"Do you have a problem, Tita?" si Zach nang mapansin na nakatulala ako sa kawalan habang umiinom ng wine. Kakabalik ko lang mula sa Maynila. Nilingon ko ang pamangkin at ngumiti. "Do I look like I have, Zach?" "Yeah. Must be work?" Tumango ako at ibinaba ang tingin sa baso. Ang totoo, hindi maalis sa isip ko ang pagkikita naming muli ni Rustov. Hindi ko na talaga kasi naisip na magtatagpo pa ang mga landas namin kaya ikinagulat ko iyon. However, it was done. At tingin ko, maliit lang naman ang tsansa na magkita ulit kami. Not that I want to see him again. "Iniisip ko lang naman 'yong itatayo kong pabrika. But don't worry about it. Hindi naman ako stressed dahil doon. Anyway, why are you still up? Balik klase ka na bukas. I will send you to school so better not be late. Tulog ka na."

