bc

My Twin Flame

book_age16+
247
FOLLOW
1.5K
READ
drama
sweet
heavy
ambitious
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Elyxia Lyanne doesn't believe that in this existing world, It's rare to meet the person that exactly the same as you. Your other-half. Your mirror soul. Unexpectedly, she's one of the luckiest person to meet Alec Bren the person whom she considered as her Twin Flame.

chap-preview
Free preview
PRESENT
CHAPTER 1 I didn’t expect after 10 long years, I’ll be standing here again… It feels nostalgic. Time indeed flies so fast. I’m contemplating, thinking deeply and wondering, as I watched the sky’s turning dark and the moon slowly being visible. Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait, libo-libong alaala ang nanunumbalik. Narito rin ako noon, hinahangaan ang ganda ng karagatan, dinadama ang lamig na dumadampi sa aking balat at tinitingnan ang bawat paggalaw ng alon. Inikot ko ang paningin, mukhang masaya naman ang lahat. Kitang-kita sa kanilang mga ngiti kung gaano sila nabighani sa ganda ng Casa Alta. Sandali kong naisip, ilan na naman kaya sa kanila ang narito para tumakas sa realidad? Ilan kaya sakanila ang tunay na masaya at walang problema? Ang sagot ay hindi ko rin alam. Dahil sa katunayan, kayang itago ng ngiti ang tunay na nararamdaman. Sa isang buwan kong pagtatrabaho rito bilang supervisor ang dami ko na ring naririnig na dahilan kung bakit sila pumasyal at naparito. Lihim nalang akong napapatawa dahil wala naman akong pinagkaiba sa kanila, sinubukan ko ring hanapin ang sarili ko rito noon, ‘di ko alam dahil hanggang ngayon wari ko’y nawawala pa rin ako’t hinahanap ang mga bagay na tunay na makakapagpasaya sa akin at sinusubukang maging kuntento sa mga bagay na ginagawa at mayroon ako ngayon. Natututo na rin akong mahalin ang trabaho ko kahit na, alam ko naman sa sarili kong… hindi ito ‘yong pinangarap ko. “Ma’am Elyxia, ito na po ang file na kailangan n’yo. Sinigurado ko na pong ayos ang list ng reservations this month. The names and reservation dates are already doubled check po.” Napabalikwas ako sa katinuan nang narinig kong malakas na nagsalita si Maica, isa sa mga staff sa front desk. “I’m sorry, Maica. Kanina ka pa ba r’yan?.” Maikli kong sagot sa kanya. “Hindi naman po Ma’am. Mukhang malalim po ang iniisip natin ha? Huwag n’yo po akong kakalimutan kung gusto nyo pong may mapagsabihan ha.” Kahit kailan talaga ‘tong si Maica, s’ya ang dakilang usisera rito sa resort. Well, I like her personality. She’s jolly and caring. Nababawasan din ang pagod ko dahil sa mga staff na tulad n’ya dahil madalas sila ang nagpapagaan ng sitwasyon sa paligid. “Ayos lang ako, medyo pagod lang din. Thank you for the files, Maica.” Casual lang akong ngumiti sakanya. “Thankyou rin po, Ma’am. Hindi pa po ba kayo mamamahinga?” Nandito na po si Ma’am Hazel, s’ya na raw po ang bahala sa ibang gagawin. Ang sipag po talaga ng assistant n’yo.” “I’ll just check the list lang at magpapahinga na rin ako. Tell Hazel to go at my office may ibibilin ako sa kanya. Thank you, Maica.” In my one month stay here in La Union, everyday, I realized how lucky and blessed I am to be surrounded by these great and dedicated people. Because of them, mas lalo rin akong sinisipag i-accomplish ang trabaho ko. Hindi rin ako tatagal rito kung hindi ganitong klase ng mga tao ang kasama ko. Kinapa ko ang aking kwintas at sandaling tumingin sa buwan, hudyat itong tapos na ang araw at mayroong kinabukasang naghihintay. Maaga akong gumising para gawin ang mga natira ko pang trabahong hindi ko natapos kagabi. My usual morning routine is to checked if everything are running smoothly in the resort. The operations in the front desk and the guests who check in if they are assigned appropriately in their respective rooms. Gaya ng mga nakakaraang araw, ayos at normal naman ang Casa Alta. Dahil natapos ko rin agad ang mga dapat kong gawin, pumunta ako sa likod upang kumuha ng gamit pang linis. Tumutulong ako sa housekeeping team lalo na’t kung may libre akong oras. Alam ko ang hirap nila dahil sa laki at lawak ng nililinis nila araw-araw. Sa cafeteria ako maglilinis, gaya ng nakagawian. “Goodmorning Ma’am Ely, kami na ang bahala r’yan. Marami raw ho kayong tinapos kagabi.” Si Mang Nilo, isa sa pinaka masipag na stuff sa resort. “Magandang umaga rin, Mang Nilo. Ayos lang at libreng oras ko na ito. Wala na akong ginagawa.” Tipid lang akong ngumiti sa kanya at nagpatuloy na ako sa paglilinis. “Sige po Ma’am, pag may kailangan po kayo tawagin n’yo lang po ako.” Nagpatuloy na rin siya sa pag lilinis n’ya. Nagwawalis lang ako sa harap ng cafeteria. Wala pang masyadong tao dahil maaga pa, pero ang iba ay narito na para kumain ng agahan. May grupo ng magkakaibigan ang papasok sa cafeteria. They’re actually talking so loud and hyper in the morning. Seems they’re really having fun. “This is my 4th time here in Casa Alta, ‘di talaga ako magsasawang magpunta rito. Actually, I recommended this resort to my cousin. Mayroon kasi silang up-coming team building and they’re going to celebrate the success of Ynovis Automotive Industry.” “Wow, really? Kailan ‘yon Alexis? Makapunta ulit dito ng makita ko ‘yang hot mong pinsan.” “I think the event is this coming Saturday. You’re really crazy, babalik ka pa talaga rito para makita s’ya ha?” It’s not my intention to eavesdrop, masyado lang talagang malakas ang boses nila at masyadong rinig ang pinag uusapan nila. Pamilyar ang nabanggit n’ya. May kilala akong gano’n ang apilido. Ngunit di ako sigurado dahil hindi ko naintindihan ang huli n’yang sinabi. Ganunpaman, masaya ako sa t’wing inirerekomenda nila ang resort sa iba. Isa lang ang ibig sabihin nito, na successful at nagagampanan din ng mga staff ng maayos ang trabaho nila. At bukod pa rito, tunay namang walang makakatalo sa ganda ng resort. Tinapos ko na lang din ang paglilinis at pag aayos ko ng mga upuan sa cafeteria. Bumalik ako sa opisina ko, hindi ko na rin namalayan ang oras at magtatanghalian na pala. “Here’s your lunch, Ma’am. Tutuloy na po ‘ko ha.” Wala pa man ding minuto akong narito sa upuan ko, nag-abot na kaagad ng lunch ang assistant ko, si Hazel. “Sure, Hazel. Come in.” Pormal kong tugon sakanya. She greeted me with her wide smile, laging good mood ang isang ito. Hindi rin ito nauubusan ng energy sa maghapon. She’s really fit for the position and she’s obviously eager to learn in this field. Lagi lang din s’yang naka-antabay sa mga gawain ko rito sa resort. “Ma’am kumain na muna po kayo, mayroon po akong kailangan i-discuss sainyo after.” Maikli n’yang saad at lumabas na rin kaagad. “Okay, later. Thankyou, Hazel.” After an hour, Hazel is back in my office to discuss something. Naupo lang s’ya sa harap ng lamesa ko at nag usap na kami. “Ma’am mayroon pong naging changes sa reservation. Nag back-out po ang naka schedule sa sabado.” aniya “Is it the team building? Ano raw ang naging prolema?” Pag aalala kong tanong. Baka nagbago pa ang isip nila at di na tumuloy dito. “No, Ma’am. Actually sila po ang sumalo ng schedule. Sila Mr. Gomez po ang nag back-out dahil may biglaang problema raw po silang aayusin at hindi maitutuloy ang ganap nila. Re-schedule na lang daw po yung date ng sa kanila. Tatawag raw po sila sa atin.” Mahabang pagpapaliwanag ni Hazel. “Okay, I’ll call Mr. Gomez. Paki-contact na rin yung sumalo ng schedule sa sabado at ng maayos natin ang event hall sa 5th floor. And paki-tanong na if may mga personal silang bilin sa magiging set-up ng event hall. One day preparation, so by tomorrow need na natin mag-ayos.” “Noted Ma’am. Mag start na rin po kaming ayusin mga tables mamaya.” Naging busy ako ng buong maghapon sa resort. Abala ang lahat sa kani-kanilang gawain. Inaasikaso na rin ang event hall para sa darating na sabado. Gabi na ng matapos kami maglinis at mag ayos. Tinulungan ko na sila sa paglalagay ng mga lamesa at upuan. Bukas ay sila Hazel na ang bahala sa pagdidisenyo at pag lalagay ng mga karagdagang palamuti. Pumanhik na ako sa kwarto ko. Naligo lang ako sandali at ng matapos ay sumagot lang ako ng mga emails sa resort. Inaantok na ‘ko ng may tawag akong natanggap. Malawak akong napangiti ng makita ang caller. “Hey, Xander. What’s with the call this late night?” Excited kong sinagot ang tawag n’ya. “Hello,babe. I’ve missed you. When can I visit Casa Alta?” I really imagined this man playful smile right now. “It’s up to you, Xander. H’wag lang sana na busy ako, dahil nagtatrabaho ako no. Wala ako rito para magbakasyon.” Natatawang sabi ko sakanya. “Oh, the Ms. Independent and responsible Elyxia Lyanne Coronel is talking right there. Okay, I’ll schedule my visit. And why are you still up, huh? Are you still working and stressing yourself ? Sabi ko naman kasi sa’yo, accept my offer. Biruin mo, may guwapo ka ng mapapangasawa tapos hindi mo pa kailangang magtrabaho.” I hear him laughed hard. “Tigil-tigilan mo nga ‘ko sa ilang years mo ng offer, hindi ba na-e-expired yan? Magpapahinga na rin ako, Xander. Tell me when you’re going to visit, okay? Goodnight.” Nawala agad ang stress ko sa lalaking ‘to. He’s always checking me up at kapag may pagkakataon ay pinadadalhan ako ng pagkain sa trabaho. He’s there ever since. Hindi pa rin s’ya nagbabago s’ya pa rin ‘yong caring na Alexander na nakilala ko. “Goodnight, babe.” He ended the call. Napailing nalang din ako, sanay na akong tumatawag s’ya sa akin para mangamusta. He really made my night. Paniguradong mahimbing akong makakatulog ngayon. It’s Friday today. Natatanaw ko na ang papasikat na araw. Gumagayak na ‘ko dahil magiging busy ako ngayong araw sa dami ng dapat puntahang meeting kasama ang may-ari at stakeholders ng resort. I just wear a beige off-shoulder dress and stilleto. Naglagay lang din ako ng kaunting make-up para hindi ako magmukhang maputla. Maganda ang gising ko ngayon at wari ko’y magiging productive ako sa maghapon. Meetings after meetings, naging hectic ang schedule ko ngayong araw, parang ang libreng oras ko na lang ay ang sandaling break. Sigurado rin akong abala ang mga tao sa resort para sa paghahanda sa event bukas. Alas-otso na ng gabi ng makabalik ako sa resort, naging mahaba rin ang byahe mula sa