THIS CHAPTER CONTAINS s****l ACTIVITIES. NOT SUITABLE FOR MINORS. READ AT YOUR OWN RISK! Kinagabihan, inaayos ni Althea ang kuwartong tutulugan nila, nang bigla siyang may maalala. Sa loob ng silid na iyon una niyang ipinagkaloob ang kaniyang sarili kay Chino. Saksi ang apat na sulok ng kuwartong iyon sa pagmamahalan nila ni Chino. Ang init ng yakap nilang dalawa habang dinadama ang katawan ng isa’t isa. Ang maalab at mapusok nilang pagniniig, ang ungol na pumupuno sa silid na iyon sa tuwing mararating nila ang paraisong tanging sila lamang ang nakaaalam. Lahat ng iyon ay unti-unting bumabalik sa kaniyang isipan, habang inililibot niya ang kaniyang paningin sa silid na iyon. ‘Gosh! Althea, iyon talaga ang naiisip mo girl?’ sita niya sa kaniyang sarili, saka marahas na ipinilig ang ka

