Niluwa ng van ang dalawang lalakeng may itim na mask, maskuladong katawan at matangkad. Hitsura at pananamit pa lamang ay mukha nang suspicious. Nabigla si Geanne, at hindi siya nakapag-react kaagad dahil naga-adjust pa siya mula sa hampas ng hangin na iyon. Ang dalawang lalakeng iyon ay dali-daling tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Geanne at bigla na lamang siyang sinuntok sa tiyan no'ng isang lalake. Labis na namilipit ang dalaga sa sakit, nagiba at nangiwi ang kaniyang mukha. It was the most painful pain she ever experienced in her damn life. Marahan siyang napaupo sa lupa nang dahil doon. The the other man took the opportunity. Kinuha niya ang panyo niyang may halong chemical at tinakpan ang bibig at ilong ng walang kalaban-laban na si Geanne. Unti-unting nawala ang malay ng dalag