Manila pabalik sa La Union. Sobrang tiring ngayong araw. Ganunpaman, alam kong marami akong natutunan sa mga pinuntahan ko. Ang daming nadagdag na kaalaman. It’s enough para mapawi ang lahat ng pagod na naranasan ko sa araw na ito. Hindi ko na rin nagawang pumanhik sa event hall dahil nagbigay naman ng update si Hazel na okay at natapos na raw nila ang lahat. May tiwala ako sa kanya, at sa buong staff ng resort kung kaya’t alam kong tiyak na walang magiging aberya kinabukasan. I woke up early in the morning. I just do my usual routine in the resort. Everything is going good. The people here are all enjoying the beautiful scene of Casa Alta. Mainit na salubong ang ibinigay namin sa mga bisita ngayong araw. Hindi ko na-meet ang pinaka head o ang chief executive nila dahil susunod daw ito sa gabi na. Nasa opisina lang ako maghapon at paminsan minsa’y bumababa ako para i-check kung ayos lang ba ang lahat and luckily, the operations in the resort are all running smoothly. “Ma’am Ely, Hazel here. Can I come in?”I hear her knocked the door. Taka akong maikling sumagot sakanya. “Sure.” Agad naman s’yang pumasok sa opisina ko. “Ma’am, invited daw po ang mga staff sa dinner mamaya ng event hall. Baka raw po gusto n’yo ring sumama mamaya, kung wala po kayong gagawin.” “Titingnan ko, susunod na lang ako. Anong oras ba?” Pagtatanong ko sakanya. Gusto ko ring sumama at ng personal din akong makapagpasalamat sa boss nila. Napangiti ang assistant ko “7 pm Ma’am. ‘Yon din po ang oras ng dating ng chief executive nila, ang nagpa-schedule ng team building ngayon.” Tumango na lang ako sa kanya at mabilis din s’yang lumabas. Mag aalas-syete na kaya gumayak na rin ako. I wear a simple black cocktail dress and I just put a right amount of make up in my face for me not to look pale. Sinipat ko rin ang ganda ng kwintas kong bumagay naman sa suot kong bistida. Gusto kong maging kaaya-aya at kumportableng tingnan. Ayoko namang masabihang ‘di manlang maayos ang supervisor ng Casa Alta no! Pasakay na akong elevator papanhik sa 5th floor. Papasok na sana ako ng mabilis itong sumara. Napakunot noo ako ng mapamilyaran ang lalaking sakay nito. Taka kong hinabol ng mabilis ang pagsara ng pinto ng elevator. Iniisip ko palang na ang lalaking matagal ng naninirahan sa isip ko at ag taong sakay ng elevator ay iisa, tila naninikip na ang dibdib ko. Kinalma ko ang sarili, pilit kong nilalabanan ang nasa isip dahil tiyak ay namalikmata at nagkamali lang ako. Hindi maari, dahil kung s’ya man ‘yon, ay hindi ako handa sa kanyang pagbabalik. Naging lutang ako ng ilang minuto at hindi ko namalayang nasa event hall na ako. Sumalubong saakin ang kulay itim at dilaw na mga telang napapalibutan ng mga lobo. Tunay na maganda ang ayos ng event hall. Ngayon ko lang ito nakita dahil kagabi ay hindi ko na ito nabisita. Iniikot ko ang mata ko upang hanapin sila Hazel pati na rin ang iba pang staff. Natagpuan ko sila sa kaliwang bahagi ng event hall sa harap kung saan malapit ang stage. Lihim nalang ako natawa ng maisip na akala mo sila ang bisita at nag team-building dahil sila ay nasa harapan pa. Lumapit na ako sa pwesto nila. Ngiting-ngiti nila akong sinalubong. Mayroon na pala silang inireserbang upuan para saakin. “Aba! Ang blooming naman ata ni Ma’am Ely. May pa-black dress yarn?” Natatawang ani Maica. Tinawanan ko nalang sila at naupo na ako sa upuang para sa akin. Umaayos at