Chapter 31: Book 2

2048 Words

Mika “Ikaw ba ang bagong tagaluto rito?” tanong sa akin ng may edad ng lalaki. Nakasakay ito sa kabayo. Sa palagay ko ay nasa edad singkwenta na ito pataas. May mahabang balbas. Nakasuot siya ng long sleeve, masikip na pantalon at bota mga karaniwang sinusuot ng nangangabayo. “Opo, nirekomenda ho ako ni Nhor. Ako po si Mikay,” sagot ko. “Mikay, ako nga pala si Pablo. Just Tito Pablo, ‘wag naman Tatay, masyadong nakatatanda,” pabirong sabi pa niya. Tumango lang ako at nakitawa na rin. “Sige po, Tito Pablo.” “Oh, halika na at nang maipakilala na kita sa kanila lalo na kay Senyorito Rafael.” Kumabog bigla ang puso ko pagkarinig ko pa lang ng pangalan ni Rafael. “Sakay na,” sabi pa ni Tito Pablo nang ituro ang isang kabayo. “Naku po, ‘wag na po. Hindi ako marunong–” “Pasasamahan kita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD