“Pakinggan mong mabuti para matauhan ka. Para matuto ka naman na hindi lahat ng tao ay mapagkakatiwalaan. Nagsimulang tumulo ang luha ni Marcos, nang marinig ang lahat ng sinabi nito tungkol kay Mateo at Vanessa. Hindi ito makapaniwala sa narinig. Mataman lamang itong tinitigan ni Savanna. “Ang tanga ko! Niloloko lang pala ako nina Vanessa at Mateo. Hayop ka, Vanessa!" “May mas malala pang ginawa si Vanessa, Marcos. Baka hindi mo kayanin.” “Ano ʼyon?” pinag-uusapan pa nila sa video. Sinasali na rin ni Savanna ang video na meron kausap si Vanessa at sinabi nito ang detalye kung paano nila patayin sina Marcela at Pablo. Nang makitang nangining na sa sobrang galit si Marcos ay pinatay na niya ang video at tinanggal nito ang usb, iyon na lahat ang naipon niyang ebedensiya para sampahan ng

