Chapter 2

1501 Words
Habang nag-iimpake si Lulu ng gamit niya para dalhin sa Pamantasan ng Ulap gumawa rin siya ng regalo para sa kanyang kakambal nalaman niya mula sa naka-tatanda na kasama ang angkan ng kanyang ama na inimbitahan sa Pamantasan ng Ulap. "Sana magustuhan mo 'to, Sean..." bulong niya hawak ang ginawa niyang regalo para sa kanyang kakambal. "Ate," narinig niya nang lumingon siya nakita niya si Marius ang half-brother niya. "Oh, bakit?" bulalas naman niya at tumigil sa ginagawa lumapit siya dito naalala niya ang kakambal dito. Nakita nito ang hawak niya, "Para kay Sean ba 'yan?" Tumango na lang siya alam niya na minsan lang sila magkita ng kakambal niya kapag gusto dumalaw nito sa kanilang ina. Hindi naman ito tinatakwil ng kanilang ina, anak pa rin nito ang kakambal niya. Sadya lang na hindi ito sumama sa kanila dahil, mas pinili ng kakambal niya ang kanyang ama na nag-iisa sa Lily Palace. "Bakit ayaw ni mommy sa daddy nyo?" tanong nito sa kanya. Hindi naman siya kaagad sumagot sa tanong ng kapatid niya. "Iba si Papa, Marius alam mong may dugong babaylan kami pero hindi ordinaryo ang pagiging babaylan namin natatakot si Mama na matutunan kong pag-aralan ang salamangka ng babaylan hindi ko rin alam kung bakit—" sagot niya. Hindi na siya sumagot at tumalikod na ito sa kanya. Magkikita sila ng kakambal niya nandoon rin siya? Bumuntong-hininga na lang siya bago niya tinuloy ang pag-iimpake ng gamit niya. Nahiga na lang siya sa kama nang matapos siya mag-impake ng gamit niya. Umalis sila ng kapatid niya kasama ang ibang disciples. Hindi niya sinabi sa kakambal na kasama ang angkang Wang sa inimbitahan ng University of the Cloud para mag-aral sa university. Gamit ang kanilang pagka-cultivator marami nang students ang nandoon. "Ang haba ng pila, young lady baka mainip ka maghanap muna kaya tayong hotel?" sabi ng isa sa disciple na kasama nila. Tumingin sa kanya ang kapatid at umiling naman siya. Nakita nila nandoon sa unahan ang kakambal niya at ibang disciple ng Estacio clans. Dumaan sa kanilang gilid ang disciple ng Lopez clans na may dalang nakahigang tao. "Second young master Lopez," narinig nilang bati ng nagbabantay sa entrance ng university. Nakita nilang lahat nababaling ang tingin ng ibang mag-aaral sa dala nila. "Nasa loob ba ang kuya ko?" tanong ng second young master sa dalawang bantay na nakausap niya. "Ang Grandmaster Renzo Arlo, ang nasa loob naghihintay sa mga disciples ng iba't-ibang angkan na mag-aaral sa University of the Cloud, second young master." paliwanag ng bantay sa tinawag na second master. Nagsalita ang mga kasama sa pila ni Sean at maraming pagod sa paglalakbay. "Maghihintay na lang ba kami dito maghapon?" sabat ng disciple nasa likod niya. Nandoon na ang lahat ng clans na papasok sa University of the Cloud. "Ano ba ang nakahigang 'yan, second young master?" sabat ni Marius dahilan para lumingon sa kanila ang kakambal niya. Ngumiti na lang siya sa kakambal ng magka-titigan silang dalawa. Lumapit siya at nakasagi pa siya ng ibang disciples ng ibang clans. Niyakap niya ang kakambal at tumugon ito ng yakap sa kanya. "Lulu, how are you?" tanong nito sa kanya hindi pinansin si Marius. Hindi man halata pero, malapit ang dalawa niyang kapatid kahit hindi nakatira sa Timog Kanluran Puting Rosas ang kakambal niya nagkikita silang tatlo sa Scarlet Fallen Grounds. "I'm fine, last week lang tayo nagkita parang isang taon mo ako namiss, Sean alam ko na magtatagpo tayo dito sa University of the Cloud dahil invited rin ang buong Wang clans dito." biro niya. "Uhm, Lulu, sana sinabi mo sinundo kita sa White Rose Manor." bulalas nito sa kanya. Pinapasok na silang lahat magkakasama ang pamilyang Estacio at Wang inaasar naman niya ang stepbrother na si Marius na napipikon sa kanya. Sinundan na lang nila ng tingin ang second young master na papunta sa Sanctuary of Thousand Petals o Healing Center. "Hindi naman patay ang dala nila," sabi niya sa mga kasama sinaway naman siya ni Marius. Napatingin sa kanya ang mga kasamang disciples ng bawat clans. "Paano mo naman nasabi, Sean?" sabat ng isa sa mahihirap na clan na inimbitahan ng Pamantasan ng Ulap para mag-aral. Tumingin siya dito at nagsalita naman siya, "Na-obserbahan ko lang." Nagpunta na silang lahat sa kanilang dormitory bawat clans may naka-laan na dorms ang kaibahan lang magkaka-hiwalay ang mga clans. "Lulu, ano ang malakas mong ginagamit ang pagiging cultivator mo o pagiging babaylan mo?" tanong nito sa kanya naiwan sila sa may tapat