"Fake ang kasal ninyo Vanessa, mula ngayon ay pag-aari ko na si Marcos!" sigaw nito dahilan sa sobrang galit ni Vanessa. Nagulat si Marcos nang hatakin ni Vanessa ang buhok ni Savanna. Sa galit ni Marcos ay sinampal niya si Vanessa, lumaki ang mga mata nito, dahil sa lakas ng pagsampal ni Marcos sa kaniya. "Marcos, sinampal mo ako? Nang dahil sa malanding babaeng 'yan sinaktan mo ako? Walang hiya ka!” galit niyang sigaw. Sa galit ni Savanna ay mabilis lumipad ang kaniyang kamay sa mukha ni Vanessa. Akmang lapitan pa sana nito si Savanna, ngunit kinuha nito ang gunting para isaksak sana niya kay Vanessa pero nahawakan ni Marcos ang kamay niya. "Savanna, huwag mong gawin 'yan makukulong ka." Mahinahong saad ni Macos, tumulo ang mga luha ni Savanna dahil sa sobrang galit nito kay Vanessa.

