Prologo
Nakatingin ang mga angkan sa itaas ng bubong kung nasaan nakaupo si Sean. Hindi nila maintindihan kung bakit ito tumatawa habang iniikot sa kamay nito ang flute na kulay itim na may pulang tali sa dulo.
"Nababaliw na siya," narinig ni Marius na bulalas ng mga kasamang angkan.
"Young master Marius," mahinang bulong ng isa sa disciple nasa likod niya.
Alam niya kung bakit tumatawa ang kanyang kapatid at alam niya na hindi tawang masaya ang nakikita nilang lahat dito.
"Ano ang nagawa sa inyo ng mga mamamayan ng Pulang Rosas?" sigaw nito sa kanilang lahat.
Nakita nila nakatingin na ito sa kanilang lahat at iba na ang tindig nang tumayo ito nakita niya ang galit sa mga mata ng kapatid niya.
"Mga makasalanan sila!"
"Makasalanan? Pinatay ba nila ang pamilya nyo? Sila ba ang pumatay sa pamilya nyo?" sigaw pa rin ni Sean sa mga angkan nakatayo sa ibaba.
Ang dating magandang Scarlet Fallen Grounds hindi na pwedeng pasyalan ng mga angkan ngayon naglaho na parang bula at naging sentro ng digmaan. Walang nagsalita kahit isa sa mga lider ng angkan sa sinabi nito at natigalgal silang lahat.
"Pati ang asawa ko pinatay nyo! Magbabayad kayo sa ginawa nyo sa kanila!"
Nagsimula na itong magpa-tugtog ng flute.
Naitakas naman ng brother in law ni Sean ang mga anak nito at nilayo sa magulong lugar nila.
Hinayaan lang niya itong gawin ni Paul para sa kanilang mga pamangkin.
May lumalabas na usok na kulay itim ang buong katawan ng kapatid niya. Alam niya na may dugong babaylan ito at natatakot siyang ilabas nito, ngayong sobra ang galit na nararamdaman sa kanila na dating kumakampi sa kanya.
"Pero, bakit gumagamit siya ng flute?" natanong na lang niya sa isip nang makita ang hawak nito.
Nang matalo nila noon si Forneus ang gamit pa nito ang kakaibang sword na hindi nila mahawakan.
Muntik nang tumama sa kanya ang espada ng ibang angkan na kakampi nila ng bumaba si Sean mula sa bubong. Kontrolado ng kapatid niya ang ibang angkan gamit ang pinapa-tugtog nitong flute nakita niya rin ang ginamit niyang espada nasa kaliwang baywang nito.
"Sean! Tama na hindi magugustuhan ni ate ang ginagawa mo!" tawag pansin niya sa kapatid niya malapit sila kay Lulu ang kakambal nito.
Natigilan naman ito bigla at doon nataranta ang ibang angkan at sinugod nila si Sean. Dumating si King at hinarang niya ang sarili para hindi mamatay si Sean.
"Sean, tama na! Tumigil ka na!" nag-aalalang sagot ni King sa kapatid niya.
"Naniniwala ka bang hindi ako makasalanan?" sabi nito kay King nang marinig niya ito—bilang kapatid parang nawalan siya ng kakayahang lumapit dito.
"Young master Marius—" tawag ng disciple niya.
Parang binuhusan ng malamig na yelo ang mukha niya ng marinig ang sinabi ng kapatid niya.
Biglang humina ang hangin sa paligid ng Scarlet Fallen Grounds.
Parang lahat ng ingay sigawan, footsteps, qi fluctuations biglang naputol sa isang sandaling hindi maintindihan ng kahit sinong nakatayo doon.
Nandoon pa rin si Sean.
Pero hindi na siya mukhang Sean na kilala nila. Sa taas ng bubong, unti-unting humigpit ang hawak niya sa flute.
"Sean..." mahinang tawag ni King sa kanya halos pakiusap na.
Pero hindi siya tumingin.
"Patayin siya!"
"Bago pa tuluyang lumakas!"
"Babaylan siya—hindi cultivator!"
Narinig niya lahat ng sinasabi ng iba't-ibang angkan.
Unti-unting nagbago ang hangin.
Hindi na hangin ang gumalaw sa paligid niya.
Kung hindi...galit.
Itim na usok ang dahan-dahang umakyat mula sa lupa, kumapit sa gilid ng bubong at umikot sa katawan niya na parang buhay.
Napaatras ang ilang cultivators.
"Shit..." bulong ng isa.
"That's not qi anymore..."
Pero parang malayo.
Parang hindi siya ang tinutukoy nila.
Sa gilid, mahigpit ang tingin ni Marius sa kapatid niya.
Hindi siya galit.
Hindi siya natatakot.
Mas masakit pa ito kaysa—noong nakipag-hiwalay sa kanya si Zoey.
Ang dating girlfriend ni Marius ang babaeng minahal ni Sean at nagbunga ng tatlong anak.
Naiintindihan niya.
Ngumiti ito.
Hindi siya masaya.
Hindi rin siya baliw.
'Yong ngiting parang pagod na pagod na sa mundo.
"Makinig kayo..." sabi nito nakitaan niya nang kakaibang lungkot sa mata ang kanyang kapatid.
"Tinatawag nyo silang makasalanan..." sabi nito sa lahat.
Isang hakbang.
Isang paghinga.
Parang buong mundo huminto.
Tumigil ang lahat.
Kahit ang hangin.
"Pero sinong nagbigay sa inyo ng karapatang husgahan sila?" sigaw nito sa buong angkan.
"Sean—stop." sigaw niya parang huli na para iligtas at maging kasangga ng kanyang kapatid.
Pero huli na.
Dahan-dahang inangat ni Sean ang flute sa labi niya.
At sa unang tunog na lumabas—
Hindi ito music.
Hindi ito harmony.
Parang umiyak ang buong Scarlet Fallen Grounds.
Napulot niya ang flute ng kapatid niya, makalipas ng ilang taon sa Scarlet Fallen Grounds.
Pero ang katawan ng kapatid niya wala doon—
"Buhay ka pa ba, Sean?" bulong niya.
Mga durog na Reforged Shadow Core o Shadow Echo Stone ang nakuha nila habang hinahanap pa rin ang katawan ng kapatid niya.
"Ang Primordial Chaos Stone o The Chaos Heart, young master?" tanong ng disciple na kasama niya.
"Young master Marius, ang The First and Last Blade Sword ni young master Sean, sobrang lakas hindi namin mahawakan." tinuro ang isang sword nandoon sa tapat ng pinag-hulugan ng katawan ni Sean.
"Aether Chaos Requiem." sagot niya at gamit ang lakas ng qi niya kahit nahirapan nilagay niya ito sa isang Soul Sheath.
—
After 21 years (2041)
Nagising si Sean sa lugar na hindi siya pamilyar may mga bumabato sa kanya.
"Tumayo ka!" sigaw ng isang tao na hindi niya kilala.
Nakakarinig siya ng boses na tinatawag siyang, "Zev Navarro, tumayo ka dyan!"
"Hindi ako si Zev—" ingit niya nang matumba siya sa sahig dahil sa pagsipa ng isa sa sinusunod ng mga kasama nito nakita niya puno ng dugo ang loob ng lugar at puro talisman at enerhiyang itim ang nakapalibot doon.
Tumigil lang sila nang tumawag sa kanila at bumangon siya.
"Sino ako?"
Nakita niya ang mga espiritu na nakatingin sa kanya.
"Binuhay ka ni Zev, Sean gusto niyang gumanti gamit ka."
Mga bulong na naririnig niya sa loob ng maliit na kwarto.
Natigilan naman siya nang may marka sa dalawang braso niya na parang hiniwa ng espada dahil sa galit.
Maglalaho ang mga marka kapag napatay niya ang mga taong gumawa ng hindi maganda kay Zev. Naghilamos siya ng mukha sa balon na natagpuan niya sa paglabas ng kwarto.
"May dapat akong gawin, sana hindi mo na lang ako binuhay, Zev," sabi niya sa hangin.