“All right Mr. Vicente, base on your x-ray, okay naman ang lahat. As you can see, okay naman ang bone structures mo at wala rin namang nakitang anomang damage sa muscles and nerves mo,” paliwanag ng doktor kay Chino matapos makuha ang result ng x-ray nito. Tiningnan na rin siya ng orthopedic para i-check ang kaniyang mga paa. Ayon sa mga ito, in just a couple of days, babalik din daw ang pakiramdam ng kaniyang paa at muli siyang makakapaglakad. “So, now, I will give you some medicines to help your body recover fast. And if you want, I can refer a physical therapist para mas mapabilis ang paggaling ng mga paa mo,” dugtong pa nito sa sinabi nito kanina sa kaniya. “Ahm, doc, sabi naman po ninyo, puwedeng ako na lang ang gumawa noon sa kaniya ‘di ba? Tingin ko po ako na lang ang magma-mass