ng kwarto. "Parehas, Sean pero mas qi ang mas malakas sa akin at martial arts—doon ako tinuruan ni Mama at nang stepfather natin kumpara sa salamangka ng babaylan gustuhin ko man ayaw ako paturuan ni Mama sa elders ng babaylan." sagot niya sa kanya. Sinabi naman sa kanya, ang kanilang Papa ang nagturo dito kung paano sila mas lalakas gamit ang kanilang salamangka bilang babaylan. "Miss ko na si Papa, Sean huli ko siyang nakita noong sumama ako kay Mama hindi naman ako pinapunta sa Lily Palace para makita si Papa." sagot niya sa kanya natahimik naman ito. May gusto siyang tanungin sa kanya pero nag-aalinlangan lang siya. "Sobrang lakas ng powers ng pagiging babaylan natin hindi mo kakayanin, Lulu pero gusto mo matuto pa rin tuturuan kita ng basic para kung sakaling kakailanganin mo magagamit mo ng walang tulong ko." sagot nito sa kanya. Dumating si Marius na seryoso ang mukha kasunod ang disciple ng pamilyang Wang, palipat-lipat lang ang tingin nito sa magkapatid. "Aalis na ako, Lulu, kitakits sa classroom—bye, Marius!" paalam niya sa dalawa nang palayo na siya. Lumampas ito kay Marius niyukuan naman ito ng mga Wang disciple bilang respeto. "Hoy, sambakol ang mukha mo—Marius, anong nangyari sa pinuntahan mo?" Tumingin naman sa kanya ang kapatid bago ito bumuntong-hininga. "May kutob ako, ate pero hindi ako sigurado." sabi niya bigla magkakaiba ang kwartong tutulugan nila pero magkakatabi lang. Hinawakan niya ang kamay ng kapatid, "Ano ang nakita mo?" Hindi ito sumagot at umalis bigla sinundan na lang niya ito. Sa kabilang banda, naiinip si Sean sa dormitory nila kaya tumakas siya bigla kasama ang isa sa disciple ng kanilang clan nang bumalik naman sila madilim na ang paligid nang papasok siya sa entrance hindi siya nakapasok. "Eh?" Kinapa niya ito at parang may naka-harang ginamitan niya ito ng talisman. "Ang daling alisin," pansin niya nagawang alisin ang harang. May dala siyang alak at kasunod niya ang isa sa disciple na may dalang pagkain. "Owah? Muntik na pala tayo hindi makapasok, young master ang lupit mo talaga!" Parehas sila tumatawa at napansin nila dapat sila umakyat sa bubong. Nang umakyat sila sumilip pa sila kung may bantay doon muntik ng mahulog ang kasama niya ng makita nila sa gilid ang second young master—King Lopez. "Takbo!" tulak niya sa kasama at sumunod ito para tumakas. Nahuli naman siya at kahit may dalang alak tumakas rin siya sinasangga niya ang bawat harang ni King sa kanya. "Bumaba ka at tumingin sa kaliwa mo." sagot nito sa kanya lumingon naman siya kumunot ang noo niya sa malaking bato na maraming nakasulat. "Nasa modern world na tayo, bakit may ganito pa, ano 'to?" na-shocked siya nang basahin niya ang nakasulat sa malaking bato. Tinutok ni King ang espada sa kanya dahilan para ilabas niya ang sariling espada at nagka-tutukan silang dalawa. Walang salita nag-labanan silang dalawa at nang mabasag ni King ang alak sumigaw siya. "Ang mahal ng alak na 'yan tapos, babasagin mo lang? Wala ka talaga—" Hindi siya nakapagsalita at nagulat nang hinaltak siya papunta sa Grand Cultivator Council nandoon ang grandmaster Renzo Arlo at ang first young naster Hill nakatikod sa kanila. "Ano bang nangyari?" tanong ni first young master Hill nang mawala salamangkang ginawa sa kanya ni King nagsalita kaagad siya. "Young master Hill, nainip kami ng mga disciple ko sa dorm kaysa manatili doon lumabas kami hindi ko alam sa pagsapit ng alas otso ng gabi hindi na pwede abutan sa labas ang mga cultivators," paliwanag naman niya sa first young master Hill. Tumingin ang first young master Hill sa uncle—grandmaster Renzo Arlo nito. Nabaling ang tingin niya sa tinatakpan ng telang puti nasa gilid nila. "Kanina buhay siya—patay na siya?" pansin niya ang nakahiga doon. Dahilan para tumingin ang grandmster Renzo Arlo kay Sean. Ang tono ng boses ng grandmaster Renzo Arlo nagbago, "Paano mong nasabing buhay siya?" Palipat-lipat ang tingin ni King sa mga kasama. "Uncle? Kuya?" tawag nito sa kapatid at uncle na malalim ang iniisip. Tumayo ang grandmaster Renzo Arlo sa pwesto nito at tumingin naman ito kina Sean at King. Nagpunta silang apat sa gitna ng Grand Cultivator Council, at nandoon ang taong nakita ni Sean na dala ng mga disciple at ni King sa entrance noong papasok sila sa University of the Cloud. "Isa siyang puppet—kinokontrol ng isang malakas na cultivator, grandmaster Renzo Arlo." puna ni Sean sa mga kasama niya sa loob ng Grand Cultivator Council.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD