“Okay, I’ll be there. No it’s okay. Thank you,” saad ni Chino sa kaniyang kausap sa kabilang linya ng telepono. Katatapos lang niyang maligo’t magbihis, nang tumunog ang kaniyang cellphone na kaniya namang sinagot agad. Nang matapos ang pakikipag-usap niya kay Lance— ang taong naka-assign sa paggawa ng mga schedule nila sa airline, agad niyang kinuha ang kaniyang mga gamit at mabilis na inayos ang mga iyon. Ayon kasi kay Lance, nagkaroon ng emergency ang isang pilotong dapat ay naka-schedule bukas ng umaga. Since siya lang ang posibleng puwedeng mag-relieve rito, siya ang tinawagan nito at kinausap kung available ba siya para sa flight na iyon. He said yes dahil wala naman siyang choice. Siya ang pinakabagong piloto sa Dreame Airline, kaya hindi pa siya makahindi sa mga ito. Anyway,

