Hindi makapaniwala si Althea na muli niyang nalalasap nang mga sandaling iyon ang matamis na mga labi ni Chino at ang mainit nitong yakap sa kaniyang katawan. Pareho silang nanabik sa isa’t isa at hindi magkandatuto sa paghalik at pagyapos sa katawan ng bawat isa. Hanggang sa buhatin na siya nitong paharap sa kaniya upang dalahin sa kung saan, habang magkahinang pa rin ang kanilang mga labi. Pumasok sila sa isang silid na amoy pabango ng lalakeng nakahahalina sa kaniyang pang-amoy. Naglakad si Chino habang buhat-buhat pa rin siya nito, patungo sa bandang gitna ng silid na iyon. Nakakawit ang kaniyang mga paa sa baywang ni Chino, habang nakahawak naman ito sa kaniyang puwetan. Dahan-dahan siya nitong inilapag sa malambot na kama, habang magkahinang pa rin ang kanilang mga labi. Maya-ma

