Chapter 66

2175 Words

“Wow! Dito ka nakatira Daddy? Bakit ngayon mo lang kami dinala rito ni Mommy?” namamanghang turan ni Paulo nang makarating na sila sa Casa Vielle. Nakasilip ito sa bintana ng sasakyan ni Lester, habang nanlalaki ang mga mata nitong nakatunghay sa mataas na building ng Casa Vielle. “Anak, hindi kay Daddy ang buong building na iyan ha. Isa lang sa mga unit diyan ang kila Daddy,” narinig naman niyang saad ni Althea sa kanilang anak. “Oo, anak, tama si Mommy. Pero hindi naman sa akin iyan, kay Tito Lester mo iyan, nakikitira lang si Daddy,” sambit pa niya sa kaniyang anak saka ito nilingon sa puwesto nito. Tumingin naman ito sa kaniya’t nakakunot ang noong parang nagtataka. “Wala kang bahay Daddy?” takang tanong pa nito sa kaniya. Tumawa naman si Lester habang ipina-park nito ang sasakyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD