"Kumusta ang delivery sa Isabela?" "Okay na, Ma'am. Nadeliver na po kaninang alas nuebe," sagot ni Elena. "That's good. Titingnan ko kung makakapunta ako riyan ngayon. For the mean time, ikaw na muna ang bahala. And by the way, reschedule my meeting with Mr. Lopez." Pagkatapos ng tawag, naligo ako at nagbihis. Nakaalis na si Kirk pabalik ng Maynila. He was still having second thoughts up to the last minute. Mabuti na lang at sa huli'y nakumbinsi ko rin siyang magiging maayos ako. Pagbaba, nagulat ako nang makita kung sino ang kausap ni Ate Delia sa tanggapan. Rustov's eyes drifted on me. Naka-itim siyang button down na nakatupi hanggang siko. I was taken aback by his sudden appearance. Pumormal ako sa paglalakad at naisip na sana hindi na lang ako lumabas ng kuwarto. "O, Audrey! Mabu

