Chapter 20

1948 Words

Isang lingo ang matuling lumipas at ngayon nga’y nasa condo silang tatlo nina Lester at Rex para tumambay. Wala sina Jeffrey at Marc dahil parehong nasa school ang mga ito. Si Jeff ay sa Police Academy, samantalang si Marc naman ay sa Philippine Army Academy pumasok. Hindi niya maintindihan kung bakit doon napiling mag-aral ng dalawa nilang kaibigan, pero ano namang magagawa nila? Iyon ang nais ng mga kaibigan eh. “Hanep si Captain, luma-love life!” kantiyaw ni Rex sa kaniya habang binabalya-balya pa siya nito sa sofang kanilang inuupuan. Natatawa lang naman siya habang hindi ito tumitigil sa ginagawa nito sa kaniya. Maya-maya naman ay lumapit na si Lester sa kanila at inabutan sila ng tig-isang canned beer. Tinanggap naman nila iyon at agad na binuksan. “Ahhhh! Delicioso!” sabi ni Rex

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD