Chapter 11

1303 Words
John pov * Masaya ako at nakita ko si Lani, na miss ko talaga ang bestfriend ko at kinapa ko ang sarili ko kung mahal ko pa ba siya gaya ng dati or kung nasasaktan pa ba ako?. Napalingon naman ako sa katabi ko na bumuntong hininga,tahimik lang akong nag drive para ihatid siya,natawa ako sa binulong ni Lani kanina at sana totoo mukhang nagseselos yong date mo ani niya kaya di naan ko nalang sa tawa.pagkahinto ng kotse ko ay agad siyang lumabas ng sasakyan at nagmamadaling pumasok sa loob ng gate kaya naiwan akong tulala sa nangyari. What was that? Napahilamos na lang ako ng mukha. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya pero di siya sumasagot kaya nag type ako ng text. Hey baby are you okay? Why did you rush inside? Naghintay ako ng ilang minuto para sa reply niya pero wala kaya umalis na lang ako dahil madaling araw na. * Eloisa pov Nag linis lang ako ng katawan at pumunta ng kusina para kumuha ng wine.mahirap na baka di na naman ako makatulog. Pahiga na ako ng mapansin ko ang phone ko na may miscall at text,galing kay john pala pero di ko na binasa dahil hinihila na ako ng antok. Kinabukasan maaga pa ako nag bihis para maka uwi na ng pangasinan,wala sana akong balak umuwi ngayon kaya lang parang kailangan kong umalis ng manila para marelax ang utak ko.nagbilin lang ako kay Raquel ng mga dapat gawin habang wala ako. Hapon na ng dumating ako dahil halos 9 hours din ang biyahe ko dahil sa traffic sa may bandang Urdaneta. “Hi Atse, andito na sila mama at papa?” Tanong ko sa kasambahay namin. “Wala pa po mamaya pa daw sila 6pm dahil nagpa linis sila ng kusina” sagot niya habang naghahanda ng lulutuin. “Ah ganon ba?ano pala ulam natin ate?” Tanong ko na kumuha ng malamig na tubig sa ref. “Pakbet at inihaw na bangus”sagot niya na hinihiwa na ang mga gulay. Umakyat nalang ako sa kwarto ko at naglinis ng katawan kasi ang lagkit ng pakiramdam ko. John : Hey baby how are you? Text niya na naman sakin pero di ako nag reply bahala siya sa buhay niya. Alas sais nga dumating sila mama at papa,kaya ang saya ko na naman na makasama sila.sinabi ko na dito muna ako ng ilang araw dahil gusto ko silang makasama,kaya nag sabi din ako na sasama ako bukas sa çanteena ni mama. “Anak,okay ka lang ba?” Biglang tanong ni mama sakin ng susubo na sana ako ng pagkain,natigilan ako at napatingin sa kanya. “Opo naman po ,bakit niyo na itanong?” Ani ko sa kanila na parehong nakatingin sakin. “Wala naman,para kasing wala ka sa sarili,magsabi ka samin kung may problema ka” ani mama kaya tumango lang ako. “Hayaan na muna natin ang anak mo,malaki na yan”sabat ni papa kaya napangiti ako sa kanya. “Ay opo mama,papa”sagot na nakangit sabay pakita ng braso ko na parang macho.kaya nagtawanan kami lahat. * Isang linggo ako sa Pangasinan at ngayon araw lang ako babalik ng manila,gabi na ng makarating ako sa alabang. Kinabukasan maaga akong pumunta sa resto para kumustahin silang lahat.Ok naman ang sales at madami-dami ang costumer ngayon kaya medyo busy kaming lahat. “Umm chef may naghahanap po sa inyo sa labas” ani ng isa ko pang waitress,napahinto ako sa paghahalo ng ulam at pinasa ko kay kuya Rick ang ginagawa.dinala ako ni Anne sa isang table sa may gilid at nakita ko sila kuya kasama ang asawa niya. “Woi! Finally nakita rin kita” ani ni sharon sakin saka tumayo at niyakap ako. “Hi kumusta? Buti napadaan kayo” ani ko sa kanya at napatingin kay kuya na nakatingin din samin. “Mabuti naman kami,at nag crave ako ng octopus (Pulvo Guizado - octopus stew) na nasa menu mo,” ani niya kaya tumango lang ako. “Hi kuya,how are you” ani ko kay kuya at nag beso.di niya pa alam na kuya ko talaga siya. “Hey, I’m good,your place is pretty busy” puna niya na nilibot ang paligid sa mga kumakain. “Thank You, for visiting me but I will start making your order if you don’t mind?” Ani ko . “Umm can i come with you to your kitchen?” Tanong ni sharon . “Sure, tara?” Aya ko sa kanya kaya napatayo si kuya. “Wait sweetie, don’t think its a good idea,your pregnant” ani ni kuya kaya napangiti ako dahil nag pout na si sharon at parang iiyak. “Yeah but I want to see the kitchen”napa buntong hininga nalang si kuya saka umupo ulit. “Okay ,just be careful” pagsuko niyang sabi. Kaya pumasok na kami sa kusina at pinahanda ko ang mga lulutuin,maymaya lang pina serve ko na sa mga waitress kaya tuwang tuwa si sharon. Sumama pa ako para samahan siya sa labas pero natigilan ako ng makita ko kung sino ang kasama ni kuya sa table.mabilis nalang tumibok ang puso ko at parang di ko alam ang gagawin.akmang babalik ako sa loob ng kusina ng mag angat ng tingin silang dalawa samin dahil hila hila ako ni sharon sa kamay kaya wala akong nagawa kundi sumunod nalang sa kanya. “Woi andito si pangit” naka ngiti sabi ni Sharon habang pinipisil ang pisnge ni John.naiirita naman itong hinawi ni John ang kamay ni sharon. “Tsk, mapanakit ka talaga buntis ka,”ani ni John saka tumayo at tumingin sakin. “Hi Beautiful,where have you been?” Tanong niya na seryuso na ang mukha.napalunok naman ako ng laway saka nag alis ng bara sa lalamunan. “U-umm hi , um bu-busy lang sa trabaho”ani ko jeeezzz bakit ako nabubulol?. “John us Eloisa” agaw ni kuya sa attention namin kaya napatingin ako sa kanya,saka ngumiti. “Um sorry pero may gagawin pa kasi ako sa loob kuya”alibay ko para makaalis na dahil di ko kayang matatagalan ang presensiya ni John. “Oi Pangit umupo kana nga at kakain na” sabat ni sharon kaya nabaling ang tingin ni John sa kanya. Na upo naman ito ng tahimik at tumalikod na rin ako para makaalis na pero imbis na sa kusina ako pupunta sa opisina ako dumeritso at ni lock ang pinto. * Kitang-kita ko sila dito sa salamin na maganang kumain,tumawag ako sa kusina para bigyan sila ng free dessert na gawa ko kanina.gumawa na lang ako ng bagong menu para sa aming page dahil may naiisip akong e dagdag na menu na lately ko lang nagawa.ilang minuto din akong nakatutok ang mga mata sa screen ng laptop ko ng may kumatok sa pinto pero di ako gumalaw.mayamaya may mga boses akong naririnig sa pinto kaya napatingin ako sa gawi nila kuya pero wala na sila doon,tumayo ako para buksan ang pinto at di nga ako nagkamali kundi sila kuya. “Alis na kami Eloisa dahil inaantok na ako”paalam ni Sharon. “Ah ganon ba? Salamat sa pagpunta, pasensiya na at busy talaga ako”sabi ko sa kanya. “Sige alis na kami,see you later” ani naman ni kuya ang akay na ang asawa.nagtaka naman ako ng di kumilos si John kundi nakatayo lang siya sa harapan ko na seryuso ang mukha. “Umm may kailangan ka pa?” Tanong ko sa kanya “You didn’t answer my question earlier”sabi niya “Huh? Umm di ko na matandaan”sagot ko pero bigla niya nalang akong tinulak papasok sa loob saka hinapit agad ako sa baywang at isinandal sa dingsing at hinalikan sa labi kaya di agad ako nakakilos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD