Nakita ni Mateo na nilagyan ng posas si Vanessa, nagmamadali siyang bumalik sa baba, dahil ayaw niyang makita siya ng mga pulis nang dumating siya sa kotse ay nanggigil na siya sa sobrang galit. "Ang tanga-tanga mo Vanessa, bahala ka sa buhay mo! Basta ayokong magpapahuli sa mga pulis." wika nito at nagmamadaling pinaharurot ang kotse. Galit na galit si Vanessa, dahil hindi niya mataggap na makukulong siya. Matalas na tingin ang ipinukol niya kay Savanna. Dinala na siya ng mga pulis. "Marcos, wala akong kasalanan. Si Mateo ang utak ng lahat. Saka, siya ang gustong magpapatay sa iyo, hindi ako!" sigaw nito, pero hindi na siya pinapansin pa ni Marcos. Nang umalis na ang mga pulis, ay bumalik na si Savanna sa opisina niya pero hinawakan ni Marcos ang kamay niya. "Marcos, bakit meron k

