CHAPTER 61 “Lyanne!” “Ito na po lola!” As soon as lola Espe called my name from outside, I quickly stood up and left the bed. Pikit pa ang isang mata ko nang tumayo mula sa pagkakahiga para daluhan ang pagtawag ni lola. Simula nang umuwi siya rito sa bahay noong nakaraang linggo ay siya ang nag-aasikaso sa’kin. Maaga niya akong ginigising para mag-agahan kaya’t nasanay na rin ako. Siya parati ang naghahanda ng almusal para siguraduhing kumakain ako sa oras at hindi nagpapagutom. “Naistorbo ko ba ang tulog mo?” Malumanay na tanong niya sa’kin habang sinisinop ang buhok kong gulo-gulo pa at wala sa ayos. “Hindi naman po. Anong oras na po ba, lola?” “Mag-aalas nuwebe na.” Kaswal niyang sagot. Napakamot naman ako sa ulo ko. Mas maaga niya ako ngayon ginising sa usual na oras. “Ang a

