Zachary's POV
Sinulyapan ko ang cellphone ko papasok sa condo, para tignan kong may bagyo ba. Nagpakawala ako ng hangin nang makitang may bagyo nga.
Ibinulsa ko ang phone ko nang makalapit sa pinto, nilagay ko ang pass code ng condo ni Zeyo. Yes, nasa condo ako ni Zeyo, nalalakad lang ang condo niya sa company kaya naisipan ko ng magpalipas ng gabi dito.
Kong hindi lang dito sa office nagpahatid ang secretary ko ay hindi ako dito matutulog. Madalang itong ginagamit ni Zeyo at buti na lang at hindi pa niya pinapalitan ang pass code. Alam naman ni Zeyo na dito ako natutulog pag ayaw kong umuwi o may emergency.
Tinext ko na lang siya na doon ako matutulog ngayon dahil tumataas na ang baha at hindi pa tumitigil ang ulan. Habang naghihintay ng reply niya ay dumeretso na ako sa banyo para maligo. Naisandal ko ang ulo ko sa pader nang pumasok sa isip ko ang babaeng iyon.
Para akong sira nang biglang mapangiti habang hinahayaang maglakbay pababa sa katawan ko na galing da shower. She's cute when sleeping. While staring at her, I couldn’t help but caress her cheek and especially her lips, f**k! This is insane!
Kanina nang bigla niya akong itulak dahil sa paghaplos ko sa labi niya, hindi ako nainis. Para akong tanga dahil imbes na mainis dahil sa biglang pagtulak niya sa akin ay hindi. I find her cute again, the way she put her hand on her lips because of shocks. Damn! How can she be cute, pretty, and hot at the same time?
Unti unting nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ang kausap niya sa cellphone. Sino yung kausap niya? 'Yung lalake? Kaya ba imbes na sa bahay nila ay dito siya sa office siya nagpahatid?
Kita namang wala siyang naiwan, nakita ko din ang biglang pagtago niya. Ano 'yon? Bakit kailangan niyang magsinungaling? Boyfriend ba niya 'yon? At natatakot siyang malaman ko dahil crush niya ako?
"f**k! You make me damn crazy woman." mahinang sambit ko.
Pinatay ko ang shower at lumabas. Kinuha ko ang phone ko sa sala at nakita kong may message si Zeyo.
Zheyo:
Geh
Napa iling na lang ako sa pinadala niyang mensahe.
Lumapit ako sa babasaging bintana, kitang kita ang mga taong nakaupo at naghihintay tumigil ang ulan. Sa tingin ko ay bukas na sila makaka uwi, madaling araw pa titigil ang ulan, yun ang nabasa ko kanina sa phone ko. Pinagpatuloy ko ang pagpunas sa buhok.
Tatalikod na sana ako nang mahagip ng mata ko ang babaeng nakataas ang kamay sa ere na para bang dinadamdam ang patak ng ulan.
Sinubukan ko siyang hindi pansinin, but damn! Plano ba niyang mag hintay din doon?! Asan yung lalakeng nag hatid sa kanya!? Sinulyapan ko ang baha, paano siya susunduin ng lalakeng iyon kong medyo mataas na ang baha, naka motor lang ang lalakeng iyon!
"Bakit ko ba 'to ginagawa?" wala sa sariling tanong ko nang makita ko ang sariling naglalakad papalapit sa kanya habang hawak ang payong.
Masamang tingin agad ang ipinukol ko sa kanya. Nagulat siyang tumingin sa akin.
"Sir? Bakit ka nandito?" tanong niya, pero hinila ko lang siya agad at naglakad.
"Sir? Saan tayo pupunta? Sir?" Irita akong humarap sa kanya. Bakit ba hindi na lang niya hintayin na makapasok kami sa condo bago siya magtanong! Mababasa kami ng tuluyan pag sinagot ko pa ang tanong niya!
"Nakikita kita mula doon," sabay turo sa building na medyo malayo, kong nasaan ang Condo unit ni Zeyo. "Anong akala mo sa'kin? Walang puso? Balak mo bang magpalipas ng gabi doon!?" Inis na bulyaw ko. Plano ba niya magkasakit! Wala bang utak ang babaeng 'to!
"Hinihintay ko lang naman na tumila, Sir," mahinang sambit niya. Muli ko na lang siyang hinila at tumawid kahit na hanggang tuhod na ang baha.
Gillian's POV
Tutuloy ba ako? O hindi? Tutuloy ako o hindi. Kanina pa nagtatalo ang isip ko kong papasok ba ako sa loob ng condo unit niya.
Nang maramdan na hindi ako sumunod sa kanya pag pasok ay sumulyap siya sa akin. Nakakunot ang noo niya. Humarap siya sa akin at nagpamaywang.
Mabilis akong nagsalita nang mapansin na ready nanaman siyang bulyawan ako.
"Sir, bakla ka diba?" Napapikit siya at sunod ay tinignan nanaman ako ng masama. Tinuro niya ako at ready na ulit magsalita nang unahan ko ulit siya. "Naninigurado lang po," sabay ngiti ko at pumasok na. Nilagpasan ko siya habang nakalutang sa ere ang kamay niya dahil sa pagturo niya kanina sa akin.
Teka? Eh, diba mas okay nga 'to? I need to seduce him, pero sa pagpasok palang sa condo niya ay nagdadalawang isip na ako, paano pa kaya ang sinabi ni Madam Anastasia na ibigay ko ang sarili ko?
Nakaramdam ako ng lamig nang makapasok ako. Mas malakas na kasi ang aircon sa loob ng condo niya at dahil basa ako ay nanoot ang lamig. 'Di nagtagal ay sumunod din siya. Pumasok siya sa isang pintuan.
