“Excuse me? Sebastian? Hindi mo pag-aari ang apelyido ni Marcos!” turan nito. “Vanessa, trip ko lang na dalhin ang apelyido ng dati kong asawang inagaw mo sa amin ng anak oko!" "Ako na ang asawa niya Savanna! Ang kapal ng mukha mong angkinin ang hindi sa iyo!" Hindi na nagsasalita pa si Savanna, ngunit ang mga mata niya ang nagbibigay ng mensahe kay Vanessa. Halos higupin na siya ng mga mata nito dahil sa talas ng tingin sa kaniya. Ngunit nanatili lang siyang kalmado at may makahulugang ngiti sa labi. Masiyado siyang natutuwa sa reaksyon ni Vanessa. “Wala na ba tayong problema, Vanessa?” Hindi nakapagsalita si Vanessa, kaya nagsalita na si Marcos. “Walang problema sa akin kung hanggang kailan mo gustong gamitin ang surname ko, Savanna. It’s my pleasure.” Lalong uminit ang ulo ni Van

