Habang naglalakad siya sa daan ay biglang sumakit ang kaniyang tiyan. Umupo siya sa gilid ng kalsada at sumigaw sa sobrang sakit. Samantalang hindi tumitigil si Marcos sa pag-iikot para mahanap siya, tumulo na rin ang kaniyang mga luha dahil nag-aalala na siya kay Savanna, lalo na sa kanilang anak na nasa tiyan nito. Lumaki ang mga mata ni Marcos, nang makita niya itong nakaupo sa gilid ng kalsada. Tinabi niya ang kaniyang kotse at nagmadali siyang bumaba. "Savanna, bakit ka umupo rito? Halika na umuwi na tayo. Kanina pa kita hinahanap, nakita ko kasi ang kotse mo sa parking lot, anong nangyayari sa 'yo? Masakit ba ang tiyan mo?" "Huwag mo akong hawakan Marcos! Pabayaan mo na ako! Ayaw na kitang makita." "Savanna, halika na, dadalhin kita sa doctor. Sige na. Hayaan mo muna akong buha

