Kinakabahan si Althea habang naglalakad silang papasok sa Grand Cayman Hotel. Para siyang nasa isang suspense movie sa kaniyang nararamdaman ngayon. Naka-ilang buga na siya nang malalalim na paghinga para lang pakalmahin ang kaniyang sarili. Pero tila ayaw kumalma ng kaniyang puso sa pagliligalig nito sa loob ng kaniyang dibdib. “Sis-mars, okay ka lang ba?” untag sa kaniyan ni Georgina, habang marahan silang naglalakad papasok sa bulwagan ng Grand Cayman Hotel. “Kinakabahan ako sis. Paano kung tama nga ang hinala natin? Paano nga kung may iba nang kinababaliwan si Chino?” nag-aalalang tanong niya sa kaibigan. “Tsk, ano ka ba sis-mars? Napaka-nega mo! Kaya nga tayo narito ngayon ay para malaman ang totoo, at kung sakali mang totoo nga ang mga hinala natin, ipapakita natin sa babae ni Chi

