Umiiyak si Althea na nagtungo sa kuwarto na inuukopahan ni Georgina. Sobrang sakit kasi ng kaniyang nadarama ngayon. Narinig niya kasi ang mga sinabi ni Chino sa kausap nito kanina sa telepono nito. Nakakasiguro siyang ang babaeng tumawag sa kaniya kanina ang tinawagan nito. Naiinis siya dahil wala naman siyang karapatang mandohan ito, dahil wala namang sila ni Chino. Isa pa, ‘di ba nga kasalanan naman niya kung bakit tila nagsawa na ito sa panunuyo sa kaniya? “Oh, sis-mars, bakit ka umiiyak?” tanong sa kaniya ni Georgina nang makapasok na siya sa kuwarto nito. Agad siyang nilapitan nito at mahigpit naman niyang niyakap ito at doon ibinuhos lahat ng kaniyang emosyon. “Hala siya, bakit ka ba umiiyak?” muling tanong nito habang hinahagod ang kaniyang likuran. “Sis, wala na akong pag-asa