tumahimik na ang lahat ng nagsalita ang emcee. “Good evening everyone! On this day, we’re here to celebrate and acknowledge the efforts of the people behind the success of this Industry. Earlier, the team building activities happened and the main purpose of it, is to develop strengths and address weaknesses. By these activities, it surely encourage collaboration rather than competition.” Nakikinig lang ang lahat sa sinasabi ng emcee, sandali rin itong nagbigay ng oras para makakuha ang lahat ng pagkain. Kumuha lang ako nang kaunti dahil ramdam kong busog pa ‘ko. Nagsisimula na kaming kumain ng magsalita muli ang emcee. “Attention! I don’t want to interrupt your peaceful eating but, let’s introduce first the chief executive of the Ynovis Automotive Industry (YAI) the very hardworking and dedicated, Mr. Alec Bren Ynovis. Let’s give him a round of applause.” Kinikilig pang sabi ng emcee. Halos maibuga ko ang pagkain ko ng marinig ko ang pangalan na ‘yon, nawala ang atensyon ko sa pagkaing kinakain ko at agad na dumapo ang mata ko sa lalaking na sa harapan. Tinitigan ko lang s’yang mabuti habang hawak ang mikropono. Tama nga, hindi ako nagkakamali, s’ya ang nakita ko sa elevator kanina. Tama nga, s’ya ang tinutukoy ng babaeng narinig kong nakikipagusap noon sa cafeteria. Tila nadikit ang mga mata ko sakanya, kapansin-pansin ang pagbabago ng itsura n’ya. He really looks matured now and his well toned body now is indeed distracting . Malayong-malayo na rin noon sa kilala kong Alec. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa paligid. Wala nakong ibang marinig bukod sa baritonong boses nya na isa sa maraming dahilan kung bakit ako nahulog sakanya noon. ‘Di ko namalayang nag uunahan na pala sa pagtulo ang mga luha sa mata ko. Limang taon na ang lumipas matapos ang lahat. Masakit pa rin palang makita s’ya. Hindi ko pa rin pala kaya. Hindi maalis ang mata ko sakanya, gusto ko ng lumabas sa event hall dahil sa bigat ng nararamdaman ko pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Narinig kong tinawag ng emcee ang pangalan ko. Kinakalabit ako ni Hazel at tinatawag na ako ng mga staff na kasama ko sa table. Halatang nagtataka na ngayon sa iniaasta ko. “Ma’am tinatawag po kayo, supervisor daw po.” tarantang kinakalabit na nila ako dahil hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Alec. Nakatitig lang ako sa mga matan’ya, halata ang gulat sa mukha n’ya ng makita ako. Bahagya pang bumuka ang bibig n’ya marahil sa gulat ng mapagtantong ako ito, ang taong pinangakuan n’yang magiging kasama n’ya sa pag abot ng lahat ng pangarap n’ya. Nang sandaling gumalaw ang mga paa ko sa paghakbang, tumakbo na ako papalabas ng event hall. Kasabay ng pagtalikod ko sa kanilang lahat higit lalo sa taong sumira ng paniniwala kong s’ya na ang lalaking kalahati na ng buhay at pagkatao ko. But upon seeing him again after 5 years, nothing really changed. Mahal ko pa rin s’ya pero ayaw ko na maging parte pa ng buhay n’ya. “Xia.” Narinig ko ang malakas na pagtawag n’ya sa pangalan ko. Hindi ako lumingon at umaktong wala akong narinig. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Dahil kahit kailan ay hindi ako magiging handa sa kung anumang maririnig kong paliwanag mula sa kanya. Everything seems perfect… at first. Little did I know at the end of this, I’ll call him "My Almost."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook