Jerome Para na rin akong namatay nang piliin ni Lalaine ang asawa niya kaysa sa akin na totoong mahal niya at nagmamahal sa kaniya ng higit pa sa aking buhay. Alam ng diyos kung gaano ko hiniling na sana namatay na lang ako noon. Na sana hindi na lang ako iniligtas ni Bruno, nang sa ganoon ay hindi ko na nakilala ang inosenteng dalagita na si Lalaine. Sa una pa lang ay nagustuhan ko na siya. Sino ba’ng hindi? Sa likod ng kaniyang maamong mukha ay nagtatago rin ang isang perpektong ina na handang protektahan ang anak. Nakuha siya noon dahil iniligtas niya ang mga kapatid. Maangas at palaban, tila walang puso sa unang tingin. Pero hindi ako sumuko upang kilalanin ang totoong siya. Minahal niya ako–nagmahalan kami. Subalit marami pa ring hadlang at isa na rito si Senator Ralph Ellis. Wal

