Nagising si Chino na nanakit ang buo niyang katawan. Napangiwi pa siya nang mapahawak siya sa kaniyang ulo. Kinapa-kapa pa niya iyon at naramdamang may bendang nakabalot sa kaniyang noo. Napakunot-noo pa siya saka muling pumikit, pilit niyang inaalala kung ano bang nangyari sa kaniya. Muli namang nagbalikan sa kaniyang ala-ala ang naganap na banggaan, habang nagbabiyahe siya patungo sana sa bahay nila Georgina. May nag-over take sa kaniyang sasakyan, dahilan para kabigin niya ang manibela ng kaniyang sasakyan, upang itabi sana nang mawalan siya ng control doon at dire-diretsong bumangga sa barrier ng kalsada. Tinulungan siya ng mga pulis at dalawa pang lalake para ilabas ng kaniyang sasakyan, dahil hindi niya maikilos Ang kaniyang mga paa niya. Napamulat naman siya at tiningnan ang kan

