Hindi ko naalala kung kailan ako nagyaya sa isang lalaki na lumabas. Pero gusto ko talagang masubukan ulit ang ganoong klaseng event. And I only have one person in mind that I'm comfortable with except for Janice and Enzo. Si Rustov lang. He's not my type of company but passable. I don't know when I started feeling comfortable around him. Siguro sa mga kaunti naming interaksiyon. Although I know he has his own judgements of me, hindi naman masama ang trato niya sa akin kaya okay na rin. Rustov: What? Go out? Lasing ka ba, Audrey? Natigil ako sa paghahanap ng masusuot. Ako: May party daw sa bayan this night. I want to come and I want you to accompany me. Natagalan pa ang reply niya. Nakapili na ako ng susuotin nang magtext siya ulit. Rustov: Hindi kita masasamahan. I'll be with my

