Buong maghapon lang na nagkulong si Althea sa loob ng kuwarto nila ni Paulo. Matapos nilang kumain ay nagdahilan siya sa mga itong masakit ang kaniyang ulo. Totoo naman iyon, dahil hanggang sa mga oras na iyon ay sumasakit pa rin iyon at hindi niya malaman kung dahil ba iyon sa kaniyang hang over, o dahil sa kaiisip sa kung anong nangyari sa kanila ni Chino kagabi? Napabuntong-hininga pa siya habang nakahilata sa ibabaw ng kanilang kama ni Paulo. Nakatitig siya sa kulay light blue na kisame habang pilit pa ring inaalala ang mga nangyari kagabi. Kailangan niyang maalala iyon para manahimik na ang kaniyang isipan at kalooban. “Ano ka ba naman Althea, bakit ba wala kang maalala kahit na katiting sa nangyari kagabi? Ganoon ka ba kalasing para hindi maalala ang mga bagay na iyon?” sermon niy

