Hanggang nang makarating sina Chino sa bahay ni Georgina ay hindi na sila nag-imikan pa ni Althea. Kahit hindi sabihin nito ang totoo, alam niyang iniiwasan siya ni Althea. Simula nang magising ito sa kaniyang silid kaninang umaga, ay ang dami ng dahilan nito. Kaninang ipinasyal niya sa maisan sina Georgina at Paulo, nagdahilan ito na masakit ang ulo kaya hindi na nila ito pinilit. Kaya nang makabalik na sila sa mansiyon at nakita niya ito sa kusina ay kinompronta niya ito. Ngunit kagaya ng kaniyang inaasahan, hindi umamin si Althea sa kaniya. Naging defensive ito sa pagsagot sa kaniya at naging mailap ang mga mata nito. Bakit imbes na mapalapit sila ay parang mas napalayo ito sa kaniya? Matapos nang mainit na gabing pinagsaluhan nila, para siyang may sakit kung iwasan ngayon ni Althea

