THIRD PERSON'S POINT OF VIEW The heartbeat was unexplainable. Nanlalaki ang mga mata ng dalaga dahil sa ginawa ni Zach. Ramdam niya ang pagdampi ng malambot na labi ng binata sa kaniyang labi. Ilang segundo siyang natigilan at tulala, she kept staring at his eyes with her shocked expression. "Sabi mo noon, the first man who would kiss you should be your husband." Katagang binitawan ng binata matapos na maisagawa ang isang nakaw na halik. Agad na napukaw ang galit sa puso ni Geanne. Bahagyang nakunot ang kaniyang noo matapos niyang hawakan ang labi niyang kabibinyag lamang. Maya-maya pa'y mas lalo nang nag-umapaw ang galit na kaniyang naramdaman, dahilan upang lumagapak ang kaniyang palad sa makinis na pisngi ni Zach. Leaving a red mark on his beautiful face. Yes, she slapped Zachary S

