Hindi pa rin makaimik si Althea matapos niyang matuklasang wala siyang anomang saplot sa loob ng kumot na siyang mahigpit niya ngayong kipit-kipit sa kaniyang katawan. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Chino. Hindi siya makapagtaray rito dahil sa itsura niya ngayon. Kahit naman wala siyang maalala, alam niyang may namagitan sa kanila ni Chino. Haller! Kung walang tikimang nangyari sa kanila, bakit siya nakahubad ngayon sa loob ng kumot na iyon? ‘Gaga you self!’ kastigo pa niya sa kaniyang sarili. Muli siyang nataranta nang naglalakad palapit sa kaniya si Chino. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin, parang gusto na lang niyang lamunin siya ng lupa nang mga oras na ito sa sobrang kahihiyan. Kung bskit ba naman kasi wala siyang matandaan sa mga naganap kagabi sa kanila ni