Nang lumabas siya ay magtatanong sana ako, pero-
"Si--" pinigilan kong ipakita na naiinis ako sa ginawa niya. Relax, Gillian, kong hindi siya nagmabuting loob ay baka nandoon ka pa rin sa labas at nauulanan.
Tinanggal ko sa mukha ko ang hinagis niyang puting tuwalya. Hinagis niya iyon sa mismong mukha ko kaya natigilan ako sa pagtatanong. Walang modo ang baklang 'to!
"Maligo ka na, bakat yang bra mo," sambit niya nang hindi tumitingin. Namula ako nang masulyapan iyon.
Ang laswa kong tignan! Maikling skirt at manipis na white blouse! Bakat na bakat nga ang red na bra ko dahil sa pagkabasa kanina.
Mabilis sana akong papasok sa tingin kong banyo, pero muli akong natigilan. Bago humarap mulo ay sinigurado kong hindi na niya makikita ang bakat na bra ko. Nilagay ko ang puting tuwalya sa harap ko para takpan iyon.
"Sir," tawag ko. Naiirita siyang tumingin sa akin.
"What is it again, Secretary Gillian!" napanguso ako. Bakit ba ang init ng ulo niya!
"Wala po kasi akong dalang damit," mahinang sambit ko.
Sumulyap siya sa akin at biglang sumandal sa sofa. Sunod ay tumayo siya at pumasok muli sa pinasukan niya kanina. Napayakap na din ako sa sarili ko dahil sa lamig.
Hindi nagtagal ay lumabas din siya at gaya ng tuwalya ay bigla niya ulit iyon hinagis sa mukha ko ang damit na binigay niya. Hindi na ako nag reklamo pa sa ginawa niya, mabilis na akong pumasok sa banyo.
Tama nga ako, banyo nga iyon.
Zachary's POV
Nang makapasok siya sa banyo ay napasabunot ako sa ulo ko. Sa office at sa kotse ay subra na ang pagtitis kong huwag sunggaban ang labi niya, dito pa kaya? Damn!
"Tukso layuan mo 'ko," napapikit ako nang maalala ko ang itsura niya kanina. Tumutulo ng kunti ang tubig na mula sa buhok niya dahil na din nabasa siya kanina sa ulan at bakat na bakat ang bra nito. Kitang kita ko ang kurba at ganda ng katawan niya.
"Woah, Zachary, alalahanin mo bakla ka dapat sa paningin niya. Don't do something na pasisisihan mo," mahinang sambit ko sa sarili at nagsimula nang mag push up.
Mas binilisan ko ang mag push up nang marinig ang tunog ng tubig, mukhang naliligo na siya.
"Relax, Zachary. Hindi ikaw 'to. Hindi ikaw yung uhaw sa labi ng babae. Sila ang uhaw sayo, hindi ang ikaw ang uhaw," para na akong baliw habang kausap ang sarili.
Tumayo ako at lumapit sa kusina para kumuha ng maiinom. Mabilis kong nilagok ang isang basong tubig at muli ko pang nilagyan ng tubig para inumin ulit. Hindi pa ako kumakain, pero sa tingin ko ay mabubusog na ako sa simpleng tubig lang.
Napakalakas na ng aircon, pero hindi ata tunatalab sa akin. Pinagpapawisan ako kahit na pinakamalakas na iyon. Lumapit ako sa lababo at nag hilamos. Huminga ako ng malalim.
Bumalik ako sa sala, pero napabalik ulit sa kusina nang muli kong narinig ang lagaslas ng tubig. Kong ano ano na pumapasok sa isip ko. Binalikan ko ang tubig at uminom ulit ng isang basong tubig. Mabubusog na talaga ako ng tubig nito!
Mabilis akong naglakad at ginawa ko ang lahat para hindi ko matignan o masulyapan man lang ang pintuan ng banyo. Dire diretso lang ako hanggang sa makapasok sa kwarto ni Zeyo. Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok na ako dahil hindi ko na naririnig ang lagaslas ng tubig.
Napasulyap ako sa kama at halos mapaupo ako nang maalalang iisa lang pala ang kwarto at kama dito. Wala ding ibang kumot maliban sa nasa kama.
Dahil hindi gaanong ginagamit ni Zeyo ang condong ito, walang gaanong gamit. Buti na lang at may damit si Nheya dito, baka pag nagkataon na wala ay roba lang ang isuot niya at tuluyan na akong mabaliw.
Pero sa ngayon hindi iyon ang problema. Ang problema, iisang kwarto, iisang kama at iisang kumot. Hindi naman pwedeng isa sa amin sa sofa, walang kumot na gagamitin, pero pag nagkataon ako na lang siguro sa sofa.
Hindi ako pwedeng matulog katabi niya at baka hindi lang tulog ang magawa ko. Hindi pwede.
Makakatulog naman siguro ako sa sofa. Sofa? Damn! Hindi nga nakakalahati yung katawan ko doon! Damn you, Zeyo! Kasalanan mo 'to! Ang yaman mong tao ang liit ng sofa mo!
Tama nga siguro ako, nababaliw na ako.... Pati ang ibang tao sinisisi ko na. Nakakainis!
Pagod akong lumapit sa kama at napahiga. Tumitig ako sa kisame. Bakit sa akin pa nangyare 'to? Napasulyap ako kong nasaan ang alaga ko. Gising na gising nanaman ang alaga ko. Napadaling ako dahil sa inis at irita. Bahala na, basta kailangan ko lang isipin na bakla ako at kong bakit ko 'to ginagawa.