Hingal na hingal kami pareho ng bitawan niya ang mga labi ko.
“Now,can you answer my question?”sabi niya habang pinagdikit niya ang mga ilong at noo namin.
“Eh,wala kang paki noh” sagot ko sabay padyak ng paa at tulak sa kanya pero di niya ako binitawan.
“Let go!! Ano ba?” Inis ko ng sabi dahil kahit anong tulak ko ayaw talaga at mas lalo pa niya akong hinapit sa baywang,ngumiti siya habang nakatingin sakin kaya inirapan ko siya na mas lalo lumaki ng ngiti niya.
“Okay,no answer then we will stay like this for the rest of the day” ani niya na kumikislap ang mga mata sa kalukuhan.
“Bakit ba kasi anong bang problema mo ha at pati buhay ko pinapakialaman mo” inis kung sabi.
“Hmmm, I miss you” bulong niya na nagpatindig ng mga balahibo ko sa batok saka bumilis na naman ang t***k ng puso ko.
“Haay iwan ko sayo,bitaw na dahil may gagawin pa ako sa kitchen”ani ko,tinitigan niya ako ng ilang segundo,iba’t ibang emotion ang dumaan sa magandang mga mata na yon pero di ko naman alam kung ano o para saan yon.
“Can I go with you in the kitchen?” Tanong niya na napa arko ng kilay ko.anong gagawin ng isang doctor sa kusina?.
“Bakit? Hindi OR ang kusina,at saka wala ka bang pasok ngayon at andito ka nag aaksaya ng oras mo imbes na matulog o pahinga?” Mahaba kung sabi saka tinulak ko siya ng maramdaman ko lumuwag ang yakap niya sakin,naglakad ako papunta sa upuan ko para kunin ang hut ko.
“Tsk!,fine! I’ll go now kasi ayaw mo na andito ako”tunong nagtatampo sabi niya kaya nilingon ko siya na seryuso look na naman siya.
“Sige,ingat ka” ani ko sabay bukas ng pinto para sa kanya.nalukot naman ang gwapo nitong mukha sa ginawa ko pero napilitan na itong lumabas dahil nakita niya na nakaayos na ako.
“ i’ll pick you up later”ani niya bago nag lakad palayo. binati pa siya ni Raquel ng magkasulubong sila.
——
Paalis na ako ng may humarang sakin na isang lalaki na nasa late 40’s yata ang edad.
“Magandang gabi po ms Eloisa”nagulat pa ako dahil kilala niya ako.
“Ho?bakit niyo po ako kilala?” Tanong ko.
“Ah eh,napag utusan po ako ng ihatid kayo pa uwi dahil di po makamarating si sir John,”pagka banggit niya sa pangalan ng mokong na yon alam ko na agad na ito yong driver nila pero dahil ko naman siya kilala kaya nilagpasan ko siya.
“Sorry po kuya pero ok lang ako,umuwi ka na po” ani ko na binilisan ang paglalakad paalis.
“Eh maam,baka po mawalan ako ng trabaho pag di ko kayo nahatid ng ligtas”sagot niya sa likuran ko.napa hinto ako at lumingon sa kanya,nakita ko na may tinatawagan na siya sa phone.
“Ito po tinatawagan ko si sir para po maniwala kayo”ani niya at mayamaya lang may sumagot na parang kagigising lang,napatingin naman ako sa relo ko 9pm na kagigising lang?
“Hello po doc,ayaw po magpa hatid ni ms Eloisa sakin natakot po yata dahil di niya ako kilala”sumbong ko ni kuya,ni loud speaker niya pa ito. “Let me talk to her Aldo”
“Doc naka loud speaker po yan”
“Hey baby,let aldo bring you home,its getting late” sabi niya na may kasamang pag ubo kaya nagtaka ako,may sakit ba siya eh maayos pa naman siya kanina ah.
“Ok” maikli kong sagot para matapos na ang usapan.
“Good,see you soon baby,be safe” ani niya saka pinatay ang tawag pero bago yon marami pang pag ubo ang narinig ko.
“Tayo na po ms sa sasakayan?” Aya ni kuya sakin.
“Kuya May sakit po ba si John?” Tanong ko ng sumunod sa kanya papasok ng binuksan niya ang pinto ng kotse.
“Opo,ganon po yon pag may sakit ayaw umuwi ng mansion kasi ayaw niya na mag alala si madam sa kanya.”sagot ni kuya na nag umpisa na mag maneho.
“Mag isa lang siya doon sa bahay niya?” Gulat kung tanong,
“Opo,may naglilinis naman po doon every other day po pero ayaw ni doc ng stay in helper”kwento niya.hindi ko malaman ang nararamdaman pero nag alala ako sa mokong na yon.
“Kuya alam niyo pi kung saan ang bahay niya?” Tanong ko kay kuya na tumango naman.
“Hatid mo nalang po ako doon kuya,”sa hindi ko malaman dahilan ay yon ang lumabas sa bibig ko.
Huminto kami sa isang napakataas na building actually tatlong magkatabing building ito na may pangalan JAR TOWER.
“Andito na po tayo maam,pinag buksan ako ng pinto ni kuya at hinatid sa may elevator.
“Ms,hindi na po ako sasama sa taas dahil kailangan ko pa rin po umalis dahil sunduin ko pa sila madam sa party” ani niya saka pinindto ang up button.
“Salamat po kuya,ingat po kayo sa biyahe” ani ko bago mag sara ang pinto.mag taxi nalang ako mamaya pa uwi bahala na.mayamaya huminto na ang elavator at bumungad sakin ang isang malawak na Sala puting marmol na tiles at brown sala set na may malaking tv ,medyo dim light ang ilaw na nagbigay ng napaka eleganting tingnan ng silid,nilibot ko pa ang mga mata sa paligid at nakita ko ang 6 seater na dinning table at magandang kitchen na meron itong napaka gandang kagamitan sa kusina.kaya napa wow ako sa nakikita kasi sa isang bahay mas gusto ko ang kusina ang pinaka maganda.busy ako sa kakaikot ng di ko napansin na may tao sa likuran ko.
“Am i hallucinating?” Ani ng boses na yon na may kasamang pag ubo.lumingon ako at nanlaki ang mga mata ko sa nakita.naka boxer short siya at walang damit pang itaas,magulo ang buhok at mapula ang ilong at ang gilid ng mga mata niya.
“Ay palakang nakahubad!”gulat ko pang sabi sabay takip ng mga mata.
“Ohh God, you are real! Really here” tuwang sabi niya sabay lapit sakin kaya napa atras ako.
“Wait! Diyan ka lang! mag damit ka nga muna” taas ko ng kamay na pinapahinto siya sa paglapit sakin.
“Ayaw mo non may free viewing ka na”tukso niya pa sakin kaya nainis ako.
“Grrrr,mag damit ka o aalis ako?” Ani ko sa kanya kaya napakamot naman siya sa ulo.
“Tsk,its my place, I can do whatever I want plus I can’t sleep with clothes on”ani niya na lumapit sa fridge para kumuha ng tubig.
“Okay sige alis na ako,” ani ko sabay lakad palayo pero bago pa ako makalabas ng kusina nahablot na niya ang siko ko at saka niyakap ng mahigpit kaya halos manigas ako sa ginawa niya.
“Please Stay with me”ani niya ,sasapakin ko na sana pero naramdaman ko na sobrang init ng balat niya kaya nawala ang inis ko kundi napalitan ng pag alala.
“Jeeeezzz your burning!,” sabay kapa ng noo niya, “teka nga lang ,kung makakapit ka para kang tuko”ani ko sabay tulak sa kanya,napangiti siya sa sinabi ko pero mas nagulat ako ng sumubsob siya sa leeg ko.
“Hmmmm, you smell so good baby”pabulong niya sabi kaya na nindig ang balahibo ko sa katawan dahil sa mainit na hiniga niya.
“Ahem,balik ka na sa kwarto mo at ihanda ko lang yong bimpo at lutuan kita ng lugaw”ani ko na tinapik siya sa balikat. Naglakad na siya pero hindi niya ako binitawan kaya napasama na ako papasok sa loob ng kwarto niya.nahiga naman siya doon saka nag kumot.