Samantala, pauwi na si Georgina nang bigla siyang tawagin ng isa sa mga kasamahan niya. “Mamsh! May naghahanap sa iyo sa front desk,” anito sa kaniya. “Ayyy! Sino raw? Guwapo ba?” tanong niya rito habang isinusukbit ang kaniyang itim na shoulder bag sa kaniyang balikat. “Gaga! Hindi, magandang dilag,” tugon naman ni Louie sa kaniya. Bigla naman napataas ang isang kilay niya. Iisang magandang babae lang naman ang kilala niyang maghahanap sa kaniya eh. Pero imposible namang ito iyon dahil kasama ito ngayon ni Chino sa condo ng mga ito. “Hep! Huwag mo na akong tanungin kung sino, dahil hindi ko rin kilala kung sino siya,” awat ni Louie sa kaniya nang akmang tatanungin niya ito. “Hmp! Siya, pupuntahan ko na lang doon. Thank you beks!” sabi na lang niya rito saka siya naglakad nang palab

