Chapter 61

2187 Words

“Hello Althea, anak,” gumagaralgal na sambit ng tinig sa kabilang linya.  “Ahm, sorry po tingin ko po nagkamali po kayo ng numerong tinatawagan,” pagsisinungaling niya rito.  Hindi pa siya handang makausap isa man sa mga magulang niyang nagtakwil sa kaniya noon. Sa loob nang mahabang panahon, wala siya ni isang salitang narinig mula sa mga ito.  Matapos siyang palayasin at itakwil ng kaniyang mga magulang, ni minsan ay hindi man lang siya hinanap o kinumusta man lang ng mga ito. Pati ang mga kapatid niya’y binawalan ng mga itong makipagkita o makipag-usap man lang sa kaniya.  Muli ang pagbangon ng galit at hinanakit sa kaniyang puso na parang kahapon lang nangyari ang lahat. “Anak, alam kong nagagalit ka pa rin sa amin, pero sana kausapin mo naman ako,” nagmamakaawang saad pa nito sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD