Napakaganda ng lugar na pinagdalahan ni Chino sa kanila. Napakalawak ng lupaing iyon na napapaligiran ng matataas na puno ng niyog at mangga. Sa gitna ng bakurang iyon ay nakatayo ang isang mansyon na may dalawang palapag. Ang mga bintana niyon ay yari sa capis, samantalang ang mga pintuan ay yari sa narra. Napapaligiran iyon ng makukulay na iba’t ibang uri ng mga bulaklak. Napapikit pa siya nang biglang umihip ang hangin at humalik iyon sa kaniyang mga pisngi. Napakasarap sa pakiramdam nang pagdampi nang malamig na simoy ng hanging iyon sa kaniyang mukha. Napapangiti pa siya habang ninanamnam ang masarap na pakimdam na iyon, hanggang sa mawala ang hangin. Naglakad si Althea palapit sa mansyon, at doon niya nakitang napapaligiran iyon ng fish pond na may makukulay ring mga isda. “Do

