Mika “Ano po’ng nangyari kay Rafa? Bakit siya umiiyak?” nag-aalala kong tanong nang makarating sa bahay. May tagapag-alaga siya na nanay-nanayan ko na rin na si Nanay Tildi. Nakita at kinupkop ko siya tatlong taon na ang nakararaan. Pagala-gala siya noon sa Santa Barbara para mamalimos. Inalok ko siya ng trabaho. Kaya laking pasasalamat ko na dumating siya sa buhay namin ni Rafa. Nakapag-umpisa ako ng karinderya, magaling din kasi ito magluto. Ang kwento niya sa akin ay namatay daw sa sunog ang mga apo niya kaya’t iniwan siya ng mga anak niya’t umuwi ng Maynila. “Kanina pa ‘yan umiiyak, Mikay. Hinahanap ka, kahit sinabi kong nasa bayan ka’t nag-aangkat ng paninda.” Ang bayan na tinutukoy ni nanay Tildi ay ang Santa Barbara, sentro kasi ito ng kalakal na nagmumula sa Maynila at iba pang k

