akala ko aalis na siya pagkalabas ni Raquel pero nanatili lang siya naka upo doon sa upuan ng ilang minuto habang sinusundan ako ng tingin lahat ng galaw ko.
"staring is rude,umalis ka na marami pa akong gagawin"ani ko na hindi tumitingin sa kanya.
"mmmm,are you trying to push me away again?"sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"wala ka bang ibang gagawin kundi titigan ako dito hanggang gabi? hindi ako comportable kaya umalis ka na"ani ko sa kanya,tumayo siya na nakangisi sakin.
"well? i can't help it coz i love looking at you" nakangiti niyang sabi sakin kaya napailing na lamang ako.
"tsk bola! para sabihin ko sayo di mo ako madadala diyan sa mabulaklak mong dila" pairap kung sagot sa sinabi niya pero mas lalo pa siyang napangiti at humakbang papunta sakin.
"then let me show you what i am taliking about" hinapit niya ako bigla sa baywang at hinalikan sa labi kaya di ako nakagalaw dahil sa pagka bigla.pero ilang sandali lang ay tinutugon ko na ang mga halik niya sakin.
"ohhh -hmmnn"magkasabay naming ungol ni John.
"baby,we better stop while i can still hold it"ani niya ng bitawan niya ang labi ko habang habol ang aming paghinga.pulang pula naman ako dahil di ko akalain na halos isuko ko na sa kanya ang sarili ko sa tuwing halikan niya ako na para bang wala akong laban sa kanya.hindi to pwede mangyari,nahihibang ka na eloisa!ani ng utak ko.
Napasandal nalang ako sa may table ko dahil sa pangangatog ng tuhod ko kahit hawak niya pa rin ako sa baywang.
“Ummm aaah” yon lang ang nasabi ko dahil di ko alam kung ano ang sasabihin.
“Your blushing baby, get ready later i will pick you up at 6pm” ani niya habang caressing my cheeks with his fingers while looking at me intently.
“Why? Where are we going?” Tanong ko sa kanya.
“Umm its just family dinner,and mom told me to bring you” ani niya kaya napataas ang kilay ko dahil kung hindi pala utos ng mama niya di na ako isasama?why hurt ka?tanong ng utak ko.
“Umm sorry but i can’t, I have a lot of things to do still” tanggi ko sa kanya saka tumalikod para maupo ulit sa upuan ko at nag kunwari na may hinahanap sa drawer.
“I won’t take no for an answer,I will pick you up” napasimangot nalang ako sa kanya pero ang kumag ngumiti lang sakin saka yumuko at kinantalan ako ng madiin na halik sa labi. “See you later baby,i have to go now” paalam niya sakin at lumabas na.nakita ko na kinuha niya ang laptop niya sa table kanina at samakay na ng saksakyan paalis kaya napa buntong hininga nalang ako. Jeezzzz anong nangyayari sakin bakit ganito nararamdaman ko pagkasama ko siya?
*
Dumating ng 5:30 si John,buti nalang at lagi akong may baon na damit dito sa resto kaya nagpalit lang ako ng isang simpling bestida na hanggang tuhod.malambot at malamig ang tela sa balat ko kaya hakab na hakab naman ito sa lahat curves ko kahit na medyo may pagka turtle neck style siya pero sleeveless kaya kitang. Kita ang balikat ko. Dahil likas na mapula ang labi ko kaya nag lipgloss lang ako at nag pulbo para di masyadong oily ang skin ko.sinalubong ako agad ni John paglabas ko ng office at hinapit sa baywang saka humalik sa pisnge ko kaya halos mamatay ako sa hiya dahil halos lahat ng costumer ay samin nakatingin.
“Hi baby,you are so beautiful” pabulong niya sakin “are you ready?” Tanong niya na hindi pa rin ako bininitawan.
“Umm wait lang may ibibilin lang ako kay raquel” ani ko at saka tinawag si raquel.
*
Sa isang sikat na restaurant dito sa Taguig kami pumasok at nakita ko na andito na silang lahat kasama sila kuya Jacob.
“Hi mom,dad” bati ni John sa magulang
“Hello po sa inyong lahat” bati ko sa kanila saka lumapit kina tita at tito para magmano.nagulat nalang ako ng hilain ako ni Sharon sa braso.
“Buti sinama ka ng pangit na to” naka pout niyang sabi sakin saka lumingon sa bayaw niya na nakasimangot.
“Ah eh” yon lang nasabi ko dahil pina upo na kami ni tita.lumapit naman si kuya jacob para alalayan ang asawa na maupo na sa tabi niya at ako naman pinag hila ng upuan ni John sa tabi niya.
Masaya kaming nag dinner na anim,kunting kwentuhan about sa buhay at siempre asaran na rin nina Sharon at John dahil pinaglilihian pala itong si John ni sharon.9pm na ng magpa alam si kuya jacob na uuwi na dahil ayaw daw niya na mapuyat ang buntis.kaya nagpa alam na rin akong uuwi na dahil bakal gabihin akong makasakay ng bus pa uwi.
“Salamat po tita sa pag invite sakin” ani ko saka humalik sa pisnge niya.
“Thank you din iha at nakapunta ka” hawak niya ang kamay ko na nakangiti,mayamaya lang may narinig kaming boses na tumawag kay John.
“Doc Rickman! Wow its nice seeing you” isang napaka gandang babae na kahit simpling bestida lang din ang suot nito pero sobrang sexy,medyo morena at mahaba ang itim nitong buhok na akala mo model ng shampoo.
“Lani? Wow ikaw nga!” Nakangiting sabi ni john sabay yakap at halik sa pisngi nong babae sa kanya.
“Hello po tita,tito” bati din nito kina tita saka nagbeso.
“Hello to you too anak,nako lalo kang gumanda at sumiksi? Hiyang ang hangin ng US sayo” biro ni tita na totoo naman,
“Naku tita kayo nga po parang di kayo tumanda ah” balik nito kaya natawa si tita.
“Hay ikaw bata ka di ka pa rin nagbabago,bulera ka pa rin” ani ni tita saka tumawa.
“Kailan ka pa dumating dito sa Pinas?” Tanong ni john at mukhang nakalimutan niya na ako na andito ako kasama niya.
“Ano ka ba 6months na ako dito,na busy lang kaya di ko nasabi sayo”sagot niya.
“Ayan tayo eh,” sagot ni john,
“Oi tek sino tong magandang dilag na kasama niyo?” Sa wakas napansin ako ng babae mukha naman siyang mabait pero di ko maintindihan ang sarili ko dahil close pala talaga sila ni John.
“Oh,this is Eloisa, and Eloisa this lady here is Lani— hi bestfriend niya” biglang sabat ni Lani saka ngumiti sakin at bumulong ito kay John na kinahalakhak ng huli kaya napangiwi ako.
“Hello po maam” polite kung bati kahit na gustong gusto ko ng umalis.
“Ay huwag naman maam dahil para akong matanda,mukha naman di nagkakalayo ang edad natin” ani niya na nakangiti kaya pinilit ko na rin ngumiti sa kanya.
Halos na out of place ako dahil busy na sila sa kwentuhan habang ako naman nakikinig lang sa kanila at doon ko din nalaman na may gusto pala si John dito kay Lani pero binasted niya ito.Panay lang ang tawa nila tito at tita dahil sobrang kalog pala ni Lani pero di ko makuhang makitawa sa kanila dahil sa kaalamang may gusto si John dito ay parang hinihiwa ang dibdib na di ko maintidihan kung bakit.
Sa wakas nahanap ko rin ang boses ko at nagpaalam na ako sa kanila na uuwi na.
Ayaw ko sanang magpahatid kay John dahil naiinis ako sa kanya pero dahil nga gabi na kaya pumayag na lamang ako, tahimik lang kaming bumibiyahe pa uwi.pagkahinto ng kotse niya sa harap ng gate namin di ko na siya hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto.
“Salamat sa paghatid sakin”ani ko at dalidali ng pumasok sa gate.