagan ko na, Sir---" "Dapat lang! Nakakahiya kay Mr. Salazar pag nandoon na siya at naghihintay--" Zachary's POV Halos matapakan ko ang break nang bigla niya akong pinutol sa sasabihin. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "Oo na! Tatawagan ko na nga! Eh, sana kasi binigyan mo ako ng pagkakataong tawagan ang mga secretary nila!" Halos bulyaw niya. Tumingin ako sa kanya nang hindi makapaniwala. Sinigawan ba niya ako? Dahil sa titig ko sa kanya ay bigla siyang mapapikit. Mukha promoseso na sa isip niya ang bigla niyang pag sigaw. "Oo, Sir, t-tatawagan ko na ngayon din," nauutal na sambit niya. Bigla siyang umiwas ng tingin at pinagkaabalahan ang phone. Halos matawa ako dahil sa insulto. Tinignan niya ang phone niya na para bang wala siyang ginawang nakakabastos. Boss niya ako! Bakit niya ako sinisigawan! Ako dapat ang naninigaw dahil ako ang boss! Imbes na bulyawan din siya ay inis ko na lang na pinaandar ulit ang kotse. Hindi ko lang maiwasang sumulyap sulyap sa kanya habang nakikipag usap sa mga secretary ng mga makakameeting ko sana ngayon. Itinukod ko ang kamay ko sa gilid at hinawakan ang labi, habang nagmamaneho gamit ang isang kamay. "Re-schedule na lang ba daw, Sir?" naibaba ko ang kamay ko na nakahawak sa labi ko nang bigla siyang sumulyap sa akin para tanungin 'yon. Nakatakip ang kamay niya sa speaker ng phone niya. Hindi naman talaga niya phone 'yon, It's a company phone, hindi kasi palaging nasa lamesa niya siya at kaya niyang sumagot sa mga tawag, kaya may phone na provided ang companya para magamit ng secretary. "Yes," mabilis na sambit ko. Tumango siya at pinagpatuloy ang pakikipag usap. Napasulyap ako sa kanya nang hindi magtagal ay bigla siyang nag inat, nang mapansin ang mabilis na tingin ko sa kanya ay napaupo siya ng maayos. "Tapos na, Sir, cancel na lahat, gaya ng utos niyo," nakangiti nitong sambit, pero wala doon ang atensyon ko. dahil sa ginawa niyang pag inat kanina lang ay medyo lumislis ang skirt na suot niya. Mahilig ba siya sa mga maiikling palda? Dahil sa paglislis nito ay kitang kita ko ang makinis at maputi nitong hita. Sinubukan kong ituon ang pansin sa pagdadrive, pero hindi ko talaga maiwasang sumulyap sa hita niya! Maikling palda na nga ang suot, may slit pa! Kinuha ko ang puting panyo ko sa bulsa ko habang ang isang kamay ay nakahawak pa rin sa manobela. Nang makuha ay mabilis kong inihagis sa hita niya. "Sir?" takang tanong niya. "Takpan mo," mabilis na sambit ko nang hindi tumitingin. Matagal bago ulit siya magsalita, kaya sinulyapan ko ang hita niya kong natakpan pa niya, pero umigting ang panga ko nang hindi niya iyon tinakpan. Bubulyawan ko sana ulit siya nang maunahan niya ako sa pagsasalita. "Bakit ko tatakpan, Sir? Ang ganda kaya ng legs ko," halos maubo ako nang bigla siyang nag crossed leg. Dahil sa pag crossed leg niya ay lalo kong nakita ang maputing legs niya. Hindi ko alam kong sinasadya ba niya. Tinipon niya sa iisang direction ang buhok nito at nilagay sa gilid. Ang leeg nito ay kitang kita ko. Napalunok dahil doon. Humigpit ang hawak ko sa manobela at nagconcentrate sa pagmamaneho. Hindi ako makapaniwalang nakarating kami sa pupuntahan namin ng buhay. Hanggang sa makarating ay naka crossed leg ito, at hindi ko alam kong ilang beses akong sumulyap sa leeg nito. Magsisinungaling ako kong sasabihin kong hindi nagising ang alaga ko. Gising na gising ang alaga ko hanggang sa makarating kami. Pinagpapawisan na din ako. Hindi ako makapaniwalang ang laki ng epekto niya sa akin. Pagkakita ko sa kanya napasabi na agad ako na dehadong dehado ako, pero ngayon subra pa sa dehado, parang kaunti na lang ay hahalikan ko na siya at dadalhin na agad sa kama ko. Pag hindi ako makapag pigil ay baka dito pa lang sa kotse maangkin ko na ang labi niya, maangkin ko na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD