"S-Sir? Bakit dito?" pinigilan ko ang nagbabadyang ngiti sa labi ko nang makita ko ang gulat sa mukha niya habang nakatitig sa harap niya
Bakit ang ganda niya magulat! Damn! Tumikhim ako at sinubukang mag seryoso.
"I need to have a pedicure and manicure," maarteng sambit ko. Ikinumpas at ipinakita ko pa ang mga kuko ko sa kanya. Tumigil ang tingin niya doon at tinignan ako na para bang gulat pa rin, well kitang kita pa rin naman sa itsura niya na nagulat siya.
"Si--" hindi niya naituloy ang sasabihin nang maglakad na ako palapit sa salon. Bumukas iyon at sinalubong ako ng isang baklang nakangiti.
Dito ako pumupunta para magpa manicure at pedicure kaya pag nakita nilang papasok ako ay alam na agad nila. I don't want to do this, pero wala akong magawa kundi gawin, para kahit hindi ko sabihin sa kausap o sa kaharap ko kong ano ako ay malalaman agad nila, basta ikumpas ko ang dalira sa ere at ibalandra ang nakapintura kong kuko, malalaman agad nila.
Mabilis kong kininditan ang baklang nasa harap ko. Mabilis naman niyang naintindihan ang nais kong iparating. I forget to say that other than Nheya and Zeyo, this gay infront of me know my secret.
One time, I'm so exhausted about the problem on our company, kaya naisipan kong pagbigyan ang sarili ko kahit minsan lang. I didn't know that he is there. Napakalayong bar na nga pinuntahan ko, pero nagkataon pang nandoon siya.
Nakita niya akong humalik ng babae. Sinong bakla ang hahalik ng babae? Pinakiusapan ko na lang na huwag niyang sasabihin sa kahit sino, kapalit ay doon na ako palagi at i rerefer ko pa sa mga kakilala ang salon niya.
"Hey, handsome," bulong nito sabay sulyap sa kasama ko. "Who's she?" tanong nito.
Gillian's POV
Hindi pa rin ako mapaniwalang nakaupo ako doon at pinapanood ang gwapong bakla na boss ko na nagpapamanicure at pedicure. May nakapulupot ding towel sa ulo nito na parang babae. Kakatapos lang ma treatment ang buhok nito, ngayon ay may isang empleyadong nakatuon ang pansin sa kuko sa bandang paa, mayroon din sa mga daliri niya sa bandang kamay.
He is now wearing a white robe. Para talaga siyang babaeng gumalaw. Pa tawa tawa pa siya habang nakikipag usap sa tingin ko ay ang may ari ng salon.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong salon. Madaming nakahilerang upuan at shempre malawak na salamin, at ang mga gamit ay mukhang mamahalin lahat. Iba talaga ang mayayaman.
Meron namang mas malapit na mall na may salon, bakit mas pinili niya dito? Ang layo kaya nito, akala ko lalabas na kami sa manila sa layo.
Ilan kaya ang ibabayad niya? Iba ibang empleyado ang umaasikaso sa kanya. Paniguradong mahal ang bayad. Magtatapon nanaman sila ng pera para lang doon, sa amin nga bibili na lang kami ng cutex at kami na mismo ang aayos sa mga kuko namin. Nakakatipid kaya pag ganoon.
Napasandal ako sa upuan at bumuntong hininga. Nakakaantok naman, matagal pa ba? Dahil mag isa lang akong nakaupo doon at naghihintay, pinikit ko muna ang mata ko, sa pagpikit ko ay hindi ko namalayang unti unti na pala akong hinila ng antok.
Naigalaw ko ang ulo ko nang may maramdamang haplos doon sa mismong pisngi ko. Sa pag aakalang wala lang 'yon ay pinagpatuloy ko ang pagtulog. Nagulat na lang ako nang may humawak sa labi ko, mabilis kong tinulak ang taong 'yon at tumayo.
Napatuptop ako sa labi ko nang makita ko ang boss ko na naka upo sa sahig. Gulat itong nakatingin sa akin. Nilibot ko ang tingin at nakita ko ang mga empleyado sa salon na nakatingin sa akin. Gaya ng boss ko ay gulat din ang ilang mga nakakita sa pagtulak ko.
Namula ang pisngi ko at dali dali kong nilapitan ang boss ko.
"Sorry, Sir," kagat labi kong sambit. Paulit ulit kong sinabi ang sorry hanggang sa makatayo siya. Hindi ko na din siya matignan dahil sa pagkapahiya.
"Ghad! Let's go!" yun lang ang sambit niya at tinalikuran niya ako. Mabilis kong dinampot ang bag ko sa kinauupuan ko kanina at hinabol siya.
Hindi ko maiwasang isipin yung kanina. Naramdaman ko talaga na may humawak sa labi ko, pero hindi naman siguro ang boss ko ang hahawak sa labi ko. Baka nananaginip lang ako? Malabong ang boss ko ang humawak sa labi ko, pero bakit kasi nandoon siya? Napapikit ako habang naglalakad ng mabilis dahil sa daming tanong isip ko.
Tanungin ko kaya? Baliw ka ba, Gillian? Paano mo naman siya tatanungin? Sir, Ikaw ba ang humawak sa labi ko? Haist! Ang awkward kaya! Baka sungitan nanaman niya ako at ipakita ang maldita s***h bakla side niya.
Pinatunog niya ang kotse niya at sumakay na, dali dali din akong lumapit para sumakay. Napanguso ako nang makitang madilim na, ganoon ba siya katagal magpa pedicure at manicure? Sumulyap ako sa kamay niya at nakita ko ang bagong cutex nito, sinulyapan ko ang kamay ko na walang halong kulay, tsk!
Tatlong oras din pala ang tulog ko. Hindi ako makapaniwalang nakatulog ako sa ganoong posisyon.
Tumingin ako sa labas nang may mga butil ng tubig ang bumakat sa salamin ng kotse. Ilang segundo ay lumakas iyon. Umuulan. May bagyo ba? Sinamahan na din iyon ng kidlat at kulog.
Naisip ko ang nakababata kong kapatid, takot iyon sa kidlat at kulog. Napasulyap din ako sa relo ko dahil doon, baka nasa labas sila at hinihintay ako.
"Your address?" Napasulyap ako sa kanya nang tanungin niya 'yon.
"Sir?" takang tanong ko. Nawala ang pansamantalang iniisip ko dahil doon. Bakit niya tinatanong?
"I'm asking you your address, Secretary Gillian, unless you better want to commute. I'm a gentle woman, you know," maarteng sambit niya.
Gentle woman? Gusto kong matawa sa sinabi niya. Anong gentle woman? Baka gentle gay. Napakadaming arte ng baklang 'to! Napaka arte!
Well, at least may plano siyang ihatid ako. Ayos na 'yon. Process din naman yun. May masasabi na akong process kasi ihahatid niya ako. Tama na muna yun, bahala na ulit sa susunod na araw.
Sasabihin ko na sana nang biglang tumunog ang phone ko. Sumulyap siya dahil doon. Akala ko yung phone na pang office yung tumunog, pero hindi pala, yung talagang phone ko ang tumunog. Pareho kasi yung sinet kong ringtone.
Napaayos ako ng upo nang makita ko ang pangalan ni Madam Anastasia. Hindi ko alam kong sasagutin ko, pero ayoko namang hindi iyon sagutin. Sumulyap muna ako sa boss ko na ngayon ay seryoso nang nakatingin sa harap niya habang nagmamaneho.
"Hello," mahinang sambit ko. Pinilit kong hinaan iyon para hindi marinig ng boss ko.
"Ang sabi ko ay gawin mong lalake ang anak ko, hindi ang samahan siya sa parlor!" Napapikit ako. Alam niya agad? Kakaalis lang namin doon at alam niya agad?
"Sorry po, hindi ko naman po alam na doon ang pun--" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Sa ngayon ay hindi yan ang pangunahing gusto kong sabihin, but if I see you these days, be ready to your explanation," naging malumanay na ang pagkakasabi niya, hindi katulad kanina.
"Yes po. Ano po ba 'yon?" tanong ko
"I know my son, kahit bakla siya gaya ng palagi niyang pinapakita at sinasabi ay alam kong ihahatid ka niya, don't say your true address," sambit niya
"Bakit po?" naguguluhang tanong ko. Pahina ng pahina ang pagkakasambit ko, takot na baka marinig ng boss ko.
"Only your name is true. What is written on your paper is that you graduated from one of the best schools in the Philippines. I also put there that you are not as poor as a rat. You have your apartment, to stay. Your parents are in the US."
"P-Po?" gulat kong sambit.
Muntik na akong mapasigaw nang marinig ko iyon. Kong ganoon ay kasinungalingan lahat? Maliban sa pangalan ko. Bakit kailangang isinungaling ang ganoong bagay?
"Pero bakit po kailangang ilihim?"
"Think about it, magtataka siya pag nalaman na isang babaeng walang pinag aralan ang secretary niya. Hindi pipichuging companya ang pinag tatrabahuan mo, hija. Kong hindi ko lang nais na maging tunay na lalake ang anak ko ay hindi ako kukuha ng secretary na walang natapos."
Wala na akong ibang naintindihan sa sinabi niya, ibinaba ko ang phone ko nang marinig ko ang pagkaputol ng linya. Kaya ba hindi na question ang pagkapasok ko sa companyang 'to, kahit na hindi ako nakapag tapos ng pag-aaral? Kaya ba hindi nagtaka ang boss ko at hindi ginamit iyon para paaminin ako?
Patong patong pala ang kasinungalingan ko. Napangiti ako ng mapait, hindi ako ito. Hindi ko kayang manloko ng tao tungkol sa pagkatao ko, pero shempre wala akong magagawa. Napabuntong hininga ako.
Naramdaman ko ang pagsulyap niya dahil doon. Napaayos ako ng upo at nangapa ng sasabihin.
"Addres? Faster, lalakas pa ata ang ulan!" inis na sambit niya.
"Sa ano na lang, Sir. May ano... naiwan pa ako sa office, doon na lang po muna ako. Mag cucummute na lang po ako pauwi," hindi ako makatinging sambit ko.
Sumulyap muna siya bago tumango.
"Mag cocommute o magpapasundo sa lalakeng yun? Tsk!" sambit niya, pero hindi ko gaanong narinig. Napasulyap ako sa kanya dahil doon.
"May sinasabi ka, Sir?" Imbes na magsalita ay mas binilisan niya ang pagpapatakbo ng kotse. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako. Ngayong tinitignan ko siya na seryosong nag dadrive, para siyang lalakeng lalake.
Iisipin mong lalake siya pag ganito siya ka seryoso, huwag mo lang titignan ang pintura sa kamay niya dahil talagang mapapa isip ka kong ano ba talaga siya.
Lumakas ng lumakas ang ulan hanggang sa makarating kami. Mabilis akong nagpaalam. Hindi ko na siya hinintay na magsalita at tuloy tuloy na pumasok. May iilang empleyado pa doon at siguradong na stranded sila.
Bigla akong nagsisi na dito tumigil, medyo bumabaha na din kasi.
Pumasok ako at nag tago para tignan kong naka alis na ba ang kotse niya. Nakahinga ako ng malalim nang umandar ito at umalis. Ilang minuto saka ako lumabas, pero nagulat ako nang medyo tumaas na ang baha. Hala, paano ako makaka uwi nito?
Narinig ko din sa iba na magpapalipas na lang sila ng gabi sa isang hotel malapit.
Titigil naman siguro ang ulan. Hindi naman siguro hanggang bukas 'to. Hihintayin ko na lang humupa. Nanlumo ako nang isara na ng security guard ang pinto. Wala akong nagawa kundi maupo sa gilid, sa gilid na medyo nauulanan.
Tinaas ko ang kamay ko para damhin ang patak ng ulan. Nababasa na ako, ganoon din ang ilang taong naiwan dito.
Nagulat ako nang biglang may pumunta sa harap ko. Ang masama na titig niya ang unang nakita ko.
"Ikaw! Anong bang meron sayo!" Inis niyang sambit at bigla akong hinila para tumayo. Tatanungin ko sana ang ibig niyang sabihin, pero mas nagtataka ako kong bakit siya nandito.
Nakasando siya ng panlalake at naka jersey short. Hindi ako mapakaniwalang lalakeng lalake siya sa suot niya. Oo at lalakeng lalake din siya pag nakasuot ng pormal na damit, pero iba ngayon, bakat na bakat ang matigas nitong mascle. Hindi aakalaing bakla ang lalakeng 'to na kagagaling lang sa parlor.
"Sir? Bakit ka nandito?" tanong ko, pero hinila niya lang ako at naglakad.
"Sir? Saan tayo pupunta? Sir?" Hinarap niya ako at tinignan ng masama.
"Nakikita kita mula doon," sabay turo sa building na medyo malayo, kaya namang lakarin, na nasa kabilang kalsada lang. Condo unit iyon. "Anong akala mo sa'kin? Walang puso? Balak mo bang magpalipas ng gabi doon!?"
Kong ganoon ay isa doon ang condo niya? What? So doon lang siya pumunta kanina? Sana hindi niya nakita ang ginawa kong pagtago kanina!
"Hinihintay ko lang naman na tumila, Sir," mahinang sambit ko.
Hindi siya nagsalita at muli akong hinila. Tumawid kami kahit na hanggang tuhod ang baha. Sana lang ay hindi mabasa ang importantemg bagay sa bag ko. Kahit may payong kasi ay nauulanan pa rin ako, hindi kami kasya sa payong niya.