Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napamura matapos ang oral recitation sa accounting. Unang araw pa lang pagbalik ng klase ay may surprise recitation kaagad. I wasn't expecting it! I hate that old hag. Dapat review muna bago recit! Wala akong nabasa na kahit anong notes during the whole break kaya hindi ako nakasagot. I got a zero. "Okay lang 'yan, Drey," Janice consoled me. "Kung sabihin ko kaya kay Mommy na ipatanggal 'yon?" "Hayaan mo na." Bumuntong hininga ako at naglakad na palabas ng room. Sa inis ko ay halos mabulyawan ko ang grupo ng mga lalaking nagkukumpulan sa corridor at kulang na lang ay magtulakan sa daan. They're from the other section, maybe. Lalagpasan ko na sana nang may isang lakas loob na tumawag sa akin. Siniko ako ni Janice. Pumikit ako ng mariin bag

