Nakakunot ang noo ni Chino habang nakatayo sa likuran ni Althea. Kapapasok lang niya sa kaniyang mansiyon nang datnan niya roon si Althea na mag-isa habang tila may iniiisp. Nagulat na lang siya nang biglang magsalita ito at sabihing hindi puwede. Ano naman kaya ang hindi puwede? “Ano ang hindi puwede?” ulit niya sa tanong niya rito. Tila nagulat naman niya ito at halos mapalundag pa ito nang lingunin siya nito. Hindi siya sigurado pero parang hindi mapakali si Althea sa kaniyang harapan ngayon. Bigla rin itong dumistansiya sa kaniya saka naglakad palayo sa kaniya. Hahabulin sana niya ito para tanungin ngunit hindi niya iyon nagawa dahil baka magalit pa ito lalo sa kaniya. Nasundan na lang niya ito ng tingin, habang nagmamadali ito sa pagpunta sa silid na pinasukan nina Georgina at Pau

