Chapter 78

2524 Words

Matapos kumain nila Althea, nagprisinta na si Georgina na maghugas ng kanilang mga pinagkainan. Hindi naman na sila kumontra lalo na’t ipinagtulakan pa sila nitong palabas ng kusina, kaya naman wala na silang nagawa kundi ang sundin ito at nagtungo na lang sa sala upang doon na hintayin ang kaibigan.  Nag-uumapaw sa kaligayahan ang puso ni Althea ngayong hindi na niya kailangan pang tikisin ang kaniyang tunay na nararamdaman para kay Chino. Masaya siyang kasama ito ngayon nang walang halong pagkukunwari.  “Wala ka bang schedule sa airline ngayon, Love?” maya-maya’y tanong niya rito. “Wala, bukas pa ulit ang reporting ko sa airline, kaya I’m all yours today,” tugon naman nito, sabay taas-baba pa nito ng kaniyang mga kilay. Agad namang nag-init ang kaniyang mga pisngi dahil sa sinabi nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD