Gillian's POV Iba talaga ang mayayaman. Sa paliguan lang ay subra na ang ginastos. Subrang lawak ng paliguan na nasa harapan ko ngauon. Pwede na 'tong kwarto, subrang lawak na nga para sa kwarto. May bathtub din ito at kompleto ang kailangan. Tinignan ko ang reflection ko sa salamin. Hindi ako nababagay sa ganitong lugar. Bumuntong hininga ako dahil sa naisip. Imbes na mag over think pa ay naghubad na ako para makaligo. Eto ang pinakaunang beses na maliligo ako sa shower. Hindi ako maipagkakailang masaya ako. Masaya ako sa pansamantalang pakiramdam na ito, pero shempre hindi ako umaasa na masusundan pa ito. Hindi na ako nagtagal sa paliligo, tinapos ko agad dahil sayang ang tubig. Makikituloy na nga ako, pero mag-aaksaya pa ako ng tubih. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Sunubuka

